Treize : Alethea

10 0 0
                                    

Jairro's Point of View

Papasok na ako sa room nang mapansin ko na nagkakagulo ang mga studyante sa kabilang room. Ano na naman kaya ang nangyari sa mga 'to. Imbis na tumuloy sa room ay pumunta ako sa room kung saan ko naririnig ang ingay.

"Ano bang gusto mo sa boyfriend ko? Kanina ko pa napapansin na dikit ka ng dikit sa kanya." Nakita ko mula sa bintana ang away sa loob ng room, nahagip ng mata ko si Haily sa loob ng room.

"Stop it, Maez." Sambit ni Faxon, "Wala akong gusto sa boyfriend mo, Ms. Who You Are. I just need to talk to him for some business at hindi ka kasali doon. Enzo Faxon ba ang pangalan mo?" umirap si Haily sa babaeng kaaway niya. So siya pala ung dahilan kung bakit nagkakagulo.

"Ano bang kailangan niyong pag-usapan, Enzo?" bumaling kay Faxon ang tingin nung babae at agad na yumuko si Faxon. Anong meron sa kanila? Tama ba ang iniisip ko?

Naglakad ako papasok at hindi ko pinansin ang mga tingin ng studyante sa 2A. Wala akong panahon para pansinin pa sila. Hindi naman sila ang ipinunta ko sa room kung hindi si Haily. Wala akong nararamdaman sa kanya kung hindi ang galit, kung tama man ang nasa isip ko. Ako mismo ang magpapatigil sa kasal na pinaplano niya.

"Come with me." Walang emosyong sambit ko at hinila si Haily palabas sa room, naka-salubong pa namin ang prof ng 2A nang palabas na kami.

Hinila ko siya papunta sa garden at doon ko lang binitawan ang kamay niya. Tinitigan ko siya ng may galit sa mga mata. Ayokong mapunta sa manloloko ang kapatid ko, kaya sana hindi tama ang nasa isip ko.

"Anong mayroon sa inyo ni Faxon?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na tinanong sa kanya ang dahilan ng paghila ko sa kanya papunta rito. Natawa naman siya sa tanong ko, I really hate it when she's doing that.

"Wala ka nang paki-alam doon, Jairro." Naka-ngising sambit niya naman, lalo akong nainis dahil sa sinabi niya.

"May paki ako, Sancia. Kapatid ko ang mapapangasawa mo, kaya sagutin mo ang tanong ko. May relasyon ba kayo ni Faxon?" nagngingit-ngit na ang mga pangil ko dahil sag alit. Nawala naman ang ngisi niya.

"Do you think I am that stupid? Bakit ko gugustuhin ang isang mortal? What the heck, Jairro? Alam kong ayaw mo sa akin para sa kapatid mo pero konting respeto naman. I am still the crown princess of Tertara." Natawa ako sa sinabi niya, crown princess is not suitable for her.

"Yes you are the crown princess but you're not the real one." Iniwan ko siya sa garden at dumiretso na sa room.

Nang maka-pasok ako ay nagsisimula na ang klase, isang masamang titig ang naramdaman ko at nakita ko sa bandang likod ang taong may gawa noon. Kenneth Bathory, the next king of Lusefell.

Ang masamang titig ay napalitan ng isang ngisi, hindi ko rin gusto ang ugali niya. Sa ilang araw ay ngayon ko lang siya ulit nakita, minsan lang siya pumasok dahil mas marami ang kalokohang ginagawa niya.

Naupo na ako sa tabi ni Adrian na naka-yuko sa table niya. Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na sa prof. Napa-tigil ang prof dahil sa nagbukas ng pinto, masyadong malakas 'yon na dahilan ng pagkagulat ng lahat.

I saw Haily trying to stop herself from showing her orange eyes. Natutuwa ako sa nakikita ko, dumako sa akin ang mga mata niya. I can see anger again in those eyes but I don't care about that, she can't go against me because I am Adrian's older brother.

"Ms. Lagarde, please go to your proper seat." Sambit ng prof, wala naman siyang nagawa at naglakad na papunta sa upuan niya. Binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti at ibinaling na sa prof ang atensyon ko.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon