Quinze : Vice President is back

10 0 0
                                    

Third Person's Point of View

Nagising si Liana dahil sa katok mula sa pintuan na nasa baba. Inaantok man ay agad siyang tumayo para pagbuksan ng pinto ang kumakatok. Tumingin siya sa orasan at nakitang alas kwatro nan g umaga, dumiretso siya sa pinto at binuksan 'yon.

Nawala ang antok niya dahil sa nakikita niya, "Kung panaginip lang ito, sana ay hindi na ako magising pa."

"This is not a dream, Ma." Bahagyang ngumiti ang tao sa harap niya. Hindi na napigilan ni Liana na yakapin ang kanyang anak. Nag-unahan sa paglabas ang mga luha niya.

"Where have you been? Oh my God! Thank you for bringing her back." Umiiyak na sambit ni Liana. Hindi siya makapaniwala na babalik pa ang kanyang anak.

Napansin ni Liana ang pagiging matapang na aura ng kanyang anak, sa labing pitong kasama niya ito ay kabisado na niya ang lahat ng ugali ng kanyang anak. Hindi na niya pinansin pa 'yon dahil ang mahalaga sa kanya ay bumalik na ang kanyang anak.

__**__

Adrian's Point of View

Nagulat ang ako sa nakikita ko ngayon, hindi ko alam kung nananaginip pa ba ako. Ang babaeng nawala ng isang buwan ay naka-upo ngayon sa kanyang upuan, tahimik at parang normal lang. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko alam kung bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko.

"Stop staring at me." Malamig na sambit niya, hindi ko marinig ang Larriane na nakilala ko. Anong nangyari sa kanya?

"Please stay away from me." Hindi siya naka-tingin sa akin kaya hindi niya nakikita ang sakit na makikita sa mga mata ko.

"I am happy that you're back, Perez." Hindi na niya sinagot pa ang tanong ko kaya naman naupo na ako sa upuan ko, hindi ko na napigilan ang mga luhang gusto lumabas sa mga mata ko. Agad ko rin naman 'yong pinunasan ng may mga classmate kaming pumasok.

Narinig ko pa ang bulungan nila nang makita si Larriane sa upuan niya. Pare-pareho kami ng reaksyon, hindi namin inaasahan na ganito ang aabutan namin sa classroom. Kinuha ko na lang ang notebook ko, I wrote something in there. I am doing this every day.

"Is that, Larriane?" wala sa sariling tanong sa akin ni Kuya nang maka-upo siya sa tabi ko, I want to answer him but I feel like I'm tearing up again if I answer him.

"She is, Jai. Hindi tayo namamalik-mata. She's back." Si Theon ang sumagot sa tanong ni Kuy, tama siya hindi nga kami namamalik-mata.

"Good morning, Cla... Welcome back, Ms. Perez." Nagulat pa ang prof nang makita si Larriane. Wala kaming narinig na sagot mula sa kanya, nagpatuloy na lang ang prof sa lesson niya hindi na pinansin pa ang hindi pagbibigay ng atensyon ni Larriane sa kanya.

Wala sa klase ang utak ko, naka-lingon lang ako sa kinaroroonan ni Larriane. I want to talk to her but how? She doesn't want me but I love her. Hinawakan ni Kuya ang balikat ko at umiling ito.

"I know what you are thinking, don't do it. Please, Adrian. Think about Asina." Bulong niya sa akin, tumango na lang ako kahit pa labag sa loob ko ang sinasabi niya.

"Ok class, since your class is now complete. We will have the quiz next week. I hope all of you can take it. Dismissed." Sambit ng prof sa harap, inayos lang niya ang mga gamit niya at umalis na rin.

Tatayo na sana ako para lapitan si Larriane pero pinigilan ako ni Haily. I looked at her and she's glaring at me. Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak ni Haily at hinarap siya.

"What do you want?" diretso kong tanong sa kanya, nakita kong lumampas sa amin si Larriane at hahabulin ko na sana nang hawakan ulit ni Hail yang braso ko.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now