Vingt-Quatre : Unveiling All Secrets

7 0 0
                                    

Adrian's Point of View

Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko, wala kong dapat ikatakot dahil nagsasabi ako ng totoo. Tama lang talaga na sa mundo siya ng mga tao lumaki dahil mas naging maayos ang buhay niya roon.

"Watch your words, Adrian." Napa-tingin ako kay Ama. Hindi ko siya binigyan ng kahit anong emosyon dahil isa siya sa pinaka-duwag na nakilala ko.

"Kung sana lang pinakinggan niyo ako noon, wala sana tayo rito ngayon." Napalingon naman ang lahat sa gawi ni Damian. Wala na akong makitang emosyon sa mga mata ni Larriane.

"Celeste, please don't be like this. Gusto kitang maka-sama. Gusto kitang alagaan, mahalin at pakinggan sa lahat ng hinaing mo. Ako pa rin ang iyong ina at ikaw ang aking an..."

"Stop it. Lalo mo lang akong binibigyan ng pagkakataon para hindi ka paniwalaan." Sambit ni Larriane habang naka-tingin nag diretso sa mga mata ng kanyang Ina.

"Kanino ka maniniwala? Sa kapatid ko? Sa taong pumatay sa aking Ama?" nakikita ko na ang galit ni Reyna Gabriella.

"How many times do I have to tell you that I don't kill the King?" isang masamang tingin ang ibinigay ni Mr. Perez sa Reyna. Walang nagtangkang makialam sa amin, ngayon na ba ang tamang oras? Ito na nga ba ang simula ng digmaan?

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag, Matthew. All of us know that you are the one who killed father." Galit pero kalmadong sambit ni Reyna Gabriella.

"No, hindi siya ang pumatay sa unang hari ng Tertara." Para akong nasa isang movie, ako ang nanunuod at sila ang gumaganap. Nasa tabi ko si Kuya at Theon. Tahimik na nanunuod at nakikinig sa nangyari.

"Siya ang pumatay sa Hari." Lahat kami ay lumingon sa itinuro ni Larriane. "Pwede mong itago sa kanila ang totoo pero hindi mo maitatago sa akin ang buong kwento."

Ngumisi ang lalaking itinuro ni Larriane. "Hindi ko pa sana sasabihin ang totoo pero masyado kang pakialamera, Celeste. Hindi ko pa nga nakukuha ang gusto ko, sinabi mo na agad ang pinaka malaking sikreto ko."

"V-vlad?" hindi makapaniwalang sambit ni Reyna Gabriella. Naramdaman ko ang pagkuyom ng kamao ni Theon, nakakapagtakang ganito ang kanyang reaksyon sa mga nangyayari.

"Yes, don't get me wrong. Totoong minahal kita, Gabriella. Paumanhin ngunit mas mahal ko ang tronong mayroon ka. King Armino is always putting the blame on me. Hindi ko naman sinasadyang napatay ko siya noong gabing lasing ako. Nagkataon lang na nagkagalit si Matthew at ang hari, dumaan siya sa kwarto ng hari at napagbintanga..."

"Who gave you the permission to kill my grandfather?" nagulat ako sa bilis ni Larriane, in a split second ay hawag na niya sa leeg si Vlad.

"This is for killing him." Hinila niya ang isang kamay ni Vlad na ikinagulat ng lahat, isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong palasyo.

Hindi ko na makita ang Larriane na kilala ko, ang tanging nakikita ko na lang ay si Celeste. Ang prinsesang itinakda.

Isa isa niyang hinila ang natitirang kamay ni Vlad at mga paa. Mas lalo kaming nagulat nang kagatin niya ito sa leeg. Unti unting naglaho si Vlad dahil sa ginawa ni Larriane.

"You are not Larriane anymore." Natigilan ako ng isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya.

"I am not. I am Celeste."

Nginisian niya ako at agad na tumayo sa gitna nila Mr. and Mrs. Perez. I can see her eyes turning in bloody red and gold.

"You are Larriane." Napalingon ako kay Kuya Jai nang sumigaw siya. "Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para lang matanggap ka ng iba. Stop this, Larriane." I can see tears flowing down from his eyes.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now