Le Dernier Chapitre

12 0 0
                                    

Celeste's Point of View

5 years later

"You may now kiss the bride." I can still imagine the most beautiful and perfect day of my life.

"Naka-tingin ka na naman sa picture na 'yan." Naramdaman ko ang yakap niya mula sa aking likuran.

"Hindi ko lang makuhang kalimutan ang araw na naging isa tayong dalawa." Naka-ngiti kong sambit, humarap naman ako sa kanya at hinawakan ang kamay niyang naka-yakap sa akin.

"I am thankful for you being with my side." Hinawakan niya ang mukha ko at unti unti niyang inilapit ang kanyang mukha. Narinig namin ang pagbukas ng pinto na siyang dahilan sa pagtigil namin.

"Mommy!" bumitaw ako kay Adrian at naupo para salubungin siya. Naka-ngiti siyang tumakbo papunta sa akin, agad ko siyang niyakap nang makalapit siya sa akin.

"Titania, bakit si Mommy lang ang may hug?" pareho kaming natawa kay Adrian dahil masyado siyang OA sa pagseselos.

"Sorry po, Daddy. Hu-hug din po kita pagkatapos ni Mommy." Humahagikhik na sambit niya. Binitawan ko naman siya at agad na tumakbo sa Daddy niya.

"Tania, next time hug Daddy first." Inirapan ko naman si Adrian at naglakad na palabas ng kwarto namin. "I'll just check the surroundings." Nginitian ko sila at tuluyan nang lumabas.

She's Titania Lagarde Serrafina, our daughter. Apat na taong gulang na siya at bukas na ang kanyang ika-limang kaarawan. Inihahanda na namin ang gaganaping party sa araw ng kanyang kaarawan.

"Magandang umaga, Mahal na Reyna." Bati sa akin ng mga tagapag-silbi. Hindi pa rin ako sanay na tinatawag nila akong Reyna.

Sa kadahilanang ako ang tagapag-mana ni Ama ay ibinigay niya sa akin ang kaharian ng kanyang namayapang Ama, ang Lusefell. Limang taon ko nang pinamumunuan ang kahariang ito, pinapanatili ko ang kapayapaan kaya naman mas minamahal kami ng aming nasasakupan.

Dumiretso ako sa hardin kung saan inaayos ang venue para sa birthday party ng anak ko, we decided to make silver as her birthday theme color. Tania was born with a natural silver eyes, siniguro ko rin na isang normal na bampira lang ang aking anak. Ayokong magaya siya sa akin, naging magulo ang buhay dahil sa magulong propesiya.

"Mahal na Reyna, nais naming malaman kung may gusto pa po ba kayong idagdag sa mga designs, para maipakuha na rin po namin sa mundo ng mga mortal." Sambit ng organizer na kinuha ko para sa birthday party na ito, she's also immortal who lives in mortal world.

"Sa nakikita ko ay mukhang ayos na ang mga 'yan, ikaw na lang ang bahala kung may nais ka pang idagdag." Sambit ko at naglakad palabas ng palasyo.

Naglakad ako papunta sa tree house, madalas ay andito si Tania kaya naman halos lahat ng kanyang laruan ay narito na rin. Inayos ko ang mga laruan niyang nakaka-kalat sa lapag dahil mukhang dito na naman siya galing.

"Ang batang 'yon talaga." Natatawa kong bulong sa aking sarili, naging alerto ang katawan ko at hindi ko alam kung bakit. Agad akong lumabas upang tignan ang paligid, nakita ko ang isang damong gumagalaw kaya naman nilapitan ko 'yon at nang hawiin ko ay isang rabbit ang bumungad sa akin.

Hindi ko na 'yon pinansin pa at bumalik na sa loob ng tree house, naupo ako sa kama at agad na napa-ngiti habang pinagmamasdan ang mga picture ni Tania sa ibabaw ng cabinet.

"You will always be my strength and treasure, Titania." Bulong ko sa aking sarili.

__**__

Bumalik din ako agad sa palasyo dahil marami pang aasikasuhin, darating ang mga taga-Tertara, Asina at Ringterel bukas kaya naman puspusan na ang paghahanda. Pumasok ako sa loob ng bulwagan at nakita ang asawa kong kausap ang ibang kawal.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now