Chapter 9: Stranger's Voice (/)

19.4K 504 3
                                    

Ahm Hey Guys! Baka matagalan yung next update ko so nag-update ako agad, medyo maikli lang to ee' bawi ako sa next chapter.

Medyo busy ee' mag rereview ako for my entrance exam so ayun..

Enjoy this part and kindly leave a comment? Yeah

-------------------------

Nang iwan ako ni cloud dun sa mini-garden ay naisipan ko na ring umuwi. Malapit na ako sa pinto ng mapalingon ako, sa lugar na madilim, sa lugar na halos walang ilaw, sa lugar na lagi kong napapanaginipan. Ano bang meron dun?

Maliwanag pa naman kaya naisipan kong pumunta doon. Ilang sandali lang ay nasa lugar na ako na kung saan lagi kong nakikita yung lalaki sa panaginip ko. Yung lalaking lalapit at hahawakan ang kamay ko. Kahit panaginip lang yun pakiramdam ko totoo

"Anong ginagawa mo dito?!"

Napalingon ako. Si Light... mabilis ang paglapit niya sakin na parang nagmamadaling makapunta agad sakin, masama ang tingin niya na parang may ginawa akong hindi dapat

"BAKIT KA NANDITO?!" kalmadong tanong pero may diin.

"Wa--wala nag e-explore lang" Nakakatakot ang mukha ni Light. Galit ata sya

"Simula ngayon wag na wag ka na ulit babalik dito ha?!"

"Ba-baket? Wala namang masama kung nandito---"

"MIA! SUNDIN MO AKO!" Nang mga oras na yan ay sumigaw na sya

Napanganga ako. Sinigawan niya ako? Napayuko na lang ako

"So-sorry" rinig kong sabi niya. Medyo kalmado na sya

"O-ok lang" sabi ko habang nakayuko pa rin "A-Aalis na ako" dugtong ko sabay hakbang ng makarinig ako ng kaluskos banda sa puno. Napatingin ako doon maging si Light ay napatingin din sa lugar kung saan nanggagaling yung tunog

"A-Ano yon?" tanong ko kay Light. Medyo kinabahan na ako. Nagdilim ang langit, parang uulan.

Naramdam kong pumunta sya sa harapan ko

"Stay at my back" Nakatingin pa rin sya sa dun sa mapunong lugar. Palipat lipat ang tingin ko, minsan na kay Light minsan dun sa lugar kung saan nanggagaling yung tunog. Napansin ko ang itsura ni Light habang nakatingin don sa lugar, hindi ata halos sya kumukurap at titig na titig doon. Makikita sa mukha niya ang pangamba, galit at takot.

"Ano bang nangyayari?" naguguluhan ko ng tanong. Kinakabahan na ako dahil sa mga ikinikilos ni Light.

*Sssshhhhh*

Ang lakas ng hangin parang may malakas na bagyong dadating. Muli kaming nakarinig ng kaluskos at mas malakas ito kumpara nung una

"Pumunta ka ba para makita ako?" Nalingon-lingon ako sa paligid. May bumulong sakin

"Anong problema?" may pag-aalalang tanong ni Light

"Narinig mo ba yun?" tanong ko pero patingin-tingin pa rin sa paligid

"Anong narinig?" tanong niya ulit

Ibig sabihin hindi niya narinig?

"Gusto mo ba akong makita?" narinig kong bulong ulit

"SINO KA?!" sigaw ko, halos naiikot na ng paningin ko ang buong paligid

"Ano bang nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ulit ni Light. Hindi ko makita ang expression ng mukha niya pero ramdam ko na nag-aalala sya sa mga action na ginagawa ko.

Hindi talaga ako komportable, pakiramdam ko nasa tabi ko lang sya at hindi nakikita. Yung boses niya, yun yung boses na narinig ko sa locker room at yun ang boses ng taong laging humahawak sa kamay ko sa panaginip ko. Hindi ako maaaring magkamali

Muli akong nakaramdam ng pagkahilo, nanlamig ang buong katawan ko at unti-unti akong nawawalan ng lakas....

"MIA!" tanging huling narinig ko na isinigaw ni Light

*BLACK OUT*
-------------------

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now