Trente-Neuf : La Luna D'or

6 0 0
                                    

Adrian's Point of View

"Umalis na ba siya?" napa-lingon ako sa kinaroroonan ni Ate Emerald. Nginitian ko naman siya at lumapit.

"I don't know, Ate. Ibinigay ko lang sa kanya ung sulat at umalis na rin agad, hindi ko naman nais na sirain ang pangako natin sa nakaka-taas." Nakita ko ang pagtango niya, alam kong maging siya ay gusto na rin lapitan ang babaeng 'yon.

"Sana lang ay mahanap niya agad ang sarili niya, nais ko na siyang makita muli." Nginitian ako ni Ate at tinapik ang balikat ko, I know how much she wants to take care of Celeste.

Umalis na si Ate at hindi ko na siya sinundan pa, may iba akong nais puntahan. Dumiretso ako sa bulwagan at nakita si Ama kaharap si Reyna Gabriella at Kuya Darius.

"I know He has a good plan, Darius. We need to trust Celeste, kung paano tayo nagtiwala sa kanya na maibabalik niya tayo at kung paano tayo nagtiwala sa mga desisyon niya.

Napa-ngiti ako sa narinig ko, ang saya malaman na nagtitiwala na sila ng buo sa kanya. Kung dati ay puno nang galit ang mga puso nila sa babaeng itinakdang sisira sa aming mundo, ngayon ay punong puno ng tiwala ang mga puso nila para kay Celeste.

"Dad, hindi pa ba tayo aalis? Naka-handa na ang mga kawal natin sa labas ng Tertara, maging sila Mommy ay handa na rin." Sambit ko, ngayon ang pagbabalik namin sa Asina. Marami kaming dapat na ayusin sa Asina dahil sa naganap na digmaan doon.

"Gabriella, Darius, mauna na kami. Marami pa kaming dapat ayusin sa Asina." Sambit ni Ama, nginitian naman siya ng mag-asawa.

Tinapik ako ni Ama sa balikat nang dumaan siya sa tabi ko, ngintian ko naman siya at lumapit sa Hari at Reyna. I know we're thinking the same.

"Mag-iingat kayo, Adrian." Naka-ngiting sambit ni Kuya Darius, nginitian ko rin siya at tumingin kay Reyna Gabriella.

"I know she'll comeback, wala siyang ibang babalikan kung hindi tayo. Alam kong gagawa siya ng paraan para maka-balik sa mga dapat niyang balikan." Nginitian ko siya at nagpaalam na.

Nang maka-labas ako ay handa na ang lahat, nginitian ko si Ama at nagsimula na kaming maglakbay pabalik sa kahariang naiwan namin ng limang taon. Lumingon pa ako sa huling pagkakataon, hindi ko makita ang mukhang hinahanap ko, marahil ay umalis na nga siya.

"Babalik siya. I know, she will." Napa-tingin ako sa gawi ni Ate habang naka-tingin din sa tinitignan ko.

"Alam ko, Ate. May tiwala ako sa kanya, kung kailangan kong maghintay ulit, kakayanin ko. Kahit ilang linggo, buwan o taon. Hihintayin ko siya nang paulit ulit." Naka-ngiti akong nagpatuloy sa paglalakad.

Habang naglalakad ay naalala ko na naman ang nangyari nang mawala kaming lahat sa Sentius, maging ang mga mortal ay nasa lugar na 'yon. Ang ipinagka-iba lang ay wala silang mga malay.

"Sana nga totoo ang sinabi mo, Achlys."

__**__

"Anong ginagawa namin dito?" sambit ni Kuya Darius, may isang lalaki ang pumasok sa silid.

"Ako si Achlys, ang nakatataas." Sambit niya, lahat kami ay yumuko bilang pagbibigay ng respeto sa kanya. Siya ang Ama ng lahat, ang lumikha sa amin at sa mundong tinitirahan namin.

"Ipagpaumanhin niyo kung nadamay pa kayo sa ibinigay kong pagsubok sa kanya." Panimula niya, hindi naman nagsalita ang lahat at handing makinig sa kanyang mga sasabihin.

"Nais kong manatili kayo rito, isa ito sa pagsubok na ibinigay ko sa kanya. Kailangan niya matuklasan ang kahalagahan ng tao sa paligid niya, ito ang kailangan niya matutunan. Kailangan niyang malaman na hindi porket siya ang pinaka-malakas ay magagawa na niya ang lahat ng kanyang nais."

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon