Trente-Quatre : Friendship over Enemies

10 0 0
                                    

Adrian's Point of View

"E-emerald?" napa-ngiti ako nang salubungin kami ni Ina, niyakap ni Ina si Ate at hindi na napigilan pa ang kanyang luha. Narinig ko rin ang paghikbi ni Ate kaya naman lalong lumawak ang ngiti ko.

"Kuya, naiuwi ko na siya." Bulong ko habang tumutulo na rin ang luha sa mga mata. Hinila ko ni Ate at niyakap din, sumama na rin si Ama at sabay sabay kaming natawa dahil sa pagsinghot na ginawa ko.

"Asan si Jairro, Dad?" nawala ang ngiti sa mga labi namin, ang buong akala ko ay naintindihan na niya ang sinabi ko ngunit hindi pa rin pala siya naniniwala sa akin.

"Ate, 'di ba sina..."

"Sinabi ko na sayo, Adrian. Hanggang hindi si Daddy ang nagsasabi, hindi ako maniniwala sayo." Sumeryoso ang mukha ni Ate na ikina-tahimik ko, tahimik akong umiyak habang hindi alam ni Ama ang sasabihin niya.

"Karapatan niyang malaman, Andromino." Seryosong sambit ni Ina, hinawakan naman ni Ama ang kamay ni Ate.

"Emerald, nahuli ka na." unti unting namuo ang luha sa mga mata ni Ate, hindi na ito gaya kanina na dahil sa saya.

"Who?" seryoso niyang sambit, kita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi na siya ang mahinhin kong ate kagaya noon.

"It doesn't matter, Emerald. Sigurado akong masaya ako si Jairro dahil sa pagbabalik mo, wala man siya alam kong alam mo na napatawad na niya ang sarili niya." Sambit ni Ina, niyakap ni Ina si Ate at sa mga bisig ni Ina niya iniluha ang lahat ng sakit.

Dinala na siya ni Ina sa kanyang silid, hindi na ako sumunod pa dahil alam kong mamamahinga na siya. Masyadong maraming nangyari at kailangan naming lahat ng pahinga.

"Maglalakad lakad muna ako, Dad." Paalam ko kay Ama at lumabas na muna, dinala ako ng aking mga paa sa hardin ng palasyo. Naupo ako sa pinaka malapit na bench at tinitigan ang buwan sa kalangitan.

Malapit na itong mabuo, ngunit ang puso ko ay may nawawalang parte pa rin. Hindi ko pa rin tanggap ang mga nangyari, bakit ba ganito kahigpit ang mundo sa akin?

"Bakit tila nauubos ang mahahalagang tao sa buhay ko? Ano bang kasalanan ko sa mundong 'to? Gusto ko lang naman ng tahimik at masayang mundo ngunit bakit puro kaguluhan ang ibinibigay mo?" umagos na naman ang luha sa aking mga mata, hindi ko na kayang itago pa ung sakit na nararamdaman ko.

"Kung sino pa ang pinaka kailangan ko, 'yon pa ang kinukuha mo." Napa-yuko na lang ako at patuloy sa pag-iyak.

Natigilan ako nang maka-rinig ako ng kaluskos sa 'di kalayuan, nang magawi roon ang aking paningin ay nakita ko ang isang pares ng mga matang kulay ginto. Napa-tayo ako at agad na tinakbo ang distansya mula sa akin papunta sa nakita ko.

"Anong ibig sabihin nito?" bulong ko, nang makarating ako sa kinatatayuan ng taong nakita ko ay isang baboy damo lamang ang nakita ko. "Guni guni ko lang ba 'yon? Masyado na ba akong nangungulila sayo para makita ka kung saan saan?"

"Bakit tila kinakausap mo ang iyong sarili, Adrian?" napa-lingon ako sa nagsalita at nakita ang taong hindi ko inaasahang pupunta at ako ay kakausapin.

"Anong ginagawa mo rito, Theon? Or should I call you Darius?" sambit ko habang nakatitig sa mga mata niya, nakita ko ang lungkot doon.

"You can call me anything you want but I'm not here to make a scene. Nagpunta ako rito para ipaliwanag ang sarili ko." Sambit niya habang nakatitig din sa aking mga mata. Hindi na ako sumagot pa at hinintay ang mga sasabihin niya.

"Una, hindi ko ginusto ang nangyari kay Jairro. Higit sa lahat ikaw ang nakaka-alam kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Si Jairro ung tipo ng tao na kayang isakripisyo lahat maging masaya lang ang taong mahalaga at minamahal niya. Hindi siya maramot, lalo na pagdatig sayo." Naka-ngiti niyang sambit, alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now