Trente-Huit : Nouveau Départ (New Start)

7 0 0
                                    

Celeste's Point of View

"Malelate ka na, Larriane." Kita ko ang sarili kong nagmamadali sa pag-aayos ng mga gamit niya, bago sa akin ito. Hindi ko pa nagawa o nakita ang pangyayaring ito.

"Opo, Ma. Pababa na po." Sambit ni Larriane, sinundan ko siya nang lumabas na siya sa kwarto. Naka-ngiti niyang tinignan sila Mama, hindi ako ang babaeng 'yan. I've never been this happy my whole life.

Sinundan ko sila nang lumabas sila ng bahay, masaya silang nagkukwentuhan habang nasa byahe. Katabi ko ang sarili ko sa likod ng sasakyan, kita ko ang saya sa mga mata niya habang nakikinig sa kwento nila Mama.

Napa-tingin naman ako sa gawi nila Mama at napa-ngiti rin nang makita ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Nakarating kami sa Bromidus, bumaba sila mama kasabay nang pagbaba ni Larriane.

"Good luck sa first day mo, Sweetie." Sambit ni Mama at niyakap si Larriane, napa-ngiti ako nang mapait. How I wish I can also hug her like that.

"Thank you, Ma. Mauna na po ako, mukhang magpapa-alam ka pa po kay Papa." Panunuksong sambit ni Larriane, tumakbo na siya papasok at tumigil ng nasa loob na siya ng gate.

"Lars!" sabay kaming napa-lingon sa sumigaw, hindi siya nag-iisa. Ngumiti si Larriane at agad na lumapit sa kanila.

"Hey, I'm happy na dito ka na rin nag-aral." Pinagmasdan kong mabuti ang mukha nang kausap ni Larriane, it is Shaine.

Nasa likod lang nila ako habang inililibot ang mga mata ko, natigil ako nang makita ang kanina ko pa hinahanap. Lumapit ako sa kinaroroonan nila, tumulo ang luha ko sa nakikita ko. I can see that he's happy, umaabot sa mga mata ang ngiti niya.

"Dude, I was like. Mom, I know what to do." Sambit niya sa kaharap niya, nang tumingin ako sa kaharap niya ay nakita ko si Jai at Theon. Masaya silang nagkukwentuhan.

Sinubukan kong haplusin ang mukha niya, ngunit tumagod lang iyon sa pisngi niya. Naka-ngiti lang ako habang nakatitig sa kanila, sana totoo na lang ito.

"Hey, guys. How's vacation?" napa-lingon ako sa nagsalita, lalong tumulo ang luha ko dahil sa nakita ko. Lumapit siya sa kinaroroonan nila Adrian, I know she's also happy.

"So fun, Hail." Natatawa pang sambit ni Jai, gusto kong humingi ng tawad sa kanila ngunit hindi ko alam kung paano, gayong alam ko sa sarili kong nasa isang panaginip lang ako.

"I heard there are a lot of freshmen in Bromidus ah? Malaman ko lang na may babae kayong kinakawawa ako kakalabanin niyo." Natatawang sambit ni Sancia, ganito ba ang kakahantungan niya kung normal ang lahat?

"Mauna ako, 'wag na kayo kung saan saan pumunta. Magsisimula na ang klase." Nagpaalam na si Sancia at naglakad na pabalik sa room.

Tumayo na rin ang grupo nila Adrian at naglakad na, naka-sunod lang ako sa kanila at natigilan ako nang tumigil sila sa paglalakad. Sinilip ko ang nasa harap nila at nakita ang sarili ko.

"Oh, sorry. Hindi ko sinasadya." Naka-ngiting sambit ni Larriane, agad na ngumiti si Adrian sa kanya.

"Ok lang, mukhang nagmamadali ka?" nakita ko ang tinginan ni Theon at Jai, alam ko kung ano ang iniisip nilang dalawa.

"Hindi ko kasi mahanap ang room ko, lahat ng kaibigan ko ay pumasok na. Malapit na rin ang time kaya medyo nagmamadali na ako." So she has friends? How nice, sana ganoon din ang ginawa ko noon imbis na magmukmok sa isang tabi.

"Anong section mo, Miss?" tanong naman ni Jai, isang masamang titig ang ibinigay ni Adrian sa Kuya niya.

"Chill, Bro. Alam mong si Haily ung gusto ko eh." Natatawang sambit ni Jai, nakita ko namang napa-ngiti si Theon dahil sa sinabi ni Jai.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now