Trente-Six : The Final War

5 0 0
                                    

Celeste's Point of View

"Hindi ka pupunta sa Asina, Celeste." Sambit ni Enzo, kasalukuyan akong naghahanda para sa pag-alis. Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa paghahanda.

"Hindi mo ba kami naririnig? Mamamatay ka sa gagawin mo!" sigaw ni Maezy, lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Agad siyang tumalsik nang subukan niyang pigilan ang ginagawa ko.

Pilit nila akong pinipigilan dahil alam nila ang kalagayan ko, alam nilang hindi ko na nakokontrol ang kapangyarihan ko. Alam kong ayaw lang nila ako mapahamak pero kailangan ako ng mga mahahalag sa akin.

"Hindi ko kayo nais na saktan, kaya hayaan niyo ako sa nais kong gawin. Marami na kayong naitulong sa akin, maaari na kayong umalis at magpakalayo-layo." Nakita kong lumapit si Enzo sa kinaroroonan ni Maezy.

Nang matapos ako sa aking ginagawa ay naglakad na ako palabas. "Mahalaga na kayo sa akin, kaya sana ay hindi na muling magtagpo pa ang landas natin."

Tumulo ang luha sa aking mga mata, sa nagdaang mga buwan ay maraming nagbago. Tuluyan ko ng hindi nakokontrol ang kapangyarihan ko. Ano mang oras ay lalamunin na ako nito, ginawa ko ang lahat para lang makontrol ngunit hindi ko na talaga kaya pa.

Nais kong ipagtanggol ang mahahalaga sa akin bago mangyari 'yon. Hindi ko hahayaang may mawala na naman sa kanila. Agad akong dumiretso sa Asina, ginamit ko ang buong lakas at bilis ko para makarating doon.

Sa labas pa lang ay puro dugo na ang nakikita ko, wala na akong naabutang mga katawan marahil naging abo na ang mga ito. Agad akong pumasok dahil masama na ang kutob ko. Nakita ko si Victoria, hawak si Adrian sa leeg.

"Ituloy mo, Victoria. At si Kamatayan ang makikita mo. Try to kill him and I will kill you." Napa-tingin siya sa direksyon ko.

I can't see Sancia in her eyes, all I can see is Victoria the one who will kill me. Kahit paano ay itinuring ko siyang kapatid, nakakalungkot lang na hinayaan niyang maging ganito siya. Isa sa amin ang kailangan mawala at kung sino 'yon? Walang nakaka-alam.

"Am I too late, my Love? Kill him and you'll face hell." Tinitigan ko si Adrian, kita ko sa mga mata niya ang gulat. Nginitian ko siya, totoo ang mga panaginip niya. Hindi lang 'yon basta panaginip lang.

"She's finally." Isang ngisi ang ibinigay ni Victoria sa akin, I know how powerful she is but I don't know what she's capable of.

Binitawan niya si Adrian at dahan dahan siyang lumapit sa akin. Aaminin ko, nanghihina ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa nangyayari ito.

"I know you will be here. I have something for you." Naupo siya sa harap ko at pumikit, hindi ko siya pinansin at lumapit ako sa kinaroroonan ni Adrian. I know what Victoria's doing.

"Umalis na kayo, pumunta kayo sa lugar na alam niyong lig..."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa hilong naramdaman ko, nagsisimula na at mukhang wala na talaga akong magagawa.

'Darating ang araw na hindi na ikaw ang gagamit sa sarili mong katawan, kung hindi ang natago mong kapangyarihan.'

Narinig ko ang mga katagang sinambit ni Alethea ilang buwan na ang nakakaraan, hindi ito maaaring mangyari ngayon. Kailangan kong labanan kung hindi mapapahamak ang mga taong mahahalaga sa akin.

"Ilang beses ko nang ipinaalala sayo, Celeste. Hindi ka nakinig, wala na akong magagawa pa sa mga mangyayari." Napa-tingin ako kay Emerald, maging ang aking Ina at Ama ay nasa harapan ko na rin.

"Umalis na kayo." Walang emosyong sambit ko, hindi ko na makilala ang sarili ko. Gusto kong sabihing mahal na mahal ko sila pero may pumipigil sa akin.

"Hindi kami aalis, Anak. Kasama mo kami sa laban na ito." Sambit ni Ama, nais ko silang yakapin ngunit hindi ko magawa.

The Immortal's Bewildered Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now