Chapter 23: Where Is She?!

14.8K 368 6
                                    

*[Cloud's POV]*

"SHIT! Boses ni Mia yun ah!" sigaw ni Sky, agad na akong tumakbo papasok sa forest para mahanap sya. The hell?! Tatlong puno lang ang kailangang daanan para makita yung box! San ba sya dumaan?!

Tumakbo ako gamit ang pinaka mabilis ko, nasan ba sya? San ba sya pumunta? San ba sya sumuot? Nakita ko yung box, nandun pa rin sya sa pwestong yun, kung san ko sya nilagay nandun pa rin at parang di man lang nahawakan. Pero imposible yun, dito sya dumaan, dito ko sya-

"FVCK!"napasigaw ako sa sobrang inis! Ang tanga ko! Bakit di ko naisip yun?! T*ng*na lang talaga!

"Problema?" tanong nila Sky nang maabutan ako.

"Nandito na sya" rinig kong sabi ng kapatid ko. Bakit di ko sya agad naramdaman?!

"Sino?" tanong agad ni Sky. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Paano ko sya mababawi? Paano?!

"Hindi niyo sya naprotektahan?" -Light. Agad naman akong napatingin sa kanya na nakakunot noo.

"Pinagsasabi mo?"

"Bakit di mo sya binantayan?!" sigaw niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Susugurin na sana niya ako pero pumagitna si Gail.

"Light tama na ok? Wala namang may gustong mangyare to eh"

"Ano bang pinag-uusapan niyo? Di ko kayo maintindihan" -Sky

"Si Light.." -Cristine. Nakayuko lang sya at dahil nga sa madilim at natatakpan pa sya ng anino ng puno, di ko masyadong makita yung mukha niya. Basta nakatingin lang kami sa kanya.

"Si Light ang protector niya" sabi niya. Nanlaki ang mata ko, protector? Hindi bat prinsesa lang ang-

"Tama ang iniisip niyo.. si Mia ay isang prinsesa" dagdag pa niya.

"Pano mong nalaman ang lahat ng yan?" kalmadong tanong ni Gail.

"Alam mo rin?" tanong ko sa kanya. Nag nod lang sya, baket... baket ang dami kong hindi alam?

Naglakad-lakad si Cristine at may pinapaikot na stick sa daliri niya, mga kasinglaki lang siguro yun ng lapis. Nakangiti sya pero ngiting may bahid ng lungkot at...hinagpis?

"Si Mia at yung painting sa principal's office"

"Si kesha" -Light

"Tama. Si Mia at Kesha.. iisa lang sila. Na Reincarnation si Kesha sa katauhan ni Mia" Ibig sabihin mali ang hinala ko na.. kambal niya yung nasa painting?

"Si Light na protector ni Mia ay Isangdaang taon nang nabubuhay sa mundo" tuloy niya, agad naman akong napatingin kay Light.

"Totoo?"-tanong ni Sky

"Oo" sagot naman niya. Ibig sabihin matanda na si Light?

"Kaya nandito pa rin si Light ay dahil hinihintay niya ang muling pagbabalik ni Kesha...at iyon nga si Mia"

"Pero..di lang naman iyon ang dahilan diba Light? Nandito ka dahil alam mong...babalik sya..babalikan niya ang dati niyang pinatay"

"Sinong sya?" -Sky

"Si Daemon" sagot naman niya. Kilala niya? Kilala niya ang taong pinagsisilbihan namin ni Gail?

*[Larina's POV]*

Sabi ko na nga ba! Alam kong sa simula pa lang na pumasok si Mia sa BU (Blood University) pinlano niya na to. Nilang dalawa. Bakit di ko naisip?! Pakshit lang talaga ARRGGHHH!!!

"Bakit mo to ginagawa?" iritang tanong ko sa kanya. Akala ko totoo na yung pakikipag kaibigan niya kay Mia, kaya nga hindi ko sila pinapakealaman. Kaya ako nagsusungit kay Mia dahil ayokong mag-alala sa kanya sa araw na to.. pero kahit pala hindi kami naging magkaibigan nag-aalala pa rin ako, lalo na ngayong alam kong nandito na sya, pero hindi.. may isang bagay pa para hindi makalapit si Daemon sa kanya.

"Na kay Mia pa rin ang Bracelet kaya hindi sya-" napatigil ako sa pagsasalita nang sumabat si Cristine.

"Eto ba?" sabay taas niya nang palad niya at nakasabit doon ang bracelet na sa pagkaka-alam ko bigay ng mama ni Mia.

"Kinuha ko ito noong nag overnight ako sa bahay niya" nakangisi niyang sabi.

"Bakit alam mo ang mga bagay na to?" -Cloud

"Simple lang... dahil....kapatid ko si........Daemon"

-------------------
@Jamimajane
@aileenraro

Thanks sa vote :)

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now