Trente-Trois : Victoria's Past

14 0 0
                                    

Third Person's Point of View

"Masaya ako ngayon dahil malapit na nating makita ang ating anak, Damian." Sambit ni Esme, ang tumatayong Reyna sa kaharian ng Lusefell.

"Ako rin, Mahal ko. Masaya akong may darating na bagong buhay sa ating kaharian, mapupuno nang ingay at halakhak an gating palasyo." Masayang hinawakan ni Damian ang kamay ng kanyang asawa.

"Ipinapangako ko sayo, Anak. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo." Hinawakan ng Hari ang tiyan ng kanyang asawa at hinaplos 'yon.

"Nais kong maglakad, Mahal ko." Nagsimulang tumayo si Esme at inalalayan naman siya ni Damian.

Lumabas sila sa hardin at masayang nagtatawanan, pinaguusapan nila ang tungkol sa paglabas ng kanilang anak. Sa hindi kalayuan ay may matandang nakatanaw sa mag-asawa, kakaiba ang tingin nito sa kanya. Tila ba hindi niya nagugustuhan ang maaaring mangyari.

Agad na naglakad ang matanda sa gawi ng mag-asawa, naalerto si Damian nang makita niya ang matandang palapit sa kanila. Agad niyang iniharang ang kanyang katawan sa harap ng kanyang asawa.

"Alagaan mo ang batang nasa sinapupunan ng asawa mo dahil kakaibang lakas ang ipapamalas niya sa mundong ito, darating ang araw na magigising ang lakas niyang itinatago. Magagamit ito sa paparating na delubyo sa mundo ng Sentius."

Biglang sumigaw si Esme kaya naman agad na nilingon ni Damian ang kanyang asawa, simbolo ito na manganganak na ang Reyna. Dali dali niyang binuhat ang asawa at dinala sa silid nito.

"Tawagin ang doktor ng palasyo! Magmadali kayo!" sigaw ng Hari. Agad namang nagsitakbo ang mga kawal para tumawag ng doktor na magpapa-anak sa Reyna.

Hinawakan ni Damian ang kamay ng Reyna nang makita niyang nahihirapan ito at namimilipit sa sakit. Hindi niya kayang makita ang asawa niya sa ganitong sitwasyon.

"Magandang gabi, Haring Damian. Mangyari lamang po na maghintay kayo sa labas, kami na po ang bahala sa inyong mag-ina."

Labag man sa loob ay hinalikan niya sa noo ang kanyang asawa at pati ang tiyan nito ay nilapatan niya ng halik. Ayaw man niyang umalis ngunit kailangan dahil ito ang nararapat.

"Huwag mong pahirapan ang iyong Ina, Anak." Sambit ni Damian bago siya lumabas sa silid.

Nagtungo siya sa bulwagan at naupo sa kanyang trono, hindi siya mapakali dahil nag-aalala siya sa kanyang mag-ina. Maraming pwedeng mangyari at ang mga bagay na 'yon ay laman ng utak niya ngayon.

Tumayo siya sa bintana at tinitigan ang buwan, napaka-ganda noon na matutulala ka na lang sa kanyang kagandahan. Hindi niya inalis ang kanyang paningin sa bilog na buwan, natigilan na lamang siya nang makita ang pagbabago ng kulay nito. Mula sa puti ay naging pula ang kulay ng buwan.

"Anong ibig sabihin nito?" bulong ng Hari sa kanyang sarili, lalo siyang kinabahan dahil sa pangitaing 'yon. Hindi na siya naghintay pa ng tawag at bumalik na agad siya sa silid ng Reyna.

Nakita niya ang mga kawal sa labas ng pintuan at pinigilan siya ng mga 'yon, sinamaan niya ng tingin ang mga kawal ngunit hindi pa rin sila natinag.

"Paumanhin, Mahal na Hari. Hindi pa nagbibigay ng hudyat ang doktor sa loob." Sambit ng isa sa mga kawal, walang nagawa ang Hari kung hindi maghintay sa labas ng pinto.

Pa-ikot ikot lamang si Damian habang naghihintay sa labas, hindi na niya kaya pang maghintay kaya naman napagpasyahan niyang pumasok nang tuluyan. Bago pa siya makapasok sa loob ay narinig na niya ang iyak ng isang sanggol, ngingiti n asana siya ngunit nabura ang lahat dahil sa kanyang narinig.

"Mahal na Reyna! Gumising kayo! Kumuha kayo ng oxygen, walang pulso ang Reyna!" pumasok si Damian sa loob at kitang kita niya ang kanyang asawa na nakahiga sa kama at walang malay.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now