Trente-Deux : Damian's Downfall

12 0 0
                                    

Adrian's Point of View

"Where are you going, Ate?" Nakita ko siyang naglalakad palayo sa palasyo, natigilan naman siya nang marinig niya ang boses ko.

"What are you doing here? Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na delikado rito? Lalo na kapag nakita ka ni Damian." Humarap siya sa akin at tinitigan ako ng seryoso sa mga mata ko.

"Malapit ka nang makalaya, Ate. Trust me with this one." Naglakad ako palapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"I was wondering, bakit hindi mo isinasama si Jairro?" natigilan ako sa tanong niya, hindi ako nakatingin sa kanyang mga mata dahil hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya ang totoo.

"Ate." Pinigil ko ang paglabas ng aking mga luha, ayokong makita niya akong mahina. "Kuya Jairro is gone." Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.

"What do you mean, Adrian? This is not a good joke, I'll beat you I promis..."

"Namatay siya para iligtas ang babaeng mahal naming dalawa." Hindi ko na napigil pa ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Hindi ako naniniwala, I will not shed tears for something that isn't real. Unless, Dad will say it." Seryoso niyang sambit, hindi ko siya masisisi. They have the best bond.

"I need you to come with me, lets end this war." Inilahad ko ang aking kamay at agad naman niyang hinawakan ang kamay ko.

"Let's go home together."

__**__

Third Person's Point of View

"Nasa loob pa ba ang Hari ng Ringterel?" tanong ni Adrian sa mga kawal, wala sa gawing ito ang kanyang Ama.

"Opo, Mahal na Prinsipe. Nasa loob pa po ang Haring Leonardo, gaya po ng nasa plano ay naghihintay pa po ang buong hukbo sa kanyang signal.

"Mabuti. Maging alerto ang lahat, huwag niyo hahayaang may makatakas sa mga kawal ni Damian." Sambit ng nakababatang Serrafina habang nakahawak sa kamay ng kanyang nakakatandang kapatid.

"Tayo na, pupuntahan natin si A..."

"Ang hudyat!" sigaw ng isang kawal, bago pa matapos ni Adrian ang kanyang sasabihin ay nabitawan na niya ang kamay ng kanyang kapatid.

"Huwag kang mawawala sa akin, Adrian. Do everything to survive!"

__**__

Nagkakagulo na sa labas ng palasyo, hindi na mabilang ang mga namatay. Unti unti na ring naglalaho ang ibang katawan. Kita sa mga mata ni Adrian ang lungkot, hindi niya napigilan ang digmaang nakatakda sa kanyang mundo.

Tumakbo si Adrian papasok sa loob ng palasyo at nakita Si Leonardo at Damian. Kasalukuyan silang naglalaban para sa buhay ng isa't isa.

"Itigil mo na ito, Leonardo. Hindi ba't matalik mo akong kaibigan?" sambit ni Damian habang nakatitig sa mga mata ni Leonardo. Sasabat na sana si Adrian ngunit nagulat siya sa naging sagot ni Leonardo.

"Kaibigan mo nga ba ako? Hindi ba't isang walang kwentang immortal ang tingin mo sa akin? Ikaw nga ang dahilan kung bakit muling nabuo ang palasyo ko, ngunit nabayaran ko na ang lahat ng utang na loob ko sayo. Sa pamamagitan ng pagpapagamit sayo ng mga kawal ko at lalo ng sarili ko. Sa loob ng ilang daang taon ay ako ang tila naging katulong mo."

Kitang kita sa mga mata ni Leonardo ang galit, agad na kinuha ni Adrian ang kanyang sandata at sa isang iglap ay nasa harap na siya ni Damian.

"Kung ayaw mong tumigil, ako ang magpapatigil sayo." Sinaksak niya si Damian gamit ang sarili niyang sandata.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant