Début : The Prophecy

38 0 0
                                    


Third Person's Point of View

"Hindi siya maaaring mamuhay, Gabriella." Sambit ng isang lalaking naka-tingin sa Reyna.

"Huwag niyong gagalawin ang anak ko. Pagsisisihan niyo ito." Tumayo ang Reyna at kinuha ang anak niya. Matatalim ang titig ng mga taong kasama niya sa kanyang silid.

Palabas na ng pinto si Reyna Gabriella ng magsalitang muli ang lalaki. "Kung hindi mo kami susundin ay patawarin mo kami, Mahal na Reyna. Hihikayatin namin ang lahat upang makipag-digma sa inyo."

"Hindi ko kayo pipigilan sa nais niyo, pero sana ay alam niyo ang ginagawa niyo." Huling sambit ng Reyna bago umalis sa kanyang silid.

Isang lalaki ang makikitang naka-ngisi dahil sa kanyang mga nasaksikan. Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon, wala na siyang balak na palagpasin pa ito.

Dinala ng Reyna ang kanyang anak sa silid nito, makikita naman ang isang munting Prinsesa na naghihintay sa kanilang pagpasok.

"Ina, siya na ba ang aking kapatid?" masayang tanong ng Prinsesa sa kanyang Ina. "Siya na nga,anak. Sana ay lumaki kayong magkasundo sa lahat ng bagay, at hindi niyo sana pag-awayan ang iiwanan kong trono."

Bakas ang pag-aalala sa mukha ng Reyna, alam niyang malapit na ang digmaang magaganap at nais niyang iligtas ang bunsong anak niya.

"Hindi maaaring mabuhay ang inyong dinadala, Mahal na Reyna. Hindi an ak ito gusto, kailangan natin unahan ang propesiya."

Habang pinapatulog ang dalawang Prinsesa ay nanumbalik sa Reyna ang mga sinabi ng punong tagapag-payo. Hindi niya ito nais sundin kaya naman ipinagpatuloy niya ang kanyang pagbubuntis, kahit alam na niya na digmaan ang magiging resulta nito.

"Anong iniisip mo, Mahal kong Reyna?" lumingon ang Reyna sa kinaroroonan ng taong nagsalita.

Ngiti agad ang ibinungad niya sa taong ito, "Iniisip ko ang digmaang magaganap, Mahal ko. Iniisip ko ang kaligtasan ng ating mga anak."

Niyakap siya ng Hari at hinalikan sa noo. "Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa ating mga anak, huwag ka nang mag-isip pa ng kahit ano. Halika na at magpahinga na tayo."

Lingid sa kaalaman nila ay nanghihikayat na ang kanilang mga kalaban, ilang araw lamang ang pagitan ay gaganapin na ang digmaang sanhi ng pagkabuhay ng isang sanggol.

Sanggol na sinasabing sisira sa buong Sentius, ito ang nais nilang pigilan at magiging ligtas lamang ang mundo nila kung malalagutan ng hininga ang sanggol na itinakda.

Itinakdang sisira sa mundong tirahan ng iba't ibang immortal. Ang mundong dati ay masaya't may pagmamahal, nasira dahil sa inang labis ang pagmamahal sa anak na nais niyang mabuhay ng matagal.

__**__

"Mahal na Reyna! Nariyan na ang mga Lusefellian!" malakas na sigaw ng mga kawal. Nagsimula na ang digmaang inaasahan ng lahat.

"Sancia, magtago ka!" sigaw ng Reyna sa kanyang panganay na anak. Alam niyang hindi gagalawin ng mga kalaban ang panganay niyang anak, pero nais pa rin niyang maging ligtas ito.

"Kayo muna ang bahala rito, may nais lang akong gawin." Sambit ng Reyna na nag-iingat sa kanyang bawat galaw.

Nagpalit siya ng anyo, mula sa pagiging magandang dilag ay naging matanda ito. Matandang kahit sino ay hindi nanaising tignan siya. Naka-salubong niya ang ilang Lusefellian at hindi man lang siya nito nakilala. Nagpatuloy siya sa paglalakad.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now