Prologue

15.7K 252 9
                                    

Vivian was supposed to wait for me. I gave her specific instructions to stay where I left her. Tapos nangako ako sa kanya na babalikan ko siya dahil saglit lang akong mawawala. Ngayon ako ang panic na panic sa paghahanap sa kanya. Even the buzz from all the alcohol I've consumed has dulled.

I tried calling her again. Still no answer. Shit.

May pumisil sa balikat ko. "Jake, calm down."

Tinanggal ko ang hawak ng babaeng kasama ko. Kinalimutan ko na ang manners ko the way I have forgotten her name. She's to blame as much as me. Kung hindi lang ako sumama sa kanya edi sana hindi kami nag-aalala ngayon kay Viv. But as much as I want to point fingers, alam kong ako lang ang mapagbibintangan dito. I should have stayed with her when she asked me to.

Nangyayari uli ang kinatatakutan ko at ako na naman ang may kasalanan. Dapat natuto na ako sa una kong pagkakamali pero itong insidente na ito, it's a reminder of the things that I am forgetting. I will never forgive myself kapag may nangyaring masama kay Viv. Ngayon pa nga lang, I'm starting to punish myself for losing her. 

Naikot ko na ang buong kanto pati na rin ang kanto sa tabi nito pero wala pa ring sign ni Vivian.

God, please just let her be safe.

Tumunog ang phone ko. Thinking it was Gage or Harvey na tinawagan ko para tulungan ako sa paghahanap kay Viv, sinagot ko ito kaagad.

"Jake, it's late. Bakit hindi pa kayo umuuwi ng kapatid mo?" May bahid na ng pag-aalala sa boses ni Dad. Kung malalaman niya lang ang nangyayari, baka magpatawag na siya ng search party. Nagdalawang-isip tuloy ako kung sasabihin ko ang totoo.

"S-sabi ni Viv dito muna raw siya sa condo ko matutulog. Masakit ang ulo," I lied. Hindi ito ang unang kasinungalingang ibinenta ko sa parents ko but it is the hardest lie I have ever told. Surely I can fix this. I can find my sister. Sa ngayon, hindi ko muna sila pag-aalalahanin.

"Ganoon ba? Kailangan ko bang papuntahin diyan si Yaya Carla? Should I get anything for her? A change of clothes, maybe?"

"No, Dad. I've got it." Lie number two.

May nagmu-murmur sa background at sinasagot siya ni Dad. And then he talked to me. "Pinapatanong ng Mom mo kung kumusta yung campus tour ni Vivian. Did she like the university? Kung hindi, dapat kumbinsihin mo siyang mag-aral diyan. It's our alma matter. Ilang generation na ng mga Lim ang nag-aral diyan kaya be sure that your sister won't stray."

Oh she has strayed alright. Habang tumatagal yung pag-uusap namin, mas napupunan ako ng guilt at mas nadadagdagan yung kasinungalingan na lumalabas sa bibig ko. "Sa tingin ko naman nagustuhan niya. Listen, Dad I'll call you back later. Tinatawag lang ako ni Gage and it looks important." Lie number three.

"Okay. Take care of your sister. I want her back home in one piece," ang sabi ni Dad before the line went dead.

Napalunok ako sa demand na iyon. Ang daming thoughts na pumasok sa isip ko ng kung anong pwedeng mangyari sa kapatid ko na magdulot sa kanya na hindi maging in one piece kapag natagpuan ko siya. Nakakatakot yung mga images na nakita ko so I pushed them aside. I should concentrate on looking for Vivian.

"Jake," tawag ng katabi ko. Oo nga pala, nandito pa siya. Why am I still keeping her?

Ipinarada ko ang sasakyan sa curb. "Go."

Humawak na siya sa knob pero nanatili pa rin siya sa loob. "May nakalimutan ka." May kinuha siya sa bag niya na papel at iniabot sa akin. "Give me a call after... this."

I scoffed as I watched her walk away from the car. Nagawa pa niyang ibigay sakin ang phone number niya sa ganitong sitwasyon? Anong klaseng mga tao ba ang ipinapaligid ko sa sarili ko? Bad influences, that's who.

Narinig ko na naman ang demand ng phone ko. This time, binasa ko muna yung caller ID bago sagutin. Seeing that it wasn't my mom who tends to double check when Dad calls, agad kong sinagot ito. "Harvey."

"Pare, nakita na namin si Vivian."

❈    ❈    ❈

"What happened?" Likod pa lang niya ang nakikita ko but I rushed towards her pagkababang pagkababa ko ng kotse.

Hinarangan kaagad ako ni Gage bago pa ako makalapit. "Kumalma ka muna, Jake. She's already shaken. Huwag mong dagdagan yung pressure na nararamdaman niya."

"Saan niyo siya nakita? Anong nangyari? Nasaktan ba siya?"

Lumingon si Gage para tumingin kay Vivian na nakaupo sa hood ng kotse niya, katabi si Harvey na kinakausap siya. "Ganyan na siya nang makita namin. Nakaupo sa may bus stop malapit sa Gate 11. Iyak nang iyak. Naholdap daw siya. Kinuha lahat ng gamit niya—wallet, phone, jewelry. Pati shoes, kinuha ng gago. Hindi naman siya makapalag kasi tinutukan ng kutsilyo."

I had to clench my fist to keep from making a scene. Huminga ako nang malalim para kumalma bago pumunta kay Viv pero hindi nito nabawasan yung tension ko. I want to track down this asshole para mapakilala ko siya sa kamao ko. Nobody scares my little sister.

Lumapit ako sa kanila ni Harvey. She looked up and it broke my heart nang makita ang luhaan niyang mga mata. Nagmamadali siyang tumayo at yinakap ako nang mahigpit. "Kuya!"

Ibinalik ko sa kanya yung higpit ng yakap na ibinigay niya sa akin. Nanginginig yung buong katawan niya, aftershocks of what happened. Inilayo ko muna siya saglit to inspect if she has any injuries. "Did he hurt you?"

Umiling siya. "Kuya, I'm scared," she sobbed.

"Shhh. It's alright. Wala nang makakalapit sa'yo. I promise."

It was a promise made out of guilt. Kung tinupad ko lang yung una kong pangako sa kanya na babalikan ko kaagad siya, hindi sana ito mangyayari. Alam kong it's a promise that will be hard to keep. But it's a promise that I will take to the grave. Lahat ng gustong makalapit sa kapatid ko, they will have to go through me first. 

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon