Trente-Cinq : Revenir

6 0 0
                                    

Adrian's Point of View

It's been a 3 months. Ilang pagbilog na ng buwan ang nasisilayan ko, ngunit hindi ko pa rin nakikita ang nais ko. Tomorrow is my coronation day and the other night for a full moon, hindi sa nawawalan na ako nang pag-asa at tiwala, tanging gusto ko lang naman ay makita siya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, Adrian." Napa-tingin ako kay Kuya Darius, sa pagdaan ng mga buwan ay siya ang lagi kong kasama. Nasanay na rin akong tawagin siyang Kuya dahil mas matanda naman siya sa akin.

"Hindi ko pa rin kasi natatanggap ang mga nangyari, masyado pa ring masakit sa akin kahit ilang buwan na ang nakalipas." Sambit ko, andito kami ngayon sa hardin. Hindi masyadong tirik ang araw kaya naman ayos lang kahit andito kami sa damuhan.

"I know. Hindi naman dapat minamadali ang lahat, I am still longing for my daughter. Pinagsisisihan ko pa ring itinago ko sa kanya ang tunay kong katauhan." Tinignan ko siya at nakita ko ang isang mapaklang ngiti sa kanyang mga labi.

"Masaya naman na siguro sila 'di ba?" out of nowhere na tanong ko. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Definitely, lalo na ang Kuya mo at si Kenneth." Sumama ang tingin ko sa kanya, naintindihan ko kasi agad ang sinabi niya.

"Sana inaalagaan nila si Larriane, kasi kung hindi? Papatayin ko ulit sila oras na magkita kita kami." Ngumiti ako ng bahagya, mukhang sa pagkakataong ito ay sila ang nagwagi. Ngunit mas nanaisin ko pa ring andito sila, kahit pa sabihing karibal ko ang dalawang taong malapit sa puso ko.

"Kung nasaan ka man ngayon, Ken. Alam kong alam mo na napatawad na kita, ipagpaumanhin mo kung huli ko na nasabi ang lahat. Patawarin mo rin sana ako." Sambit ko habang naka-tingala sa bughaw na kalangitan.

"I'm pretty sure you are forgiven by him. Mauna na ako, kailangan ko na magbalik sa Tertara. Dadalo kami bukas sa koronasyon mo, maging si Leonardo ay pupunta rin." Sambit niya at tumayo na sa pagkaka-upo.

"Mag-iingat ka." Tumango siya at naglakad na paalis, kumaway pa siya ulit habang papalayo na ikinangiti ko. Lagi niya kasing ginagawa ang bagay na 'yon.

Tumayo na ako at pumasok na sa loob ng palasyo, kailangan ko pa ihanda ang susuotin ko para bukas ng gabi. Dumiretso ako sa aking silid at natigilan nang makita kong naka-ayos na ang susuotin ko, ngunit hindi ito ang damit na inaasahan ko.

Ang damit na nasa harap ko ngayon ay iba ang kulay sa nais kong suotin, kulay puti at ginto ang damit na nasa harapan ko.

"Siguro si Mommy ang nagdala nito." Bulong ko at hindi na pinansin pa. Nahiga ako sa kama at tumingin sa kisame.

Kung alam ko lang na mauuwi rin ako sa pagtanggap ng tronong kinaayawan ko ay sana matagal ko nang tinanggap pa ang alok ni Ama. Hindi siguro kami aabot sa ganitong point kung dati pa lang ay sinunod ko na siya.

"Siguro kung hindi kami nagkakilala ni Larriane ay maayos ang lahat, but destiny is too cruel. They let us meet but they don't give us the chance to be together." A tear fell from my eyes.

Akala ko ay ayos na ako, nakaka-ngiti, nakaka-tawa at nagagawa ko naman ang mga dapat na gawin ko ngunit 'pag ako na lang mag-isa hindi ko na kaya maging masaya. Hindi ko na kayang ngumiti at tumawa.

"I'm tired of pretending." Unti unting lumakas ang pag-iyak ko. Lagi akong ganito, kaya kong ngumiti sa harap ng mga tao ngunit kapag ako na lang hindi ko na napipigilan ang lungkot at luhang itinatago ko.

"I really miss them." Bulong ko. Hinayaan kong kainin ako nang kaantukan at hinayaang makapagpahinga ang sarili ko.

__**__

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon