Chapter 15: My Feelings (Part 2)

17.7K 422 21
                                    


*[Mia's POV]*

Same that night...

(Z/N: sana naintindihan niyo English ko xD)

Np: Dreaming about you and me *Click the video there*

Bakit ganon? Hindi ako makatulog samantalang itong katabi ko tulog na tulog na. Anyayare sakin? Hmmmm?

Kanina pa yung kwentuhan namin ni Cristine about kay Cloud at seriously until now hindi pa rin ako maka move on.

Eto ako nakatingin sa kisame at inaalala yung sinabi niya sakin kanina.

"Kung san-san ka nagpupupunta! Diba sabi ko sayo hintayin mo ako? Aish! Nag-alala ako sayo!"

Seriously? Anong nakain niya at sinabi niya sakin yan? Oo isang linggo na nga ang nakalipas simula nung nakalat yung girlfriend thingy na yan. Ang alam ng mga students here kami talaga pero ang totoo hindi. Ang weird nga eh kasi kahit na anong deny ko laging sinasabi ni Cloud na 'pagpasensyahan niyo na mahiyain kasi tong girlfriend ko, ayaw pang umamin' . Oh diba? Weird talaga? He says pasensya eh hindi naman ganyan yung character na dinescribe ni author na sya diba?


OMORGORD! Hindi kaya?? Waaah. Namaligno si Cloud? Hala! Naku patay tayo bakit si Cloud pa yung napagtripan? Dapat si Sky na lang para sya yung concern sakin!


Sa sobrang pag-iisip ko ng mga bagay-bagay bigla na lang sumara ang talukap ng mga mata ko and everything went black

*

"Hi"


Nandito ako sa mini garden slash forest. Di ko alam kung paano ako napunta dito eh. Nakita ko si Cloud na nakatayo at nakatingin sa malayo kaya binati ko sya ng 'Hi' para malaman na nandito ako. Pero di niya ako pinansin at nakatingin pa rin sya sa malayo. Tumabi ako sa kanya at tiningnan yung tinitingnan niya pero wala naman akong nakita kundi bundok at ulap lang. Boring, so tiningnan ko sya at OMO! Ang gwapo niya kahit naka side view at ang amo ng mukha niya.


"Baka matunaw ako niyan?" Aish! Nagsalita rin sa wakas.Tumingin sya sakin saglit at bumalik ulit ang tingin sa kawalan. Pero wait, ano daw? Baka matunaw sya? Tinititigan ko ba? Tinititigan ko?


Umiwas ako ng tingin, pakiramdam ko namumula ata ako.


"Hindi naman kita tinititigan ah!" depensa ko.


I heard him chuckled slightly kaya napatingin ulit ako sa kanya. Maamo ang mukha niya. He's cute, aamin na ako. He has this innocent and angelic face yet demon inside. That's Cloud Torino for you.


"Sasama ka ba sa kanya kapag nagkita kayo?" nung tinanong niya yan sakin bigla syang humarap kaya nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Iiwas sana ako ng tingin pero nakita ko yung mata niya, ang lungkot ng mga to at punung-puno ng pag-aalala.


"Hindi ko alam" yan na lang ang sagot ko. Walang pangalan yung tinutukoy niya pero pakiramdam ko kilala ko. Di ko lang alam yung pangalan.


Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sinabing...


"Mahal kita"


"Hoy Mia girl! Gumising ka na!"


"Ay Cloud! MAHAL KITA!" Napatakip ako agad ng bibig.


Shit! Shit! Shit!


Lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin. Nasa room na kasi kami ngayon at puyat ako kagabi dahil nga sa pag-iisip ng kung anu-ano kaya nakatulog ako dito sa classroom na to.


"What.Did.You.Just.Said?" Nakakunot na tanong ni Cristine. Waaah. Nasigaw ko ba? Hindi naman diba? Hindi diba? Sumagot kayo!


"W-wala naman akong sinabi ah? M-meron ba?" kinakabahan ako MyGawd! Bakit ba kase ganun yung panaginip ko? Hindi ka naman pwedeng mainlove sa kanya.. sandali pa lang kami magkakilala.


At isa pa.. dapat Crush muna bago mahal diba?


"I heard it Mia, did you just said Cloud maha-" tinakpan ko na yung bibig niya. Mahirap na baka marinig pa yun ni-


"Don't worry Mia Neill Cruz, Mahal din naman kita" sabi ng lalake sa likod ko.


I stunned knowing na nasa likod lang ang sanhi ng pagkapuyat ko kagabi.


Hindi ko alam kung haharap ba ko sa kanya o tatakbo palabas ng room.


Pero ano ang sabi niya? Mahal niya din ako?


Nang marealized ko iyon ay doon ko lang sya tuluyang tiningnan. Nakatayo sya at malapad na nakangiti sakin habang amused na amused ang mukha. Hindi niya inaasahan ang magiging outburst ko so do I.


Kailangan ko bang kiligin na nalaman kong mahal niya rin ako? Masaya ako oo pero nandun pa rin yung takot, pero mas nangingibabaw ngayon ang flirt genes ko. Kinikilig ako at para na akong maiihi. Yung mata niyang kulay black na matamang nakatingin sa asul kong mga mata. Shit! Nasan ang underwear ko? Nasan?!


"Ayiiiiieeeeeeeh!!!!" rinig kong sigawan ng mga kaklase ko. Tumingin ako kay Cristine at binigyan niya ako ng Bagay-Kayo-Look. Aish! Nagkamali lang naman ako, hindi ko talaga sya maha-.


Hayst! Sige na nga, oo na, huling-huli na ako tatanggi pa ba ako? Mahal ko sya. Totoo! Simula nung nagpanggap kaming mag Girlfriend-Boyfriend. Nakita ko ang kakaibang side ni Cloud, mabait sya, malambing, maalaga. Oo na, Mahal ko na nga sya.


Happy? *pout*


She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now