Thirty-five

2.3K 78 18
                                    




AJ

Ipinangako ko sa sarili kong hindi ko na iiyakan si Jake Lim. Pero heto ako ngayon, 'di kayang tuparin ang pangakong iyon. Mas malala, umiiyak ako sa harapan niya.

Hindi ko namalayan na itinabi na niya ang Audi at tinanggal niya ang seatbelt niya para lumapit sa akin. Yung mabangong amoy niya na kanina pa kumikiliti sa ilong ko ngayon ay binihag ang pang-amoy ko.

"What's wrong?" ang nag-aalala niyang tanong.

Wala akong maisagot sa kanya kahit na maraming mali. Mali na binigyan ko siya ng pagkakataong humingi ng oras ko sa araw-araw. Mali na hinayaan ko siyang sumama sa akin sa doktor para bisitahin yung kondisyon ni baby nang kaming dalawa lang. Mas lalong mali na kahit gaano niya ako nasaktan, siya pa rin ang gusto ng puso ko.

Habang tinititigan ko siyang nag-aalala sa akin, 'di ko mapigilang makita 'yung mga bagay na naging dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya. Ang pagiging maaalalahanin niya. Yung kakayanan niyang sabihin sa'yo yung mga salitang mahirap marinig. Kahit kailan hindi niya ipinaramdam sa akin na mahina ang utak ko dahil minsan pinapaulit ko sa kanya yung mga Ingles niyang sinasabi, maging yung pagpapakwento ko sa kanya nung mga pelikulang hindi ko maintindihan ang usapan. Ang paraan kung paano niya ako yakapin at halikan na para bang napakaimportante kong tao.

Pero alin sa mga iyon ang totoo at alin ang gawa-gawa lang para lang makapaghiganti sa kapatid ko?

Sinuyod ni Jake ang kamay niya sa buhok ko at nanatili iyon sa may batok ko. Saka niya hinaplos ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya, pinupunasan ang luhang dumadaloy doon. Nakakunot ang noo niya na tila ba nahihirapan siyang nakikita akong nagkakaganito.

"Talk to me, AJ."

Umiling ako. Ilang beses ko nang sinabi at ipinaramdam sa kanya na ayaw ko nang muling lumapit ang loob ko sa kanya. Napaso na ako ng apoy niya. Naramdaman ko na yung hapdi at naitanim ko na sa kukote ko na 'di ko na uulitin ang pagkakamaling iyon.

Dala na siguro ng magulo kong emosyon gawa ng pagbubuntis kaya nagpakatanga ako at nagtangkang makipaglarong muli sa apoy.

"Lumaki akong hindi kilala ang Inay. Hindi ko naramdaman kung paano ang alagaan at mahalin niya. Hindi ako marunong maging totoong babae, paano pa kaya ang maging ina?"

Napapikit siya. "AJ..."

"Natatakot ako, Jake. Paano kung hindi siya maging malusog? Paano kung hindi kumpleto yung mga daliri niya? Paano kung katulad ko hindi siya matutong magbasa at sumulat?" Napahawak ako sa bibig ko nang bitiwan ang huling salita.

"What?"

Wala naming saysay na maglihim. Kung may posibilidad na makuha iyon ng baby, dapat alam niya rin. "Dyslexic ako, Jake."

Pinanood ko siya habang pinoproseso ang sinabi ko. Nang makaraos sa gulat, ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. "That doesn't change a thing, AJ. That child you're carrying, lalaki siyang puno ng pagmamahal at hindi siya magkukulang sa kahit ano. Kilala kita and I know kung gaano ka ka-loyal at protective sa mga taong mahal mo. And because of that I know you'll be an amazing mother."

Kahit na medyo may pag-aalinlangan pa rin ako sa kakayanan kong maging nanay, hinayaan kong mapagaan ng mga salita niya ang loob ko.

Pinagpatuloy ni Jake ang paghahaplos ng buhok ko. Nang tingnan ko siya, napatigil ako dahil sa tindi ng titig niya sa akin at ang sinasabi noon.

Bago ko pa man maihanda ang sarili ko sa darating, lumapat na ang mga labi niya sa labi ko. Sinasabi ng utak ko na isa itong malaking pagkakamali pero nanaig ang puso kong bumubulong na na-miss ko ito. Na na-miss ko siya.

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now