Vingt-Sept : Other Side of the Truth

8 0 0
                                    

Celeste's Point of View

I was lost with my own self. Dalawang taong mahalaga na ang nawala sa akin at dahil 'yon sa kapangyarihang mayroon ako. Kung pwede ko lang sanang isuko ang kapangyarihang ito, matagal ko na sigurong pinakawalan 'to.

"Bakit ka tumatangis, Celeste?" inangat ko ang ulo ko at nagulat sa nakita ko, I smiled as she walks towards me. Kung panaginip man 'to, ayaw ko nang magising.

"Hindi mo kailangang tumangis, Celeste. Gawin mo ang nararapat mong gawin, ngunit isipin mo ang mga kahahantungan nito. Palagi mong tatandaan na narito lang ako, hindi man sa katawang tao pero sa isip at puso mo."

Unti unti siyang naglaho sa paningin ko, agad kong ini-angat ang ulo ko at iginala sa paligid ang paningin ko. Panaginip lang ang lahat ngunit alam kong siya talaga ang nasa panaginip ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Alethea." Bulong ko, tumayo ako sa pagkaka-upo at naglakad sa loob ng bahay na kinaroroonan ko. Dinala ako ng mga paa ko sa bintana, kagubatan ang nakita ko sa labas.

"Gising ka na pala." Napa-lingon ako sa nagsalita. She's smiling at me like nothing happened earlier. Binaba niya sa mesa ang pagkain na dala niya, naupo ulit ako sa upuan at hinintay na magsalita siya.

"Sweetie..." naputol ang sasabihin niya dahil sa pagpasok ni Papa. Yes, I am with them.

"Hear us, Celeste. Alam kong kalmado ka na ngayon." Sambit ni Papa nang maka-upo siya sa aking harapan, katabi ni Mama.

"Tell me everything." Seryoso kong sambit. Umayos naman ng upo si Mama, mukhang marami silang dapat ipaliwanag sa akin.

"I am Damian's younger sister and Matthew is your mother's younger brother." Panimula niya, tahimik lang akong nakikinig sa bawat sinasabi niya.

"Hindi kami pwedeng magsama dahil sa alitan sa pagitan ng aming pamilya, masyadong magulo noon kaya hindi namin magawa ang nais naming dalawa. Ang maging malaya nang mag-kasama." Nginitian niya ako at tumingin kay Papa.

"Yes we are not good as they see, actually it is just me. I tried to kill my own brother because of Damian's order. Ang iyong Ama, si Darius. Siya ang tunay na tagapag-mana ng aming Ama, hindi ito matanggap ni Damian kaya naman inutusan niya akong paslangin ang Ama mo. I was just a teen ager back then, galit din ako kay Darius dahil hindi naman siya buong Bathory ngunit siya ang pinili ng aming Ama. I stabbed him to his heart not knowing how strong he is to survive it." A tear fell from my Mom's eyes. I understand her side now.

"I am your uncle and she is your auntie. This is hard to explain, Calliope. Planado ang ginawa naming pagkuha sayo, nang makita ni Liana na iniwan ka ni Gabriella sa puno ng Acasia sa loob ng Bromidus ay agad ka niyang kinuha. Oo, noon pa lang ay alam na namin ang totoo mong pagkatao ngunit ayaw naming masala ka sa gulong meron ang Sentius." Tumingin ako sa mga mata ni Papa, I don't see any lies and I am 100% sure that he is telling me all the truth.

"Kung sinabi niyo lang sana sa akin ng mas maaga, hindi ko na sana tinanggap pa ang kapangyarihang meron ako ngayon. Dalawang tao ang nagbuwis ng buhay para protektahan ako, dalawang taong mahalaga sa akin ang nawala dahil sa kapangyarihang meron ako." Tumulo na naman ang luha ko dahil naalala ko ang huling sandali ni Alethea at Jairro.

"We are so sorry, Celeste. Hindi namin inasahan na aabot sa ganito." Naka-yukong sambit ni Mama.

"Kanino ang bahay na ito?" pag-iiba ko sa topic, ayoko nang isipin pa ang nangyari sa mga taong pinahalagahan ko.

"This is ours. Sa tuwing sinasabi namin sayo na may out of town trip kami ay dito kami nagpupunta, and we want to say sorry for lying about the out of town trip. Gusto naming may tutuluyan tayo oras na bumalik ka rito sa mundo kung saan ka talagang nararapat." Sambit ni Mama, I feel touched but I can't be happy right now. I can still feel my powers overflowing.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now