Vingt-Six : Sacrifice for Love

7 0 0
                                    

Jairro's Point of View

"All I want is your permission, Larriane. Let me be with you for a week." Ilang araw ko nang kinukulit si Larriane dahil gusto ko siyang protektahan at gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal ko.

"After this week you will not bother me again." Madiin niyang sambit at agad na tumayo dahil lunch break na rin. Isang malawak na ngiti ang nabuo sa labi ko.

I was with her when she can't control her powers. I was with her the whole week. Hindi ko hinayaan na masaktan siya. Sa loob ng isang linggo, alam kong naramdaman niya ang pagmamahal ko.

__**__

"Can I extend my wish?" naka-titig ako sa mga mata niya habang unti unti itong bumabalik sa normal na kulay.

"Stop this joke, Jairro. Tumayo ka diyan kung ayaw mong balian kita ng buto." I can see her tears in the edge of her eyes. She's trying not to cry.

"I would love that." Nginitian ko siya at agad na lumabas ang mga luha niya nang umubo ako. Hinawakan ko 'yon dahil parang masyadong maraming laway ang tumalsik.

"Don..." bago pa niya ako mapigilan ay nakita ko na kung ano ang lumabas sa bibig ko. Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Nagkakagulo sa paligid ko pero parang si Celeste lang ang nakikita at naririnig ko.

"Stop crying, my princess." Hinawakan ko siya sa pisngi at nginitiang muli. "Kuya, kuya stay with me. Don't leave me."

Napa-tingin ako sa gawi ng kapatid ko, gusto kong punasan ang kanyang mga luha pero hindi na kaya ng kamay ko ang gumalaw. Nararamdaman ko ang sakit na nagmumula sa sugat na ginawa ng pilak na patalim.

"Adrian, bring her back. Do this for me, bring Ate Emerald back." Hinawakan niya ang isa kong kamay at umiiyak na tumango. I want to say sorry for him, hindi ko na siya masasamahan sa dulo.

"Why did you do that?" I want to wipe her tears but I can't move. "Hindi mo na dapat sinalo ang hindi naman para sayo. I'm so sorry, Jai. I should've chosen you earlier."

She's crying real hard and her tears are vanishing through the air. I smiled at her, this will probably the last smile I can give to them. I saw Theon walking towards us.

"Thank you for taking care and protecting my daughter." Malungkot ang tono nang pananalita niya.

Theon was my first friend here, nakilala ko siya sa loob ng gubat. Pareho kaming may sama ng loob na dinadala kaya naman nagkasundo kaming dalawa.

"It is my honor to protect the legendary princess. You deserve to live, you deserve to be loved and you deserve everything, my legendary princess."

__**__

Third Person's Point of View

Natahimik ang buong bulwagan, hindi makapaniwala ang lahat sa mga nangyari. Wala na ang prinsipe ng Asina. Unti unting naging abo ang katawan ni Jairro nang malagutan ito ng hininga. Tumayo si Celeste at nakita na naman nila ang mga mata nitong kulay ginto at pula.

"You just killed him, Sancia." Hindi siya nawawalan ng control, ito ang nais niyang gawin. Sa mga oras na ito ay punong puno ng puot ang kanyang puso.

"Pinatay mo ang taong nagparamdam sa akin na may karapatan akong mabuhay." Dahan dahang naglakad ang dalaga papunta sa kanyang kapatid.

Humarang naman ang kanyang Ama, "It was supposed to be you." Sigaw ni Sancia. Lalong nagliwanag sa galit ang mga mata ni Celeste.

"It is supposed to be me but he's the one you killed. Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang kaawaan, Sancia. You don't deserve my respect." Tumayo ang dalaga sa harap ng kanyang Ama.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now