Dix-Sept : The Prince's Duty

11 0 0
                                    

Third Person's Point of Views

"Did you find her?" sambit ni Sancia habang naka-talikod kay Enzo, umiling naman ito bilang sagot sa kanya dahil wala pa rin siyang alam kung nasaan ito.

"Masyado na akong naiinip, Enzo. Kailangan mo siyang mahanap bago ako makabalik mula sa Sentius, kung ayaw mong bawian ko ng buhay si Maezy. We both know that I am the one who gave her that life."

Naikuyom ni Enzo ang kanyang kamao, hindi niya kayang makitang hindi na humihinga ang babaeng mahal niya. Nakita na niya ito ng isang beses at ayaw na niyang maulit pa. Humingi siya nang pabor kay Sancia na buhayin muli ang babaeng natagpuan niya sa likod ng Bromidus, kapalit noon ang pagiging sunud-sunuran niya sa prinsesa.

"I'm not kidding, Enzo. You know what I can do." Umalis si Sancia ng may ngiti sa mga labi, nais niya talagang makuha ang lahat ng kanyang gusto kahit na may buhay na mawala ay ayos lang sa kanya.

"Follow him. Alam kong itatago niya ang babaeng 'yon at kailangan mong alamin kung saan." Sambit niya at agad namang sumunod sa kanya ang taong inutusan niya, "I will never let anyone stop me."

__**__

Larriane's Point of View

Lunch break na at may mali sa pakiramdam ko. Mukhang may mangyayaring hindi maganda, hindi ko pa makita kung ano 'yon. Ito ang pinaka-mahirap kontrolin na kapangyarihan, ang makita ang hinaharap. Ngunit kadalasan na nakikita ko ay panaginip lang at hindi ang hinaharap, hindi na rin ako umaasa na makakaya ko pang kontrolin ito.

Naupo ako sa pinaka-sulok nang makuha ko na ang pagkain ko, hindi ko pinansin ang mga studyanteng naka-tingin sa akin. Iniwan ko sa table ang pagkain ko at nagpasyang kumuha ng juice dahil tubig lang ang nabili ko.

"One mango juice nga po, A..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa babaeng tumulak sa akin. Naging dahilan 'yun para mapa-upo ako sa sahig.

"Can I have one lemon with yakult juice and sandwich? Pakibilisan lang, Ate." Tinitigan ko siya, ngayon ko lang siya nakita sa cafeteria namin. Mukhang taga ibang building siya.

Tumayo ako at pinagpag ang suot kong palda. Tumingin naman siya sa akin at inirapan lang ako, pinipigilan ko ang sarili ko na 'wag siyang saktan.

"Excuse me, Ms. I guess I ordered first before you do? Do I even know you?" mahinahon kong sambit sa kanya, tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi mo ako kilala?" tinaasan niya ako ng isang kilay at humarap sa lahat nang kumakain dito sa cafeteria.

"Ok guys, sino nga ako?" sambit niya, agad naman tumigil sa pagkain ang mga andito at ang isang studyante ay tumayo.

"She's Yumi Dela Cruz, the queen of Bromidus. She's from building A."

Hindi ko pinansin ang sinabi ng lalaki at hinila sa braso ang babaeng nasa harap ko, sumama ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa ko. Kahit ang mga andito ay nagulat dahil sa ginawa kong paghila.

"Mas may lalala pa pala sa kapatid ko," I whispered. "I don't care if you are the queen here o even if you are the president's daughter. My point is you don't have the right manners." Nginisian ko siya, ito na ba ung nararamdaman kong mali? Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa pagkakahawak sa braso niya.

"How dare you to touch me? Hindi mo alam kung sino ang binabangga ko." I saw a glitch in her eyes. So I guess she's also immortal?

"Better be sure who you are pushing. Malay mo worst nightmare mo na pala 'yun, Queen Bee." Kinuha ko ang order ko at inilagay sa payment tray ang bayad ko, hindi na ako nag-abala pang kunin ang sukli. I'm one hundred percent sure, nakita niya ang pulang mga mata ko.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now