Twenty-six

2.2K 71 16
                                    

AJ

Akala ko matapos ang nangyari sa amin ni Jake ay walang magbabago. Pero napagtanto kong kahit na ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin ay marami nang nagbago dahil ako mismo yung nakaramdam ng pagbabagong 'yon.

Mas ramdam ko yung tindi ng pagmamahal ko sa kanya. Bawat halik, bawat haplos, bawat salitang lumalabas sa mga labi niya, lagi ko kinukwestiyon kung anong kahulugan.

Pagkatapos noog gabing pinagsamahan namin ni Jake, umalis ako sa kama, yung imahe ng mga pangyayari ay hindi maalis sa isip ko. Kahit gusto ko pang manatili sa tabi niya at pagmasdan ang payapa niyang pagtulog, pinilit kong bumangon at mapag-isa.

Wala naman akong partikular na iniisip noong tumambay ako sa may terrace, bitbit ang isang tasang kape at nagbabakasakali na gisingin ako ng inuming iyon sa katotohanan. Ewan ko ba kung bakit parang ang tamlay ng gising ko noon. Sadyang malungkot lang siguro yung puso ko. Marahil ay may ipinaparating na siya sa akin sa kalungkutan niyang iyon. Pero habang pinagmamasdan ko ang pagsikat ng araw at habang nakakapag-isip-isip ako, napunan ako ng pag-asa. Dahil hindi naman aakto ng ganoon si Jake kung wala siyang nararamdaman para sa akin 'di ba? Pagkakatiwalaan ko na lang na kilala ko siya para masabing hindi ako nag-iisa sa nararamdaman kong ito.

Puno ng pag-asa, nagsimula na akong maghanda ng almusal. Naging routine ko na rin 'to simula nang maging bisita ako ni Jake.

Nagpiprito ako ng itlog nang maramdaman ko ang bisig niyang pumulupot sa bewang ko. Inamoy niya ang buhok ko at nagwika, "I woke up and you're not in bed. Next time, sleep in with me. Sabay tayong bumangon."

Next time. Iyon ang tumatak sa isip ko.

Umikot ako para magtama ang tingin namin, sinusukat kung mayroong nagbago sa pagitan naming dalawa. Nakangiti ang singkit niyang mga mata sa akin at dahil doon, parang yung bigat na dala-dala ko sa dibdib ko ay unti-unting nawala. Sinauli ko ang ngiti niya. "Okay."

At nagkaroon nga ng next time. At bawat next time na iyon ay gumigising ako sa yakap ni Jake. Masasabi kong sobrang saya ko nitong mga nakaraang araw kasi pakiramdam ko nasusuklian ang nararamdaman ko. Dahil espesyal yung kung ano mang relasyong meron kami. Gusto naming makapiling ang isa't isa sa puntong hindi na kami mapaghiwalay maliban na lang kung pumapasok si Jake sa trabaho. Pero tinatawagan niya ako sa telepono ng bahay niya para mangamusta at sabihing hintayin ko siya pauwi.

Sa mga panahon namang wala siya, pinunan ko ang oras ko sa pagnonood ng mga pelikula na nirekomenda niya. Binigyan niya rin ako ng pahintulot na pagmasdan yung mga miniatures at blueprints na nasa office niya. Nabigyan ako ng access para mas makilala pa si Jake na propesyunal, bukod pa sa Jake na ipinapakita niya sa akin.

Isang beses nga ay nagawa ko siyang bisitahin sa opisina niya, sa udyok na rin ni Vivian na sinamahan ako papunta. Nang makarating kami sa opisina, pinahintay ako ni Viv sa kwarto ni Jake habang siya naman ay nagpunta sa kwarto ng tatay nila. Mas malaki yung office niya rito kesa sa bahay at mayroon tatlong dingding na bato habang yung isa naman ay salamin mula kisame hanggang sahig. Kitang kita mo ang siyudad sa view.

Doon ako nakatingin nang pumasok siya sa kwarto. "What are you doing here?"

Dahil nakaupo ako sa malaki niyang upuan, katulad ng sa mga pelikulang pinapanood niya sa akin, dahan-dahan akong umikot at nakapostura na nakapatong ang baba sa magkadaupang palad ko. "Sit down."

Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng labi niya na pinigilan niya naman. Lumapit siya sa lamesa niya at 'di ko napigilang pagmasdan siya. Napakapormal niya sa suot niyang Amerikano. Napapaligiran din ako ng amoy niya. 'Di ako makapaniwalang maaadik ako sa amoy pero inaamin kong nababaliw ako sa naturang amoy niya na parang bagong ligo lagi. At yung buhok niya ay maayos na maayos yung pagkaka-style. Naiisip ko tuloy kung anong magiging itsura no'n kapag idinaan ko ang kamay ko sa makapal niya buhok...

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now