Vingt-Neuf : Choose

7 0 0
                                    

Adrian's Point of View

"Maghanda kayo, aalis na tayo." Walang emosyon kong sambit nang makalabas ako sa palasyo, ilang hukbo ang naghihintay sa akin. Tumayo ako sa unahan nila, halos lahat sila ay tinignan ko sa mga mata.

"Hindi tayo makikipag-digma, pupunta tayo sa kinaroroonan ni Celeste upang makipag-usap ng matino." Sambit ko, nakita ko silang natigilan sa sinabi ko. Alam kong nagtataka sila dahil hindi ito ang nauna kong utos.

"Pick the right decision, kung tutuusin walang kasalanan si Celeste sa nangyari sa Kuya mo. Hindi kita pinalaking bulag, Adrian." Huling kataga ni Ama bago ako umalis sa silid niya.

"Ang sino mang humugot ng sandata ay paparusahan ko, alam kong alam niyo na ako muna ang papalit sa aking Amang hari dahil sa kalagayan niya, hindi ako magbibigay ng awa sa hindi susunod sa aking kautusan." Hinawakan ko nang mahigpit ang aking sandata, hinubad ko 'yon at inilagay sa tabi.

"Simbolo ito ng aking pakikipag-isa." Nagsimula akong maglakad habang isa isang tinatanggal ang kasuotan kong pandigma. Agad namang nauna ang punong kawal dahil siya ang nakaka-alam sa lugar na tinutuluyan ni Larriane.

Patuloy lang kami sa paglalakad, habang papunta sa kinaroroonan ni Larriane ay wala akong ibang iniisip kung hindi ang kalagayan niya. Nararamdaman ko pa rin ang galit ngunit hindi na gaya ng nakaraan, masyadong masakit mawalan kaya naman hindi nila ako masisisi kung ganito ang nararamdaman ko.

Naka-aninag ako ng ilaw sa hindi kalayuan, mukhang malapit na kami. Unti unti kaming nakalapit sa kinaroroonan ng ilaw at nakita ko ang babaeng pakay ko rito. Nakatayo sa terrace ng bahay habang naka-tanaw sa amin.

"She's waiting for us. Alam niya na pupunta tayo." Hinawakan ko sa balikat ang punong kawal at ako ang naunang maglakad. Kahit nasa malayo ay kitang kita ko ang kulay ginto niyang mga mata, kalmado siya.

Pinatigil ko muna ang hukbo at ako lang mag-isa ang lumapit sa kanya. Naka-tingin lang siya sa akin ng diretso. Wala akong makitang kahit anong emosyon sa mga mata niya, hindi ko na makita ung Larriane na nakilala ko.

"Kanina pa ako naghihintay sa inyo." Mahinahon niyang sambit habang naka-tingin sa akin.

"Larriane." I am still hoping, baka pwede pa niyang ibalik ung dating siya.

"Paano mo nasabing mahal mo ako? Kung hindi mo ako matanggap ng buo?" nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Kahit ibalik ko pa ung dating ako, hindi pa rin mawawala ang katotohanang si Celeste ako. Ang babaeng itinadhang sisira sa mundo mo. Nakikita mo ba? Kahit bumalik tayo sa umpisa, dito pa rin ang patutunguhan nating dalawa."

"Bakit ba tayo umabot sa ganito? All I want is to be by your side." Hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Everything happens for a reason. Kaya kung ano man ang binabalak mong gawin, gawin mo na. Kailangan pa rin matuloy ang nasa propesiya." I saw her closed her eyes. "Kill me now, isang propesiya lang ang dapat matupad."

"Bakit hindi natin subukang baguhin ang propesiya?" tumingin siya sa akin at nakita ko na naman ang maganda niyang mga mata.

"Alam mo sa sarili mong imposible ang bagay na 'yan, wag na nating lokohin ang mga sarili nat..." natigilan kaming dalawa nang may panang lumipad sa mukha ni Larriane. Naging dahilan 'yon para masugatan ang pisngi niya.

Nakita kong nagbago ng kulay ang mga mata niya. Mula sa ginto ay naging pula ito sa isang iglap. Nilingon ko naman ang hukbong pinamumunuan ko, umiling silang lahat na ang ibig sabihin ay wala sa kanila ang may sala.

"Ang ganda naman ng eksena niyo, mala Romeo at Juliet. Sadly, Juliet needs to die first. Dito ka lang pala nagtatago." Napa-lingon ako sa nagsalita at nakita si Damian na palapit sa kinatatayuan ko.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now