Trente : She's Gone Again

8 0 0
                                    

Adrian's Point of View

"Umalis ka na, Adrian." Sambit ni Larriane habang nakatitig sa mga mata ko, hindi ko siya kayang iwan dito. Ayokong may mangyaring masama sa kanya.

"Hindi ako aalis. Lalo na at alam na nila kung saan ka matatagpuan, kilala ko si Damian. Wala siyang pakialam sa kahit sino." Tinitigan ko siya habang naglakad papasok sa loob ng bahay.

"Wala akong magagawa kung ayaw mong umalis, manatili ka sa labas. Hindi ako magpapapasok sa loob ng bahay." Pumasok na siya at iniwan ako ritong mag-isa.

Abot kamay ko na ang babaeng mahal ko pero bakit hindi ko pa rin siya kayang mahawakan? Bakit parang ang hirap niyang abutin?

Lumapit ako sa aking mga kawal at tumayo sa harapan nila, "Maiwan ang hukbo ng punong kawal. Ang iba ay maaari nang bumalik sa palasyo, ibalita niyo kay Ama na walang digmaang magaganap sa pagitan ng Asina at ni Celeste."

Agad namang nagbigay galang ang mga kawal sa harap ko at sunod sunod na umalis. Ibinigay ko ang atensyon ko sa punong kawal.

"Palibutan niyo ang buong bahay, huwag niyo hayaang may makalapit na iba." Agad naman silang sumunod at kumalat sa buong paligid.

Naglakad ako palapit sa hadgan at naupo doon, kanina lang ay nais ko siyang paslangin ngunit bakit noong nasa harap ko na siya ay hindi ko na kaya? Masyadong mahirap para sa akin, ngayon naiintindihan ko na kung bakit mas pinili ni Kuya na ialay ang buhay niya.

"Sorry, Kuya. Late ko na narealize kung saan ka nanggagaling." Tumulo na naman ang luha mula sa mga mata ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likuran ko.

"He's willing to sacrifice everything for your happiness, Adrian. Maswerte ka dahil may kapatid kang handing ibigay sayo ang lahat kahit pa, ikakasakit niya. Humiling siya sa akin ng isang linggo, isang linggo para ipadama sa akin ang tunay niyang nararamdaman." Nakita ko siyang sumandal sa pader at seryosong naka-tingin sa akin.

"Pinagbigyan ko siya, mas naramdaman ko ang pagmamahal niya para sayo. Ikaw ang lagi niyang bukang bibig. He's always saying, 'I can give you up. Kakayanin kong kalimutan 'tong nararamdaman ko sayo, kung para kay Adrian, kakayanin ko.'"

Lalong tumulo ang luha ko, simula pa dati alam ko naman kung gaano ako kamahal ni Kuya. Alam kong dun siya lagi sa ikakasaya ko. Hindi pala dapat ako mainggit sa kanya, dahil kahit malaya siya, nakakulong naman sa sa akin. Ikinulong ko pala siya ng hindi ko namamalayan.

"It's not your fault. Hindi mo kasalanang sobrang mahal ka ni Jai." Ang tahimik kong pag-iyak ay unti unting lumakas. Hindi ko na kaya ung lungkot at guilt na dala ko, kapakanan ko lang pala ang iniisip niya na kahit ikamatay niya ok lang, basta makita niya kong masaya.

"Umuwi ka na, Adrian. Kaya ko ang sarili ko." Tinitigan ko siya sa mga mata niya at binigyan siya ng seryosong tingin gamit ang tunay na kulay ng aking mga mata.

"Hindi ko hahayaang mawalan ng saysay ang ginawa ni Kuya. Mananatili ako rito." Sambit ko at tinalikuran na siya, bago niya isa ang pinto ay may sinabi pa siyang hindi ko inaasahan.

"Wala kang magagawa kung ang lahat ay nakatadhana na."

__**__

Ilang oras na akong naka-upo rito at wala na akong liwanag na nakikita mula sa langit, napa-tayo ako ng may makita akong dumaan sa kakahuyan. Agad kong hinabol 'yon at nang makita ko na ay hindi ko na hinayaan pang mawala sa paningin ko.

Masyado siyang mabilis at hindi ko siya mamukhaan dahil sa suot niyang hoodie, nakarating kami sa banging parte ng gubat. Tumigil siya ng wala na siyang matakbuhan.

"Sino ka?" naka-talikod siya sa akin at dahan dahang humarap. Natigilan ako nang makita kung sino siya.

"Anong ginagawa mo rito?" sambit ko nang makita si Faxon, he's from Tertara. Anong ginagawa niya sa parteng ito ng gubat?

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now