Chapter 3: The Three Prince (/)

28.6K 666 14
                                    

"Hi"

Napatitig ako sa taong may hawak ng kamay ko.

Isa syang matangkad na lalaki, maputi, singkit, may mapupulang mga labi at..

at..

at..

GWAPO!

"WAAAHHHH!!" rinig kong tilian ulit ng mga estyudyante sa paligid ko.

Ngumiti siya sakin, agad ko naman binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Ang lambot! What the fudge!

"Hi" muling sabi niya

Wala akong masagot, ano ba dapat? Mag H-Hi din ba ako? Shit! Bakit ngayon pa ko nai-speechless.

"Hi daw Mia" sabi nung babaeng-Teka! Eh boses ni Cristine yun eh!

Nakita ko na mula sa kumpulan ng maraming mga babaeng estyudyante (well, may mga vakler din naman) ay lumabas si Cristine na nakangiti habang lumalapit samin.

"Kaibigan mo?" tanong ng gwapong humawak sa kamay ko kay Cristine.

"Oo. New student. Transferee" sagot naman ni Cristine ng makalapit na sya samin. Tumango naman ang lalaki habang nakangiting nakatingin sakin.

Fudge! Curse that perfect set of teeth of him! Ugh!

"Nga pala Mia siya si Sky and Sky, this is Mia" bakit napakabuti ng may likha sa nilalang na nasa harap ko? Those chinky eyes, his black hair na natatakpan na ang batok sa sobrang haba. Sa unang tingin aakalain mong suplado sya kasi naman! Yung mata niya parang laging inaantok but damn! Why so gwapo?!

Muli niyang inabot yung kamay niya sakin at walang kaarte-arte ko itong inabot at nakipag shakehands.

Kamay lang sapat na!

"Uy tama na " bi-nump ni Cristine ang hip niya sakin na naging dahilan ng pagbibitaw ng kamay naming dalawa.

Your hand...

"Nice to meet you Mia" Sky said still wearing that smile.

Papa God, alam kong bruha at masamang anak ako minsan. Yes papa God minsan lang but I wanna thank you po kasi pinakita niyo po sakin ang Almost Perfect at nag-iisang lalaking--

"Ay nga pala Mia meron pa"

Gwapo na may malambot na kamay at ang ngiti juicecolored!

"Mia"

Pamatay! Hindi ko na to kinakaya papa God--

"Mia"

Pwede mo na kong kunin at--

"Mia yuhoo? Still with me?"

Alam kong hindi ko to--

"MIA!"

"Anak naman talaga ako ni Rhina oo! Ano ba yun?!" tinitigan ko ang paligid. Saka ko lang napagtanto na napalakas ata ang sigaw ko. Tiningnan ko ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Sky at Cristine. Papa God naman bakit mo ako nilalaglag? Dapat tropa-tropa tayo dito. Di mo man lang sinabi na--

Napatigil ang mata ko sa pagtitig sa paligid ng may dalawa pa palang lalaki sa likod ni Sky.

Yung isa matangkad din, singkit tapos mukang laging seryoso sa buhay pero gwapo tapos yung isa naiiba kung yung dalawa singkit siya naman medyo bilugan ang mata niya, matataba ang pisngi na lalong nagpacute sa kanya at kissable lips. Di maipagkakailang sya ang pinaka gwapo sa kanilang tatlo kaya lang mukha syang masungit kahit na napaka amo ng features ng mukha nya. I just felt na may something sa tao na ito at mukhang hindi iyon maganda. Naka crossed arms pa habang bored na nakatingin sakin. Wait- Sakin nga? Baka mapagbintangan akong assuming, kahit maganda ako dapat sigurado ako na sakin sya nakatingin o baka naman bulag sya? Pero parang hindi rin eh.

She's The Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon