Twenty-five

2.2K 68 8
                                    

AJ

Kakaiba yung pakiramdam ko buong biyahe namin pauwi.

Alam kong pareho kami ni Jake na nagulat sa pag-amin ko sa nararamdaman ko. 'Di naman sa nagsisisi ako sa mga salitang binitiwan ko. Kundi dahil sa naging reaksyon ni Jake nang sabihin ko ito.

Pagpapatibay lang ito ng binitiwan kong salita dati na parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Sinabi ko rin kasi gusto kong malaman kung simula nung sinabi ko sa kanya na parang mahal ko na siya ay magbago yung reaksyon niya. Hindi ko naman siguro nai-imagine lang ang mga nakaraang araw , 'di ba?

Paulit-ulit sa isip ko kung paano bumakas ang gulat sa gwapo niyang mukha. Nang mapagtanto niya ang kahulugan ng sinabi ko, iniwas niya ang tingin niya sa akin. 'Di ko na naobserbahan pa ang mga susunod na emosyon sa mukha niya dahil tyumempo naman yung dating ng pagkain namin. Dahil doon ay nabigyan si Jake ng oras para ibalik ang mga swabe niyang ngiti at malalambing na haplos.

Pero naramdaman ko pa rin yung pagkakaiba ng mga ngiti't haplos na iyon kumpara sa mga ngiti at haplos na binibigay niya sa akin noon. Nararamdaman ko 'yung distansya niya na kita ko sa tuwing nililihis niya ang mata niya sa tuwing tititigan ko siya.

Gusto ko siyang kumprontahin kung may nasabi ba akong mali. Pero sa tuwing bibigkasin ko ang mga salita, nauutal ako.

Kinakabahan.

Dahil ayaw kong marinig kung ano mang pagdadahilan yung sasabihin niya.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ako pamilyar sa pakiramdam ng pag-ibig pero kung hindi ito pag-ibig, eh ano? Kapag hindi ko siya kasama, iniisip ko siya. Kanina sa auction, habang nililibot ako ng nanay niya at may nakikita akong nakakuha ng interes ko, gusto ko agad ibahagi sa kanya yung iniisip ko. Sa tuwing nasa paningin ko siya, sa kanya lagi bumabalik-balik yung atensyon ko.

Mas lalo akong namangha sa kanya ngayon gabi. Nakita ko kung paano niya dinala at pinrisinta ang sarili niya sa harap ng mga kaibigan at kasosyo nila sa negosyo. Nakita ko kung paano siya sinundan ng mga tingin ng mga kababaihan na dumalo sa event nila.

Tinuro rin sa akin ni Viv yung babaeng nakatakdang ipakasal kay Jake kung sakaling hindi siya makahanap ng magiging asawa kapag nasa trenta anyos na siya. Si Cherry. Noon lang ako nakaramdam ng sobrang selos. Dahil sino ba naman ang hindi pakakasal sa babaeng katulad niya? Maganda, elegante at mukhang may mataas na pinag-aralan. Ipinanganak na katulad niya sa isang marangyang pamumuhay at kayang dalahin ang sarili niya sa kahit anong okasyon. Na-imagine ko nga ang magiging itsura nilang dalawa kung sakaling magkatuluyan sila.

Kahit pinigilan ko, yung isip ko naman ang nagpantasya kung ano ang magiging itsura kung kami ang magkakatuluyan.

Nahirapan akong ipinta ang imahe sa utak ko.

Masyado akong nalulunod sa lalim ng pag-iisip ko kaya napapitlag ako nang binuksan ni Jake ang pintuan ko. "Come inside."

Tumango lang ako saka kinuha ang hinubad kong sapatos sa ilalim ng dashboard saka siya sinundan paakyat sa condo niya. Tahimik lang kami sa loob ng elevator at ramdam na ramdam mo yung tensyong naikulong sa loob ng maliit na espasyo na iyon. Lahat nanggagaling kay Jake.

Sa puntong iyon, naaasar na ako. Hindi naman niya ako dapat tratuhin na para bang kaaway dahil lang nagpakita ako sa kanya ng damdamin ko. Tatanggapin ko naman kung ayaw niya talagang marinig ang salitang iyon. Hindi rin naman ito yung unang beses na maisasantabi ng iba yung nararamdaman ko kaya alam kong kaya kong harapin 'to.

Tumigil yung elevator sa palapag kung nasaan ang condo niya. Nauna siya sa akin pumasok sa loob habang ako naman ay napupuno na ng galit at nagiging agresibo na ang lakad.

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now