One

8.1K 178 24
                                    

Jake

I shouldn't be here.

This was the life I used to live but now I can't help but be disgusted with the loud music and thick smoke clouding the air. Kung sasabihan ako dati na ganito ang magiging reaksyon ko sa lugar na 'to, tatawa lang ako sa mukha ng magsasabi noon. Ngayon ay gusto ko lang umuwi at i-handle yung problem ni Viv. Kaso standing na ang meeting na ito kaya hindi ako pwedeng mang-Indian. Isa pa, ang mga kaibigan ko lang ang malalapitan ko para sa suliraning ito.

I scanned the area, looking for my buddies. Nagpa-late na nga ako, ako pa rin ang nauna. Wala talagang pinagbago.

Dumiretso ako sa bar at umorder ng Scotch. Masamantala na lang ang services habang nandito ako. With the day I had, I definitely need it.

"How do you take it?" tanong ng bartender.

"Neat." I settled on their stool, removing my tie at ibinulsa ito. Magdadalawang taon na ako sa office pero hanggang ngayon hindi ko pa rin masikmura ang magsuot ng tie. I always feel strangled.

Hindi pa umiinit ang puwitan ko sa upuan, may lumapit na kaagad sa akin. "Care to buy me a drink?"

She leaned on the bar para ibalandra ang assets niya sa mukha ko. Too bad sa business assets ko na lang ididirekta ang atensyon ko or I'd definitely go for her. Syempre uumpisahan ko sa pag-enumerate ng terms: no-strings-attached at good time lang ang lahat. It's just a hook-up and after it's done, uwian na. Mas madali kapag ganoon. Clean break. Kaya lang hindi na ako ganoon mag-operate ngayon.  "Sorry. Not interested."

Sa response ko ay tumayo siya nang maayos at yung matamis na ngiti sa labi niya ay napalitan ng isang napakalalim na scowl. "Jerk."

Ibinaba ng bartender ang drink sa bar. Inangat ko iyon as if giving a toast sa babaeng ayaw pang umalis sa tabi ko. "Thanks. I'll take that as a compliment."

Nabura lahat ng poise sa mukha niya. Halos nag-iba ang itsura niya kapag hindi siya nakangiti. Buti na lang at nakuha niya ang cue at umalis na siya, leaving me to my thoughts.

Sumama si Viv kina Gage para naman daw makalabas siya ng Manila dahil nagsisimula pa lang ang bakasyon niya at nang bumalik, napansin kong wala siya sa sarili. Yung lively niyang personality ay medyo nag-lie low. It's like there's a black cloud hanging above her head. Sinubukan kong pagsalitain siya tungkol dito but she wouldn't budge. Tinanong ko si Gage, si Harvey, at ang best friend niyang si Hilary kung ano ang nangyari pero maski sila walang maipaliwanag sakin.

Pinagkatiwalaan ko na lang yung ugali ni Vivian na hindi magawang maglihim sa akin. Good thing I waited dahil bago ako pumunta rito, she confessed. What she told me made me see red. Tama na rin iyon para tumatak sa isip ko ang pangalang Ezekiel Guevarra. Something must be done about this.

Itinapat ko ang baso sa bibig ko, ready to take a sip, nang may pumalo sa likod ko. The impact made me spill my drink at buti na lang hindi nadamay yung suot ko. "Shit, Pare. Don't do that again."

Natatawa-tawang umupo si Harvey sa tabi ko. "Inuunahan mo kami sa inuman. Maaga pa, ibaba mo muna 'yan."

"Ano pang ibababa ko, natapon na lahat? Si Gage?"

Tumuro siya malapit sa entrance kaya inikot ko yung stool para makita. Just as expected, may kausap nang babae si Gage.

Kinuha na ni Harvey yung atensyon niya and waved him over. Pinanood ko siyang hinaplos ang braso ng babae bago niya halikan ang kamay nito. May sinabi siya rito tapos sinundan niya ng isang mapang-akit na ngiti na sinuklian naman ng babae. Napailing na lang ako sa moves ni Gage. Smooth, but at the same time, palaos na. At least para sa akin, it is.

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now