Seize : The Forbidden Couple

9 0 0
                                    

Larriane's Point of View

Tinitigan ko ang pag-alis ni Alethea, lalo akong naguluhan sa lahat. Hindi ko na alam kung ano ang tamang gawin sa mali. Tumayo ako at lumapit sa puno kung saan ako iniwan.

"I don't know what to do anymore." Nararamdaman ko ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko. Hindi ko na naman mapigilan ang kapangyarihan ko, masyado itong malakas kaysa sa akin.

"Larriane Calliope Perez." Napa-lingon ako sa nagsalita, hindi ko siya ineexpect dito. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Stay away from Clyde. He's mine." I know but he's my mate, Ate.

"I will." Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na paalis, a tear fell from my eyes. Bakit nawala ang ngiting ako ang nagbigay sayo?

She's the most happy when she heard that our Mother is pregnant with me, anong nangyari sa saya na 'yon? Nawala? Dahil ba isinumpa na ako ng tadhana?

Bago ako lumabas ng gate ay may humarang sa harapan ko, "Back off, Bathory." Mahinahong sambit ko, now I know who he really is.

"Welcome back, Larriane." Naka-ngisi niyang sambit, ayoko na siyang pagtuunan pa ng pansin kaya naman naglakad ako palampas sa kanya. Bago pa ako makalampas sa kinatatayuan niya ay nahawakan na niya ako sa braso.

"Let go or I'll break your bones." Tinitigan ko siya sa mga mata, nakita ko agad ang reflection ng mga mata ko sa mata niya. Bloody red eyes, ayokong nakikita ng buo ang mga mata kong ito dahil kahit ako ay hindi nakikilala ang sarili ko.

"Now tell me, sino ka ba talaga?" sambit niya bago bitawan ang braso ko, I don't want to answer his question. Hindi pa ngayon ang tamang oras.

"That is none of your business, Bathory. Mind your own and stop pestering me." Wala na siyang nagawa nang naglakad ako papalayo sa kanya. Hindi ko na siya gusto pang makita.

"I will turn you like me." Napa-ngisi ako sa narinig ko.

"Paano mo gagawing kagaya mo ang kapareho mo naman talaga?" bulong ko habang naglalakad pauwi. Hindi ako komportable sa paglalakad na ginawa ko, para bang napaka-raming matang naka-tingin sa akin.

"Sentius, I promise to come back in the right time." Bulong kong muli bago magpatuloy sa paglalakad.

"Celeste, pinangalagaan kita dahil may tiwala ako sayo. Huwag mo sana akong biguin dahil sa padalos dalos na desisyon. Hawak mo ang buhay ng dalawang mundo. Nasa pagpapasya mo ang mangyayari sa mga ito, anong mas mahalaga sayo?"

Tumatak ang bawat salita ni Alethea sa akin, hindi ko maiwasang isipin kung karapat-dapat ba akong pumili sa kahahantungan ng dalawang mundo. Ang mundo kung saan ako nabibilang o ang mundo kung saan ako lumaki at minahal ko na.

Nakarating ako sa bahay ng hindi ko namamalayan, umakyat agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil hindi rin naman'yon tatanggapin ng katawan ko. Simula nang magbalik ako ay hindi pa ako kumakain ng kahit ano.

Nahiga ako sa kama at hinayaang kainin ako ng antok. Nakita ko ang isang babaeng naka-pula, naka-ngiti siya ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Ikinumpas niya ang kanyang kamay at sa isang iglap ay naglahong parang bula ang dalawang mundo.

Napa-upo ako dahil sa mga nakita ko, sana ay tama ang maging desisyon ko. Ayokong magdesisyon ng mali dahil ako rin ang magsisisi sa huli.

__**__

Nagising ako dahil sa kakaibang pakiramdam, para bang may papalapit sa kinaroroonan ko. Naaalarma ang buong katawan ko at mabilis na pumunta sa likod ng pinto, itutulak ko na sana ang papasok ngunit nakita kong si Mama pala 'yon.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now