Chapter 2: New School (/)

30.8K 774 8
                                    

#167
*

Nandito ako ngayon sa loob ng van, talagang tototohanin nila yung LIPAT WHATEVER na yan!

"Mia, magiging ok ka doon" sabi ni mama. Nasa passenger seat si mama tapos si papa ang nag d-drive. Hahatid daw nila ako doon sa NEW SCHOOL ko kuno

Tumingin ako sa labas ng bintana, isang oras na ata kaming bumibyahe bakit parang ang layo? Tapos yung dinadaanan namin nakakatakot pa parang yung daan sa THE ROAD? Ang daming puno sa gilid tapos wala masyadong sasakyan na nadaan, parang tagong-tago itong lugar na to. Sabi ko na nga ba sa kagubatan ako mapupunta. Why oh why?

"Anak" tiningnan ko si mama, may hawak sya sa kamay niya. Kwintas ata? Ay hindi maikli lang eh. Ah! Bracelet pala.

"Gusto ko lagi mo suot ito ah? Wag na wag mong huhubarin, Maligo ka man o kumain basta lagi mo dapat suot ito ha? Ok?" sabay abot nung bracelet

Kinuha ko naman yung bracelet, tinitigan ko muna ito, simpleng bracelet lang naman sya na color black tapos may pendat syang heart. Pag unang tingin simple lang talaga pero kapag matagal mo ng tinitigan, yung loob nung heart parang nag shi-shine. Hay ewan basta ganon yun.

"Para saan naman to ma?" tanong ko habang tinititigan pa rin ang bracelet

"Wala! Ano lang..." parang tense ata si ina? "Re-Regalo? Ah tama! Regalo" para syang nakahinga ng maluwag

"Ah ganon po? Sige" yan na lang ang sinabi ko kasi kung magtatanong ako panigurado di rin naman ako sasagutin kaya mas magandang manahimik na lang

Ilang minuto pa ang lumipas at saw akas nakarating din sa bagong school na pagkalayo-layo.

Nakita ko agad ang pangalan ng school

WELCOME TO BLOOD UNIVERSITY

Blood? Panget naman! Ano bang pangalan yan?

"Nandito na tayo" sabi ni papa. Pi-nark niya ang kotse sa tapat ng gate ng school.

Bago ako bumaba ng van may sinabi muna sila sakin

"Mia, nandyan na yung gamit mo, mga damit, shorts, make ups-"

"Hey Hey! Kalma lang ma" I said

"Baket?" biglang tanong ni mama

"Ano bang pinagsasabi mo dyan ma? Anong gamit gamit? Dito ba ako titira?" tanong ko

"Anak , sa sobrang layo ng school na ito hindi ka pwedeng umuwi araw-araw sa bahay"

"So talaga pong patitirahin niyo ako sa lugar na to? Ma? Wala nga atang dorm dito"

"Meron anak, nasa loob"

Sa loob?

"Sa loob ng school na to?!" gulat kong tanong

"Oo sa loob niyan" pagcoconfirm ni papa

Seryoso ba sila?

"Basta Mia nandyan na lahat ng kailangan mo . Tandaan mo yung bracelet mo ok?" sabay abot sa ulo ko at hinalikan ang nook o pagkatapos ni mama ay si papa naman

"Mag-iingat ka, mamimiss ka namin" -papa

Eh? Parang hindi naman na kami magkikita? At isa pa pwede ko naman silang dalawin kapag wala akong pasok.

"Ok po" bumaba na ako nag wave naman sakin sila mama at pinaharurot na nila yung van

"Ok! Relax lang Mia keri mo to" pampalakas loob ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim. Pagkalapit ko sa gate ay nakita ko agad ang isang gwardya, Pagkakita niya sakin ay nginitian niya ako at binuksan ang gate.

She's The Vampire PrincessWhere stories live. Discover now