Deux : Preparation for the Acquaintance Party

16 0 0
                                    

Larriane's Point of View

Nasa clinic ako ngayon, katabi ko si Mama habang kausap niya si Papa. Hindi ko namalayan na nasugatan pala ako dahil tumama ang binti ko sa trash can. Nagkaroon 'yon ng maliit na sugat, agad naman ako inalalayan kanina ng lalaking nakabangga sa akin.

"I'm really sorry, Miss. Also, Ma'am Perez sorry po sa nagawa ko sa anak niyo. Hindi ko po sinasadya." Napa-tingin ako sa lalaking naka-bangga sa akin. Kanina pa siya hingi nang hingi ng sorry dahil sa nangyari.

"It's ok, Mr. Faxon. Next time, be careful, hindi lahat nang makakabangga mo ay kagaya namin." Nginitian siya ni Mama, tumingin naman siya sa akin at para bang sinasabi na sorry sa nangyari.

"It's fine." Ngumiti ako nang bahagya para malaman niya na ok lang ang nangyari. Mas iniisip ko ngayon ang nakita ko kanina.

Sino ang babaeng nakita ko? Kaano ano niya ang batang nakita ko? Hindi ko makakalimutan ang binulong niya, bago siya tuluyang naglago.

"En temps voulo, vous Celeste Lisha Lagarde reviendrez dans le monde auquel vous appartenez."

"Larriane, may klase ka pa 'di ba? Kaya mo na ba?" napa-tingin ako kay Mama nang magsalita siya. "Kaya ko na, Ma. Maliit lang naman ung sugat eh." Tinignan ko ung sugat ko, may gasa na 'yon at nakikita pa ang kaunting dugo.

Tumayo na ako at naunang lumabas ng clinic, kausap pa kasi ni Mama ung nurse. Nag-paalam naman ako bago lumabas. Dumiretso ako sa comfort room para mag-hugas ng kamay. Pumasok ako sa isang cubicle at inalis ang gasa sa sugat ko.

Hindi na ako nagulat pa nang makitang wala na ang sugat sa binti ko. Unang nangyari ito noong 5 years old pa lang ako, tumatakbo ako dahil hinahabol ko ang gintong paru-paro. Habang tumatakbo ako ay hindi ko namalayan na may bato pala sa harap ko, kaya naman naging dahilan 'yon para madapa ako at magkasugat sa tuhod.

Hindi pa tumatagal ng ilang oras, naghilom 'yon na parang walang nangyari. Hindi alam nila Mama at Papa ang pangyayaring 'yon.

"Ang pogi talaga ni Enzo noh? Ang bait pa niya, buti na lang talaga sa Bromidus din ako nag-high school." Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang usapan ng mga babae sa labas ng cubicle.

"Ang swerte ng transfer, kaninang umaga nakita kong kausap niya ang Royalties tapos kanina naman ay binuhat siya ng heartthrob." Hindi ko na gusto pang makinig sa mga sinasabi niya, kaya naman binalik ko na ang gasa sa binti ko at lumabas na ako sa cubicle.

Natigilan sila nang makilala nila ako, hindi naman ako umiik at dumiretso lang sa sink. Nag-hugas ako ng kamay at nang matapos ay kumuha ako ng tissue at nagpunas. Tahimik pa rin sila hanggang sa matapos ako.

"Hindi ako swerte, hindi ko gusto ang atensyon ng mga tao. Kaya please lang, wag niyo akong pag-usapan." Sambit ko nang nasa pinto na ako at palabas na ng comfort room.

Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang titig ng bawat isa sa akin. Ayoko nang ganito, kahit kalian ay hindi ako binigyan ng atensyon ng kahit sino. Hindi ko gustong ako ang topic ng kahit sino.

Naka-pasok ako sa next sub ng late, dahil na rin sa nangyari kanina. Natigil ang Prof ng pumasok ako sa room at dumiretso sa dulo.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Ms. Perez?" tanong ng Prof namin. Tumingin naman ako sa kanya at may kung ano akong naramdaman sa bawat titig niya.

"I'm good, Ma'am. Thank you for the concern." Naka-ngiti kong sagot sa kanya, itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa sinasabi niya. Orientation lamang ito para sa subject niya at sa mga pag-aaralan namin.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat