Cinq : The Acquaintance Party

11 0 0
                                    

Larriane's Point of View

"Close your eyes, sweetie."

Kanina pa ako naiinis dahil todo make up sa akin si Mama. Tonight is the night of the acquaintance party. Andoon din si Mama kaya naman todo ayos siya sa akin, hindi pa ako nakakapagbihis dahil sa tagal ni Mama magmake-up.

Maayos naman natapos ang event kaninang umaga, marami rin ang nagpunta sa booth namin dahil ngayon lang daw sila nakakita ng hindi lang isang booth sa isang section.

"Ok! It's done!" sigaw niya. Naka-hinga naman ako nang maluwag, makakapag-bihis na rin. "Go, sweetie. Put on your clothes." Sabi niya at naglakad na palabas sa room ko.

Pumasok na ako sa bathroom at pinagmasdang muli ang dress na bigay ni Mama, napaka-ganda niya talaga. Isinuot ko na 'yon at inayos ang buhok kong kinulot ni Mama ang dulo. Hindi niya rin pinasuot sa akin ang glasses ko dahil sisirain daw non ang make-up ko.

I can see a different person on the mirror. "You're beautiful." Sambit ko sa sarili ko. Inayos ko ang ilang strand ng buhok ko bago isuot ang heels ko, a 2 inch heels.

Lumabas ako sa room ko at nakita ko si Mama at Papa, mukang inaabangan talaga nila akong lumabas. I can see happiness in their eyes, napa-ngiti ako dahil doon.

"Sabi sayo eh, bagay sa kanya." Sambit ni Mama na may kasama pang palo sa braso ni Papa.

"Yeah. Ang ganda mo, anak." Naka-ngiting sambit ni Papa. Niyakap ko naman sila, I don't know why but I feel pain everytime I touch them.

"Halina kayo, ihahatid ko na kayo sa school." Sabi ni Papa at nauna nang bumaba para ayusin ang kotse.

Nang makarating kami sa Bromidus ay rinig na agad sa gate ang tugtog mula sa loob, maging ang mga ilaw ay tanaw na rin. Nag-paalam na ako kila Papa at nauna nang pumasok, may iba rin namang pupuntahan si Mama.

Kinakabahan akong nakatayo sa entrance, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dahan dahan akong naglakad papasok at ang party rock na tugtog ay naging A Thousand Years. Hindi ko alam kung sadya 'yon o nagkataon lang talaga na lumipat ang song.

I looked around and they are all staring at me but one stare caught my attention, Serrafina's stares. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang titig sa akin ng magkapatid, there is really something with that stares.

__**__

Adrian's Point of View

"The day we met, frozen I held my breath."

I am right, she is the one who is destined to be my partner. Hindi ko pa matanggap noong una ko siyang makita dahil isa siyang tao, mahina at walang laban sa gaya ko. Hindi ko matanggap na sa isang tao lang pala titibok ang puso ng isang bampirang gaya ko.

"Right from the start."

Nakatitig lang ako sa kanya, ang perfect niya sa suot niyang dress. Napansin ko rin na wala ang glasses niya na lalong nagpalabas sa ganda niya, parang tumigil ang buong paligid at siya lang ang nakikita ko.

"I knew that I'd found a home for my heart beats fast."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, akala ko ay hindi ko na mararamdaman ang ganito. Hindi ko inisip na magmamahal ako, lalong hindi ko inasahan na sa isang tao pa. Unti unti na siyang palapit sa mesa namin, agad kong iniwas ang tingin nang nasa table na siya.

"Kanina pa ba kayo andito?" tumingin ako sa direksyon na tinitignan niya, ang kapatid ko. May iba sa mga titig niya, agad nawala 'yon at napalitan naman ng ngiti.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now