Trente-Sept : Destruction

6 0 0
                                    

Third Person's Point of View

"Alam mo ang kapalit ng iyong hiling hindi ba?" sambit ng nakatataas. Kasalukuyang nasa tahanan nila si Celeste.

"Ngunit kaya kong baliin ito hindi ba? Nasa akin ang desisyon kung ililigtas ko sila o sisirain ko." Walang emosyong sambit ni Celeste.

"Tama, kaya ngayon. Ikaw, Celeste Lisha Lagarde ay tuluyan ko nang pinapakawalan sa ano mang propesiyang kadikit mo. Hawak mo na ngayon ang kapalaran mo at ng dalawang mundo."

Tuluyang naghalo ang pula at gintong kulay ng buwan. Hindi nila maintindihan ang ibiig sabihin nito, lahat ay namamangha.

"The prophecy has been broken by her." Sambit ni Emerald habang naka-tingin sa buwan.

"This is not the end of war, it is just the beginning." Dugtong pa niya na ikinatingin ni Victoria. Isang ngisi naman ang ibinigay ni Emerald dito.

"Bakit hindi niyo na lang tanggapin na patay na ang babaeng itinakda?" natatawang sambit ni Victoria, "Pati ang buwan ay nakiki-dalamhati sa inyo."

Isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig ni Emerald, ang lahat ay nangilabot sa tawang 'yon. Maging si Adrian ay nabahala sa tawa ng kanyang kapatid.

"Hindi mo kilala kung sino ang kinalaban mo, you just know her by her prophecy. She amazed me in so many ways, Victoria. You have no match against Celeste and that is the truth." Dahan dahang lumapit si Victoria kay Emerald, naging alerto naman si Adrian dahil sa pag-aalala sa kanyang kapatid.

"You should shut your mouth and accept the fact that Celeste is already dead. You should be thankful, kapatid ka ni Adrian. Kung hindi baka kanina pa kita ginilitan." Matamis na ngiti ang ibinigay ni Victoria kay Emerald.

Hindi natinag ang ngising nasa labi ni Emerald, "You should be thankful, nakakatayo ka pa rin ngayon. If I were you, I would be very scared by now."

"Sancia, tumigil ka na." sambit ni Gabriella, maayos na ang lagay niya kaysa kanina. Lumapit siya sa kanyang anak-anakan at tinitigan sa mga mata.

"Bakit umabot ka sa ganitong punto? Alam kong marami akong pagkukulang sayo, pero kailangan bang maging ganito ka?" hahawakan na sana niya ang mukha ni Victoria nang lumayo ito.

"You will never fool me again, Mom." Bakas sa tono niya ang pagiging sarkastiko. Napalitan ng malungkot na ngiti ang kanina lang ay mapang-asar na ngiti.

"Hindi ko naman ginusto maging ganito, alam niyo 'yan. Alam niyo rin kung bakit at ano ang naging dahilan ng lahat, I just want to be loved but no one makes me feel it. Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa inyo? All I want is love from all of you! But what did y'all gave me? Hatred! Lahat kayo ay kinamumuhian ako." Walang luhang tumulo sa mga mata ni Victoria, senyales ito na wala na talagang pag-asa na makumbinsi siya.

"Don't ask me why because even me don't know the exact reason why." hinawakan niya sa leeg si Gabriella, walang palag na hinayaan ni Gabriella ang kanyang anak-anakan.

"If killing me can make you happy then I am willing to give my life to you, Sancia." Kahit nahihirapan na ay nagawa pa niyang ngitian ang batang itinuring niyang tunay na anak.

"Stop it, Sancia You're killing your Mom!" sigaw ni Adrian, naging dahilan 'yon para bitawan ni Victoria ang kanyang Ina.

"Come with me, Adrian. Ipinapangako kong wala nang masasaktan pa kahit isa sa kanila." Lumapit siya sa kinaroroonan ng binata at hinaplos niya ang mukha nito.

"Sumama ka sa akin, kahit hindi ko makuha ang pagmamahal mo ay ayos lang. Ang mahalaga ay nasa tabi kita." Para bang isang maamong tupa si Victoria ngayon.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now