Vingt-Trois : She's Back

7 0 0
                                    

Larriane's Point of View

"Masakit malaman na wala na pala ang mahal na Alethea." Sambit ng babaeng nasa harapan ko, ngayon ko lang siya nakita pero alam kong kilala niya ako.

Siya ang dahilan kaya humiwalay ako kila Jairro. Naririnig ko ang pagtawag niya sa akin gamit ang utak, malapit ko na makontrol ang kakayahang ito. May ibinigay siyang box sa akin at nginitian ako.

"Ibinigay 'yan sa akin ng mahal na Alethea. Ang sabi niya ay ibigay ko sa iyo oras na maka-balik ka sa totoo mong mundo." Binuksan ko ang box at nakita ang napaka-gandang gown. It is a black gown with gold dusts. Naririnig ko mula rito ang seremonya ng kasal at hindi maganda sa pandinig ko 'yon.

"Thank you for this, Arya. This is not the last time we will see each other. See you around." Sambit ko at umalis na sa harap niya. Agad kong sinuot ang damit na ibinigay ni Alethea at inayos ang sarili ko.

"Ikaw, Adrian Clyde Serrafina. Tinatanggap mo ba si Sancia Inara Lagarde bilan..."

"Na-late ata ako. Mukhang may kasalang nagaganap at hindi ako imbitado." Hindi ko pinatapos ang host sa pagsasalita. Vampires don't have priest.

Natigilan ang lahat at tumingin sa direksyon ko, I saw fear in their eyes, well I guess I am the villain again. Napadako ang tingin ko sa kinatatayuan ng aking Ina, I can see longing in her eyes instead of fear.

"I believe I deserve a welcome back from all of you." Naka-ngisi kong sambit na lalong ikinatakot ng lahat. I let my true self to come out, wala na akong dahilan para pigilan pa ang sarili ko.

"What are you doing here?" napa-tingin ako sa gawi ni Ate Sancia. I can see anger in her eyes. Natawa ako ng bahagya, hindi dahil sa tuwa kung hindi dahil sa sakit.

"Hindi mo man lang ba kukumustahin ang bunso mong kapatid?" kahit alam ko na ang sagot ay gusto ko pa ring marinig ito mula sa kanya.

"Why would I? Mukha namang ayos ka at buhay na buhay. Hindi ko nga alam kung bakit nabu..." natigil siya sa pagsasalita at humawak sa leeg niya. My power is eating me, it is overflowing and I can't control it.

"Even me I don't know the reason why I am still here. Kung ikaw ang nasa katayuan ko, mas gugustuhin mo na lang din mamatay. All of my loved ones hated me, because I have this freaking prophecy. Hindi niyo alam kung gaano kahirap ang kamuhian dahil sa hindi naman siguradong propesiya." My voice is different. I am choking my sister and I don't even care.

"Bitawan mo ang kapatid mo, Celeste." Natauhan ako nang marinig ko ang boses niya. Muling nagbalik ang paghinga ng aking kapatid. Naglakad ako palapit sa kanila, ramdam ko ang iwas ng bawat isa.

"Alam mo ba kung gaano kasakit makitang iniwan mo ang sanggol sa damuhan? Alam mo ba kung gaano kahirap maramdamang kulang ka? All my life I am longing for the love of my true Mom." I can't feel sadness. All I can feel is anger.

"Araw araw umaasa akong may isang taong maghahanap sa akin, I was hoping that someone will come and say that they are my parents. Ang sakit lang na walang ganoong nangyari." I was laughing continuously, hindi ko alam kung bakit. Wala sa plano koi to pero iba pala kapag andito ka na.

"Paumanhin, Anak. Kinailangan kitang itaboy para maging ligtas. Kinailangan kitang iwanan para mabuhay. Kung ipinilit kong dito ka sa aking tabi, siguro ay wala ka ngayon sa aking harapan." Umiiyak na sambit ng aking Ina.

"So do I need to say thank you to all of you?" sarcastic kong sambit, tinitigan ko sila isa isa. I can see myself in their eyes. I can see my bloody red eyes.

"Calm yourself, Larria..."

"For Pete's sake, Adrian. I am not Larriane!" I shouted and everyone stiffed. Walang nag-tangkang gumalaw. Humarap ako kay Adrian and I can't see fear in his eyes.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now