Chapter 22: She's Gone?

14.9K 359 8
                                    

*[Mia's POV]*

"Dare" sagot ko. Nakaka excite! Hihi ano kayang iuutos niya? Hindi naman niya siguro niya iuutos sakin yung halikan mo ko sa lips no? O kaya yakapin mo ako for 30 minutes? Pero kung yan ang iuutos niya...

...Willing naman ako haha. Choosy pa ba ako? At tsaka wala namang malisya He's My Boyfriend like D-u-h?

Tiningnan ko lang si Ulap ko, nakahawak sya sa baba niya at nakatingin sa baba na kala mo ay pinag-iisipang mabuti ang iuutos sakin. Pwede naman niyang iutos yung mga naisip ko. Tsk! Ako na malandi aish!

*

Ang tagal niyang mag-isip. Yung totoo?

"Ano ba yan Cloud! Inabot na tayo ng siyam-siyam dito! Tagalan mo pa!" sarkastikong sabi ni Cristine

"Oo nga naman pre, papahirapan mo ba yang girlfriend mo kaya ganyan katagal yang pag-iisip mo?" -Sky. Napatingin naman ako kay Cloud at nakita ko syang ngumisi O.O papahirapan niya talaga ako?

"This is my dare for you..." panimula niya "There's a box there" sabay turo sa mapunong lugar "I want you to find it for me" pagtatapos niyang sabihin at ngumisi ulit.

Di nga? As in? Hahanapin ko yang pesteng box na yan para sa kanya? Gusto niya akong pumunta sa mapunong lugar na yan para lang ipahanap yung box na yon? Ipapahamak niya ba ako? Like? Babae kaya ako at tsaka gabi na!

"Seryoso?" tanong ko. Tumango-tango lang sya. Napalunok ako, walang'yang lalake! Ipapahamak nga ako! At ito namang mga tao sa paligid ko, di man lang nag react na 'Uy! Baka mapahamak yan?' kahit mga ganyan lang? pero wala eh, dare kung dare! Shit lang! Sana pala nag truth na lang ako.

Tumayo na ako at akmang pupunta na nang may sinabi sakin si Cloud.

"I LOVE YOU" sabi niya sabay ngiti, kinilig naman ang kagandahan ko dun. Si Sky ay ngumiti rin, si Light, as usual walang ekspresyon, wala man lang ka sweetan sa katawan neto tsk. Si Larina naman ay umirap lang, inggit haha. Tapos si Cristine..... Did she just..... SMIRK?

*[Sky's POV]*

"San mo ba kasi tinago?" tanong ko kay Cloud. Ang tagal kasi ni Mia, kanina pa sya nasa loob baka naligaw na yun.

"Tatlong puno lang ang madadaanan mo makikita mo agad yung box" sagot naman niya. Tatlong puno?! Edi sana kung tatlong puno lang yun dapat kanina pa nandito si Mia.

"Eh bakit ang tagal?" tanong naman ng babes ko. Larina.

"Baka naligaw?" hula ni Cristine. Kanina pa to nakangiti, parang di man lang nag-aalala sa kaibigan niya lalo naman tong boyfriend, parang walang pakealam.

"Kung naligaw edi hanapin na natin" suggest ko at tumayo na. Agad naman akong pinigilan ni Cristine.

"No Sky wag kang umalis.. I-I mean.. hintay pa tayo, baka malapit na sya" pigil ni Cristine. What's wrong with her?

Bigla naman tumayo si Cloud.

"San ka pupunta?" tanong ni Larina.

"Hahanapin ko sya" sagot naman ni Cloud. Tsk! Nag-aalala rin pala pinatagal pa.

"Sasama ako" sabat ni Light. Akalain mong nag-eexist pala to? Tumayo na rin sya, bale yung dalawang babae na lang ang nakaupo ngayon.

"Me too" sabi naman ni Larina

"No babes! Dito ka lang! baka kung mapano ka dun!" pigil ko sa kanya.

"Anong tingin mo sakin? Mahina?" pagtataray naman niya

"Di naman sa ganun, ang gusto ko lang sabihin ay baka kung------" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may sumigaw.

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"SHIT! Boses ni Mia yun ah!" yan na lang ang nasabi ko at mabilis na kumaripas papuntang gubat

---------------------
@donaalexa
@FantasyLover1499
@MsMahiligMagImagine
@13A12B5R5

Thanks po sa tadtad na votes :)))

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now