Six

3.6K 121 15
                                    

Jake

I just had the pleasure of seeing her blush.

Granted, the blush was caused by AJ being chocked by the food, it was a blush just the same. Hindi ko nga mapapansing nabubulunan na siya kung hindi pa niya hahampasin yung dibdib niya.

Napatayo naman ako kaagad, ready to perform the Heimlich kung kailangan. Pero pinigilan niya ang paglapit ko nang itaas niya ang kamay niya, telling me to stay where I was. Hindi ko siya sinunod, umupo ako sa tabi niya at kinuha ang baso niya.

Pagkatapos niyang uminom ng tubig, tumawa lang siya. "Pasensya na. Nabigla lang ako sa paglunok."

"That's okay." I was watching her for any sign na sasamirin pa siya pero mukhang ayos na siya.

I really don't get this girl. Sobrang forward ko na nga sa gusto kong mangyari pero patuloy niya pa ring nire-resist ang advances ko sa kanya. Maybe she doesn't like men. Maybe she swings the other way.

No. Sigurado akong babae si AJ. Iba lang siya sa ng babaeng nakasanayan ko.

"Sigurado ka bang okay ka na?" I added a touch of gentleness sa boses ko. Sa lapit ko sa kanya ngayon, I can take the opportunity to do my thing. A little flirting can do no harm. But then again, I want it to. Kaya nga sinadya kong sumulyap sa lips niya long enough for her to feel uncomfortable.

Uminom uli siya and I watched her throat work on swallowing. "Okay na. Kumain ka na lang uli."

Para makuha ang desired effect, tinuro ko ang ibaba ng labi niya. "May something..."

Napayuko tuloy siya, as if naman makikita niya yung inexistent na dumi doon.

"Akin na," I reached out and held her chin before swiping my thumb sa baba ng lips niya.

I know I have a satisfied smirk on my lips. That was wiped out when she held my wrist and placed my hands firmly on the table. Tiningnan niya yung hinlalaki ko na wala naman talagang nakuhang dumi. Busted.

She glared at me. "Kung ganito ang mga galawan mo, hindi uubra sa akin 'yan. Nasaksihan ko na ng ilang beses technique mo kaya alam na alam ko ang moves kapag nakita ko na. Ngayon kung hindi ka kakain, iuuwi ko talaga lahat ng 'to."

She definitely left me speechless. Hindi ako maka-recover sa reaction niya. Why can't she just be any other girl out there?

Bumalik ako sa upuan ko at pinanood ko na lang siyang kumain, stewing. Mabilis maubos ang laman ng plato niya at nasa pangalawang batch na siya ng pagkain. Napatingin naman ako sa plato ko na half pa lang ang nauubos. Buti na lang pala, nagpaluto ako ng marami, kundi magugutom kaming pareho.

I wonder where she stores all that food. Hindi ko alam ang hubog ng katawang pilit niyang itinatago sa mga ridiculous outfit niya pero I could say that AJ is fit. And I proved that her body is not the product of dieting. Maraming babae ang maiinggit dito dahil kaya niyang kumain ng gusto niya without having to worry about her weight.

I need to get back on track. "Ba't ka nahilig sa repairs?" I asked. Para na rin hindi ko titigan ang chest niya. Kailangan ko ng distraction.

Lumunok siya at uminom ng juice. "Lumaki na ako sa talyer. Wala rin naman akong maisip na ibang mapupuntahan sa buhay kaya, nag-aayos at nagre-restore na lang ako. Isa pa, kauna-unahang true love ko ang ginagawa ko. Hindi ko maisip na gumawa ng iba pa. Ikaw, Tsekwa. Anong pinagkakaabalahan mo kapag hindi ka nanla-like?"

Pinigilan ko ang pag-grin sa tanong niya. "Double degree holder ako. Architecture and Business Ad." Naghihimay siya ng fish kaya wala sa akin ang atensyon niya. So I took the opportunity to observe her without having to worry of creeping her out. Pero siyempre, I tried really hard na hindi mag-focus sa isang parte ng katawan niya lang.

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now