Neuf : Dreams

10 0 0
                                    

Adrian's Point of View

Maaga akong umalis sa Sentius dahil nais kong makita si Larriane, siya ang nais kong makasama kagabi dahil pareho pala kami ng birthday pero may lakad na pala siyang kanya. Kaya naman hindi ko na siya inaya pa kahapon nang ibigay ko ang mga libro sa kanya.

Hindi ko kasabay si Kuya at Theon dahil gusto kong masolo muna si Larriane, kapag andyan kasi sila hindi ko maka-usap nang maayos si Larriane. Ipapaalala lang nila sa akin na itatali na ako kay Haily at hindi na pwede pang lumapit sa kahit sinong babae.

Nang maka-pasok ako sa room ay wala akong nadatnang Larriane sa upuan niya, siya ang madalas na nauuna rito sa room dahil mas gusto niya kapag siya lang mag-isa habang nagbabasa dahil pansin ko na ayaw niya sa maingay.

Naupo na lang ako sa upuan ko at napagpasyahang mag-intay pa ng konti dahil maaga pa naman, kinuha ko ang cellphone ko at nagmessage kay Kuya na nasa school na ako. Alam ko kasing sa mga oras na 'to at tulog pa 'yon.

Natigil ako sa pagscroll nang pumasok ang mga classmates ko at agad akong natigilan sa pinag-uusapan nila.

"Alam mo ba nakita ko kanina ang parents ni VP Perez, iyak nang iyak si Ma'am Liana kasama ang asawa niya. Ang sabi kasi hindi raw umuwi magdamag si VP Perez at baka raw andito na sa school."

"Nakita ba nila si VP Perez?"

"As of now wala pa silang nakikita, kaya ko nakitang umiiyak si Ma'am Liana kanina. Asan na kaya si VP Perez noh?"

Agad akong lumabas sa room nang marinig ko ang usapan nila, hindi maaari saan nagpunat si Larriane? Dumiretso ako sa office ni Mrs. Perez, hindi ko pwedeng hayaan 'to. Sana pala pinansin ko ang pakiramdam ko kagabi, kaya pala bigla kong naalala si Larriane.

Hindi na ako kumatok pa at binuksan ko na agad ang pinto ng office, una kong nakita ang mag-asawang Perez habang si Ma'am ay umiiyak. Lumapit ako sa kanila at nakuha ko naman agad ang atensyon ni Ma'am.

"What happened, Ma'am?" panimula ko, hindi ako pwedeng manahimik. Kailangan ko malaman kung anong nangyari.

"Kagabi, sabi ko sa kanya umuwi siya agad. Nag-message pa ako sa kanya pero hindi niya nireplyan." Sambit ni Ma'am habang umiiyak pa rin. "Hindi ko ba kasi alam sa batang 'yon at paulit ulit siyang pumupunta sa lugar na 'yon. Kahit kami ni Matt ay hindi alam kung saan ang lugar na 'yon."

Kinabahan ako sa sinabi ni Ma'am, "Bakit siya pumupunta doon?"

"Pumupunta siya doon sa tuwing birthday niya, lagi niyang sinasabi na doon niya nararamdaman ang pakiramdam na gusto niyang maramdaman. Ang maging malaya. Matthew and I agreed to her since we suggest na pupunta lang siya doon sa tuwing birthday niya."

"Taon taon, walang palya. Andoon siya hanggang umaga. Ngayon lang siya hindi umuwi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko man lang alam kung saan ko hahanapin ang anak ko." Humihikbing sambit ni Ma'am. Niyakap naman siya ni Mr. Perez.

"Section 1A, we will help to find Larriane."

__**__

"Everyone, there is no class today. One of the students in our school is missing and I want all of you to help and find Ms. Larriane Calliope Perez. Let's find her together." Sambit ni Mrs. Carnejo nang maka-pasok siya sa room namin. Hindi na ako magtataka kung big deal ito sa school. Liana Perez is the next principal of Bromidus.

"Totoo pala, nawawala si VP Perez." Bulong ng isa sa mga classmate namin. Hindi na ako nakinig pa sa kanila at lumabas na sa room. Kasunod ko si Kuya at si Theon, kailangan namin mahanap si Larriane.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now