Vingt-Huit : Revelations

8 0 0
                                    

Sancia's Point of View

"Hanapin niyo si Enzo, huwag niyo hayaang makatakas siya sa akin." Agad na umalis ang mga kawal na inutusan ko. Mula nang huling usap namin ay hindi ko na siya nakita pa. Maybe he's hiding somewhere. I will find him.

"Tama na, Gabriella. Kailangan natin mahanap si Celeste."

Narinig ko nang mapadaan ako sa kwarto ni Ina, nakita kong nasa loob din si Ama kaya naman hindi na ako kumatok at pumasok na.

"What are you doing here?" walang emosyon kong sambit, buong buhay ko hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang Ama.

"I am here to make up to you. Marami na akong pagkukulang bilang Ama mo at gusto kong bumawi sa pamamagitan nang pagbabalik sa ating palasyo. Ngunit sana ay mapatawad mo ako, kailangan ko munang mahanap ang kapatid m..."

"Anong bago? Lagi ka namang Celeste. Simula nang ipanganak siya, nawala ung atensyon mo na dapat ay nasa akin. Dad, anak mo rin ako. Hindi lang si Celeste ung meron ka, sana isipin mong may Sancia ring kailangan ng pagmamahal mo. Nagtataka kayo kung bakit nagkakaganito ako? Hindi niyo ba naisip na kayo rin ang dahilan?" hindi ko na napigilan ang luha ko at nagsimula na itong tumulo mula sa aking mga mata.

"All my life, hindi ko naramadaman ang pagiging magulang niyo sa akin." I saw my Mom cried, para akong batang iniwan ng magulang sa school dahil may mas mahalagang gagawin.

"I am so sorry, Sancia. Ang buong akala ko ay ayos ka lang, hindi ko man lang inisip ang nararamdaman mo." Lalapit sana si Ina pero ako na mismo ang lumayo.

"Too late, hindi ko na ititigil pa ang nasimulan ko. I will order them to attack. I'm sorry." Sambit ko at lumabas na sa kwarto ni Ina. Hindi nila ako masisisi kung sarili ko lang ang iniisip ko, sawang sawa na akong hingiin ang atensyon nila.

"Dad, tignan mo ito."

"Don't bother daddy muna, Sancia."

I was 5 years old back then when Celeste is gone. Lagi silang walang oras sa akin.

"Mom, why are you crying?"

"Leave mommy alone for a while, my dear."

Ang bawat pagtanggi nila sa akin ay dinala ko na hanggang pagtanda ko. Hanggang sa nawala si Ama. Hindi man lang niya inisip kung ano ang mararamdaman ko, mas inisip niya ang kapakanan ni Celeste.

"Inara." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Ama. Hindi ako lumingon at wala rin akong balak na harapin siya.

"Why? Bakit mas pinili mong iwan ako kaysa manatili sa tabi ko? Ipaintindi mo sa akin, Dad. I was just 6 years old back then when you decided to leave. Walang may alam kung saan ka nagpunta o kung bakit ka umalis." Patuloy sa pagtulo ang luha ko habang naka-talikod ako sa kanya.

"Alethea told me that Celeste is alive and my duty is to protect her. Hindi dahil Ama niya ako pero dahil siya ang tagapag-mana ng dalawang kaharian." Lumingon ako sa kanya at natawa.

"Hindi ba dapat ako ang tagapag-mana mo? How come at si Celeste 'yon?" hindi ko inaasahang mas masakit pala malaman ang totoo.

"Inara, panahon na para malaman mo ang katotohanan." Tinitigan niya ako ng seryoso. Anong katotohanan pa ba ang kailangan kong malaman?

"Hindi ka isang Lagarde." Natigilan ako sa sinabi niya. Paanong hindi?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko habang nanginginig ang buong katawan.

"Ang tunay mong Ama ay ang aking kapatid, Damian Bathory." Lalong tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Paanong siya ang Ama ko?

"P-paano?"

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ