Vingt-Deux : The Royal Wedding

7 0 0
                                    

Larriane's Point of View

Patuloy sa pagtulo ang luha ko nang maka-uwi ako sa bahay, si Mama agad ang bumungad sa akin. Nagtataka siya sa pag-iyak na ginagawa ko.

"Anong nangyari, Larria..."

"Call me Celeste. I know you already know the truth." Natigilan si Mama dahil sa sinabi ko. Papatayin niya rin ba ako? Kapatid siya ng taong gustong pumatay sa akin, kaya ba inalagaan niya ako?

"A-alam mo ang tungkol sa akin?" tinitigan ko siya sa mga mata niya, nakikita ko ang takot at pangamba.

"Minahal mo ba talaga ako bilang anak mo?" lalong tumulo ang luha ko dahil sa tanong na lumabas sa bibig ko. Nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Sweetie, hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo. Maging ano o sino ka man." Lalapit sana siya sa akin pero ako na mismo ang lumayo.

"Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang pagkatiwalaan, hindi aksidente ang pagkuha mo sa akin noong sanggol pa lamang ako. Nakita mo ang Ina kong iniwan ako, kilala mo kung sino talaga ako pero itinago mo." Tuluyan nang umiyak ang taong kaharap ko.

"Dahil ayokong isipin mo na iba ka, ayoko ring isipin mo na hindi ka kamahal mahal dahil lamang sa isang propesiyang maaaring hindi totoo. Ayokong maramdaman mong wala kang pamilya, kaya itinago ko sayo. Itinago namin ni Matthew ang totoo sayo."

"Liana Bathory the younger sister of Damian Bathory. You are the long lost princess of Lusefell Kingdom." Nakaramdam ako ng presensya sa likuran ko, mukhang kilala ko na kung sino ito.

"Matthew Lagarde the youngest brother of my mother, Gabriella Lagarde. My long lost uncle." Humarap ako sa kanya at nakita ang seryosong niyang mukha.

"Look, Celeste. We need to hide it in order to protect you. Yes, hindi kami ganoon kabuti dati but when you came in our lives, everything has changed." Sambit niya nang titigan ko siya sa mga mata niya.

"Enough. Gusto ko na magpahinga." Naglakad na ako palampas kay Mama nang magsalita ulit si Papa.

"Please, find out what the whole truth is. Then we will accept your judgement, Anak." Nanginginig ang boses niya, alam kong masakit din sa kanila ito pero mas masakit sa akin na itinago pala nila ang katotohanan sa akin.

"I will still consider the both of you as my adopted parents, Papa."

__**__

Adrian's Point of View

Ilang araw ko ng hindi nakikita ang kapatid ko, hindi ko alam kung ano ang iniutos sa kanya ni Ama. Sa loob ng tatlong araw ay sinasanay na nila ako, sinasabi nila na kailangan kong patayin si Celeste para sa mundong iniingatan ng lahat.

Naglalakad ako sa hallway nang makita ko ang kwartong iniiwasan ko sa dulo. Agad akong tumayo sa harap ng pinto at nagdadalawang isip kung papasok ba ako sa loob non.

"Handa na ba ulit ako?" dahan dahan kong binuksan ang pinto at una kong nakita ang kanyang litrato. Agad tumulo ang luha ko.

"You will be the best king of our kingdom, Adrian."

Naglakad ako papasok at pinagmasdan ang iba't ibang litrato niya, hindi ko ma-iwasang ma-iyak dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap.

"Hide, I will follow your Kuya Jairro. Kahit anong mangyari 'wag kang lalabas."

Sana hindi ako pumayag sa gusto niya, sana sinundan ko siya. Sana kung ginawa ko 'yon, andito pa siya.

"Where is Ate, Kuya?"

Sana hinanap ko siya agad noon imbis na magtanong. Kung kaya ko na sanang ipagtanggol siya noon, hindi sana ako tumatangis ngayon.

"Huwag kang magalit kay Ama, nais lang niya ay ang kabutihan mo. Hindi niya nais na mapahamak ka. Ipangako mo sa akin na ikaw ay magiging isang mabuti at makatwirang hari ng Asina."

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon