Five

3.9K 125 12
                                    

AJ

Saglit na dumampi ang labi ni Jake sa labi ko bago ko siya nasikmuraan.

Bakas sa mukha niya ang gulat at sakit ng pagtama ng kamao ko. "Why did you do that?"

"Eh ikaw? Bakit mo ginawa 'yon?"

"Sabi ko sayo, 'di ba? I'm showing you my gratitude."

"Itago mo na lang yang gratitude mo, hindi ko kailangan niyan dahil ginagawa ko lang ang trabaho ko." Naiinis ako dahil nagawa niyang samantalahin yung pagkasabik ko para gawin ang ginawa niya. Makakaiwas pa ako pero parang biglang bumagal ang pagtakbo ng isip ko nang makitang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Natauhan lang ako nang lumapat ang labi niya at nakaramdam ako na parang kinuryente ako.

Ano 'yon?

Idinaan niya ang kamay niya sa medyo basa niyang buhok at huminga nang malalim. "Okay. Sorry. What I did was a little bit rash. I was just... excited," napangiwi siya bago nagpatuloy, "because I'm going to learn a lot with you working here."

Sumasakit yung ulo ko sa dami ng English na lumalabas sa bibig niya. Hanggang "sorry" lang yung naintindihan ko. "Sandali lang, pupuntahan ko lang si Rica. Baka hindi niya kasi mahanap yung pinapakuha ko." Mukhang may silbi rin pala yung palusot ni Rica kanina.

Medyo nakalayo na ako pero narinig ko pa ang muling paghinga niya nang malalim kasunod ng isang madamdaming, "Shit."

Paglabas, nakita ko si Rica na nakaupo sa harapan ng Owner at nagte-text.

Lumingon siya nang makalapit ako. "Ba't ka namumula?"

Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. "Mainit kasi sa loob."

Tiningnan niya ako na tila hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero buti na lang at pinalampas niya na lang ang nangyari.

❈    ❈    ❈

"Flat 'yung baterya ayon sa battery checker. Hindi naman kailangang bumili ng bago pero kailangan mo pa ring hanapin kung ano sa mga circuit ang nag-short at nagde-drain sa battery," paliwanag ko habang inaabot sa kanya ang fuse na nagsanhi ng shortage.

Hindi na inulit ni Tsekwa ang kalokohan niya pagbalik ko. Bumalik muna kasi kami ni Rica sa talyer para kuhanin ang ilan pang gamit na kailangan ko para sa kotse. Hindi na ako sinamahan ni Rica pabalik dahil pupunta na raw siya sa parlor at may kukulayan pa siyang buhok ng customer niya.

Ngayon naman heto kami at nagtuturuan pa rin. Medyo bumagal tuloy ako sa paggawa kasi ang daming tanong ng kasama ko. Dahil tuwang-tuwa naman ako't may nagkaroon ng interes sa gawain ko, ang hahaba tuloy ng eksplanasyon na sinasabi ko.

"Madilim na pala," puna ni Jake. "I did not realize I was taking too much of your time."

"Tsekwa." Mukhang hindi naman siya na-offend sa pagtawag ko sa kanya. "Pwedeng humingi ng pabor?"

"What?"

"Pwede mo bang bawasan yung pag-English kapag kinakausap ako?"

Kumunot yung noo niya. Halos magtago na tuloy yung mata niya. "Bakit?"

"Minsan kasi hindi kita naiintindihan," pag-aamin ko.

"Sorry." Nanlaki yung mata niya marahil ay dahil sa sinabi niya. "Pasensya."

Tumawa ako. "Minsan lang. Lalo na kapag dire-diretso. Nahihirapan akong mag-translate."

Kita ko sa hitsura niya na gusto niyang magtanong. Imbis ay tinulungan niya na lang akong magligpit ng mga gamit ko. Mukhang magalang pa pala siya kahit papano.

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now