Dix : The Prince's Mate is Mortal

10 0 0
                                    

Adrian's Point of View

"Let me see, Larriane." Bulong ko nang matapos kong labanan ang limang wolves. Hindi ako naniniwala sa Diyos ng mga tao, pero kaya kong simulant ang paniniwala ngayon kung hahayaan niya akong makita si Larriane.

Nahiga ulit ako sa kama at hinayaan maghilom ang mga sugat ko dahil sa nangyari kanina, I didn't kill any of the werewolves. I still consider them as one of the immortals. Wolves were once an ally of the vampires from Sentius.

Sila ang mga shapeshifters mula sa kagubatan ng Sentius, sila rin ang nakakalabas at pasok sa lagusan ng hindi kailangan ng spell. Ipinikit ko na lang muli ang aking mga mata at hinayaan akong kainin ng antok.

Nakikita ko si Larriane, naglalakad siya palapit sa akin. Napa-ngiti ako nang mapansin ko na wedding gown ang suot niya, naka-ngiti siya habang papalit na agad ding nawala ng nasa harapan ko na siya.

"Stop waiting for me, Adrian. I am not worth it." Malinaw ang bawat salitang binigkas niya, kahit alam ko sa sarili ko na nasa loob lang ako ng isang panaginip.

"No, I'll wait no matter what happen. Please, come back to me." Nagmamakaawa kong sambit sa kanya. Nataranta ako ng unti unti siyang naglalaho sa paningin ko. She's turning into a fine gold dust.

"If you find me, I promise to stay with you forever."

__**__

Third Person's Point of View

"Dad, I already met my mate." Sambit ng binatang Bathory sa kanyang Ama habang sila ay kumakain. Agad na napa-tingin si Damian sa anak niya, hindi niya inaasahan ang kanyang narinig.

"But she's a mortal." Nawala ang namumuong saya sa puso ni Damian. Hindi niya gustong magkaroon ng apong hybrid. Hindi tatanggapin sa Sentius ang ganitong klase ng nilalang.

"Alam mong labag sa patakaran ang nais mong mangyari, Ken." Sambit ng nakatatandang Bathory, agad namang sumama ang tingin ng binasa sa kanyang Ama.

"I don't care, Dad. I will try to turn her like me, para lang matanggap siya sa mundong papamunuan namin nang mag-kasama." Natigilan si Damian dahil sa sinabi ng anak niya.

"The last vampire who did that killed his mortal mate. Kung ayaw mong mapahamak ang sinasabi mong naka-takda sa iyo ay tigilan mo na 'yan." Tumayo si Damian sa kanyang upuan at tumalikod na sa kanyang anak.

Hindi niya gustong magdusa ang anak niya kung sakaling mabigo ang pina-plano nito. "Mahalin mo na lang siya sa malayo, Kenneth. Alam mong susuportahan kita sa lahat, pero hindi sa pagkakataong ito. Hindi ko gustong makita kang magdusa sa kung ano man ang magiging resulta ng nais mo."

Naiwan ang binatang Bathory sa hapag-kainan, masama ang loob at hindi maipinta ang kanyang mukha. Ikinuyom nito ang kanyang palad at ngumiti na para bang may naisip na paraan maliban sa sinabi niya kanina.

"I will do everything to make Larriane mine."

__**__

Jairro's Point of View

I can feel she's still alive. Alam kong nararamdaman din 'yon ng aking kapatid, Larriane is my brother's mate and so am I. Hindi ko alam kung paano at bakit, sa history ng mga bampira wala pang ganitong pangyayari. Two vampires with one mate.

Unang kita ko pa lang sa babaeng 'yon, naramdaman ko agad ang koneksyon. Naramdaman ko agad ang pagtibok ng puso ko, puso na titibok lang sa taong itinakda sa isang bampirang kagaya ko.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon