Trente Et Un : The Three Kingdoms

12 0 0
                                    

Third Person's Point of View

"Maligayang pagbabalik, Aking kaibigan." Sambit ni Darius sa lalaking nasa harapan niya.

"Paumanhin, Kaibigan. Marami akong inayos sa mundo ng mga mortal kaya natagalan ako sa pagbabalik." Naupo ang lalaki sa upuang nasa harap ni Darius, nag-ngitian naman silang dalawa.

"Ang balita ko ay si Damian ang kasalukuyang namamahala sa kaharian mo, Leonardo." Sambit ni Darius habang naka-tingin sa kanyang kausap.

Agad namang natawa ang lalaki sa sinabi ni Darius. Tumango tango ito habang ibinababa sa upuan ang dala niyang bag.

"Yes, bago ko pamahalaan ang Bromidus, kay Damian ko ipinagkatiwala ang aking kaharian. Bago ko pagbigyan ang hiling mo ay sa kanya ko muna ibinigay ang pamamahala sa kaharian ko. I was wondering what the state of my kingdom now." Sambit ni Leonardo, nawala ang ngiti sa labi ni Darius.

"Btw, how's my University?" pag-iiba niya sa usapan, nais niyang malaman ang lagay ng eskwelahang siya ang nagtayo. Walang nakaka-alam na siya ang tunay na nagmamay-ari sa eskwelahang pinapasukan ng kanyang anak.

"Si Liana ang kasalukuyang namamahala sa buong school, dahil na rin sa hiling mong gawin ko siyang Principal. She's handling the school very well." Naka-ngiting sambit ni Leonardo, tila ba wala pa rin siyang ka-alam alam sa nangyayari sa mundong pinaggalingan niya.

"Masyado ka atang nasiyahan sa mundo ng mga mortal, Kaibigan." Ngiti ang isinagot ni Leonardo sa kaharap niyang kaibigan.

"Yes. Anong nangyari rito? Bakit pinabalik mo ako?" naging seryoso ang itsura nilang dalawa.

"Damian uses your men to cause trouble here." Panimula ni Darius, lalong nawala ang ngiti ni Leonardo dahil sa kanyang narinig.

"This has to stop, kahit pa isa siya sa pinaka matalik kong kaibigan." Tumayo si Leonardo at agad na kinuha ang bag niya. "Handa ka bang samahan ako, Darius? Tapusin na natin ang digmaan sa pagitan ng mga kaharian. This time I will be at your side."

Isang tango ang ibinigay ni Darius sa kanyang kaibigan, nagkamayan muna sila bago tuluyang umalis si Leonardo sa Tertara.

"This is the start of a new war."

__**__

Adrian's Point of View

"Narito ako para tanungin kayo, handa ba kayong sumama sa nalalapit na digmaan? We are all against in Damian's plan. So, andito ako para himukin kayong sumama sa amin."

Lahat kami ay na-alerto ng walang pasabing pumunta ang hari ng Ringterel dito sa aming palasyo. Ang buong akala namin ay isa siya sa tapat na taga-sunod ni Damian, ngunit sinabi niya sa amin ang buong dahilan kung bakit nawala siya sa Sentius.

"I am just wondering, kung hindi ikaw ang may ari ng Bromidus, sino?" hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtanong.

"Darius Lagarde." Natigilan ako sa sinabi niya, so all this time si Theon lang pala ang may ari ng Bromidus?

"Are you with us?" tanong niya ulit habang naka-tingin kay Ama. "I believe all my reasons are valid and you can be 100% sure that you can count on me."

"Kung para sa katahimikan ng Sentius, sasama ako at ang aking nasasakupan. Handa kaming magbuwis ng buhay, para lang makamit ang kapayapaan sa mundong ating ginagalawan." Sagot ni Ama at agad na nakipag-kamay sa hari ng Ringterel.

"Aasahan ko kayo sa Tertara mamayang gabi, may gaganaping pagpupulong. Pangungunahan ito ni Haring Darius." Tumayo na siya at inayos ang kanyang mga gamit, tumango si Ama sa kanya.

"Makakarating kami, asahan niyo ang aming partisipasyon." Sambit ni Ama at sumabay sa pagtayo ni Haring Leonardo. Muli silang nagkamayan.

"Mauna na ako, Andromino." Sambit nito at agad na naglakad palabas sa aming palasyo.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon