Trois : The Booths

31 0 0
                                    

Larriane's Point of View

"We will start the booth today. Since, wala naman tayong pasok ngayon dahil priority ang acquaintance." Naka-tingin kami kay Adrian. Uunahin namin ang pag-gawa sa jail booth.

"Here are the possible designs for the jail booth." Tumayo si Haily para ipakita kay Adrian ang designs na ginawa niya.

"Let Larriane check that." Sambit ni Adrian bago pa man maka-lapit si Haily sa kanya. Tumingin sa direksyon ko si Haily at wala akong emosyong nakita sa kanya.

Iniabot niya sa akin ang ipad niya, nakita ko ang ginawa niyang design. Isang design ang naka-agaw sa atensyon ko. Theme about vampires.

"We can do this one." Sambit ko at itinuro sa kanya ang design na napili ko. Kinuha agad ni Haily ang ipad niya nang iabot ko 'yon sa kanya.

Pinagmasdan ko silang lahat, busy sila sa paggawa kahit si Adrian ay gumagawa rin. Ang akala ko Bromidus is a brutal university but I am wrong. Sinimulan ko na ulit mag-gupit ng mga design para sa jail booth. I am cutting a bat for the theme.

Nag-paalam akong magpupunta sa comfort room dahil ang dumi na ng kamay ko, naglakad ako papuntang comfort room. Hindi ko inasahan ang nakita ko sa hallway, si Enzo Faxon may kahalikang babae sa hallway. This is the first time I saw something like this, in my past school this is prohibited.

Naglakad ako palagpas sa kanila, hindi ko na inintindi pa kung nakita nila ako o hindi. Ang mahalaga ay makapag-hugas ako ng kamay. Naramdaman ko naman ang titig nila sa akin, I know how awkward it is but I really need to pass them in order for me to go to the comfort room.

"Hey, Transferee! You saw nothing, okay?" narinig ko pang sigaw nung babae. Wala naman akong pake sa kanila, nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang comfort room. Binilisan ko lang ang paghuhugas dahil alam kong kailangan na ako sa room.

"Bakit nagmamadali ka?" napa-tingin ako sa nagsalita. Isa siya sa classmate namin, I forgot the name but I know that he's one of my classmate.

"What are you doing in the women's comfort room?" walang emosyon kong tanong sa kanya. I know what he need, but I won't let him touch me not even a fingertip.

"You're beautiful. I want you to be mine, Perez." Naka-ngisi niyang sambit. Ayoko sa pupuntahan ng usapang 'to. Hahawakan na niya sana ako nang matigilan siya dahil sa nag-salita.

"Kenneth Bathory. This is your last warming. Sa susunod na makita pa kitang nang haharass, I will tell this to them." Nawala ang ngiti sa labi ng lalaking nasa harap ko.

"Serrafina, you really are a pain in my ass. This is not the end of this." Nawala siya sa harap ko at naglakad na paalis.

"Ang tagal mo, kanina pa kami kulang sa gawa. This is your plan, hindi pwedeng wala ka." Walang emosyon niyang sambit. Naglakad na siya, kaya naman sumunod na ako at walang imik na bumalik kami sa room.

Natigil ako nang magsalita siya. "Mag-iingat ka kay Bathory, he's reckless and he will do anything he wants. Mukhang mainit ang mata niya sayo."

"I can handle myself, Mr. Serrafina. Thank you for the concern." Sambit ko at nauna na sa pagpasok sa room. Nakita ko pa si Kenneth na naka-tingin sa akin. Hindi ko na 'yon pinansin pa at nagpatuloy na sa ginagawa ko.

__**__

Inabot kami ng lunch break bago matapos ang jail booth, balak sana namin tapusin ang tatlong booth ngayong araw. As usual bumili lang ako ng sandwich at juice, napag-pasyahan ko namang pumunta sa office ni Mama para sabihing malelate ako ng uwi dahil tatapusin nga namin ang mga booth ngayong araw.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon