Vingt-Cinq : I am Celeste's Father

7 0 0
                                    

Celeste's Point of View

"Who are you?" tanong ko nang makita ko ang tunay na anyo ni Theon. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko makilala ang kanyang mukha.

"Ako ang..."

Hindi natapos ang sasabihin niya ng may patalim na lumipad patungo sa direksyon niya. Nag-umpisa nang sumugod ang mga Lusefellian, kasama nila ang mga Ringterelian. Masyado nang maraming lakas ang nawala sa akin. Hindi ko muna intindi ang mga taong nasa paligid ko at isa isang kinalaban ang mga sumusugod sa aking kawal.

Natigilan ako nang pati si Jairro, Theon at Adrian ay nakikilaban na rin at pinoprotektahan ako. Sa malayo ay nakikita ko ang pagtalsik ng bawat kawal, nang makita ko kung sino 'yon ay natigilan ako. Hindi ko inakalang handa siyang kalabanin ang kanyang Ama para lang sa kaligtasan ko.

"Kenneth, anong ginagawa mo?" narinig kong sigaw ni Damian. "I told you, Dad. Hindi ako papayag na saktan mo si Celeste."

Nawala ang galit sa puso ko, hindi ko alam na may mga ganitong tao pala na handing lumaban para lang sa kaligtasan ko. Tumingin sa gawi ko si Mama at nginitian ako, ganun din ang ginawa ni Papa kaya naman naging seryoso ako at hindi ininda ang hirap na dinaranas ko. Hindi ko na kayang kontrolin ang kapangyarihan ko.

"Pull yourself together." Nagulat ako nang saluhin ako ni Theon bago ako matumba, pinilit kong tumayo at lumaban na ulit. Nang makatayo ako ay agad akong umilag dahil sa pilak na lumipad papunta sa akin, nagmula 'yon sa likurang bahagi ko.

"Die, Celeste. Die!" Tatakbo na sana siya papunta sa akin pero agad siyang pinigilan ni Theon.

"Stop it, Inara." Malamig at nakakatakot na sambit ni Theon. Agad natigilan si Ate nang marinig niya ang sinabi ni Theon. It's just 3 words but I can see how stiffed my sister is.

Paubos na naman ang mga kasama ni Damian, naging dahilan 'yon para patigilin niya ang lahat sa pagsugod. Agad naman sumigaw ang babaeng sumaksak sa hari ng Asina.

"Retreat!" agad silang nawala sa aming harapan. "This is not the end, Celeste. I will come for you and I will surely kill you. Halika na, Kenneth." Sigaw ni Damian bago tuluyang umalis sa bulwagan.

"Bakit mo ako pinipigilan? Sa tagal mong nawala sa tingin mo ay susundin pa kita?" naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Ate, kilala ba niya si Theon?

"Bali baliktarin mo man ang mundo..."

"Ama mo pa rin siya, Sancia."

"Siya pa rin ang Ama mo."

Natigilan ako nang magsalita si Ina at Mama. Ang sabi sa akin ni Alethea ay patay na ang totoo kong Ama, ngunit ano ito? Mali ba ang sinabi ni Alethea?

"Ama? Kailan ba siya naging tatay sa akin? Mas pinili niya si Cele..."

"Dahil mas kailangan niya ako ng mga panahong 'yon, Inara. Hindi mo lang alam na ako 'yon, pero araw araw kitang binabantayan. Ayoko pa ring may mangyaring masama sa panganay ko." Seryosong sambit ni Theon o kung sino man siya.

"Bakit hindi mo lapitan ang Ama mo, Celeste?" bulong sa akin ni Papa. Hindi ko siya pinansin dahil ipinapasok ko pa sa utak ko ang mga nangyayari.

"You still choose Celeste over me. Hindi mo na mababago 'yon, Ama." Sarkastikong sambit ni Ate. Nakita ko si Inang lumapit sa kinatatayuan ni Theon.

"Ang tagal mong nawala, mahal ko. Ang buong akala ko ay wala ka na." Tumulo ang luha ni Ina at niyakap naman niya ang lalaking kaharap.

Hindi ko pa rin makuhang gumalaw sa kinatatayuan ko dahil hindi ko pa rin natatanggap ang mga pangyayari. Masyado akong nagulat sa mga nalaman ko, bumitaw si Ina sa pagkakayakap at humarap sa akin si... Ama. Naglakad siya palapit sa akin at tumayo sa harapan ko.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant