Sixteen

2.8K 88 8
                                    

Jake

I slowly opened my eyes only to immediately shut it. Sa huling pagkakaalam ko makapal ang kurtina ng kwarto, bakit nasa mukha ko lahat ng liwanag?

I tried rolling over the bed pero hindi ko magawa. Ang bigat ng katawan ko.

I groaned. I feel like I've been hit by a truck and my head's about to explode.

That was the moment something literally hit me. Sa may tagiliran. Kahit na mahirap imulat yung mata ko, I still tried para malaman whoever dared hit me. Only to come face to face with Gage na bukang buka ang bibig at naghihilik. Napahinga ako nang malalim kasabay ng pag-exhale niya. Amoy morning breath mixed with the smell of lambanog. Not a good way to start the morning.

Ang bagal ng reflexes ko kaya hindi agad ako nakaiwas sa second exhale niya. This time, naramdaman ko yung effect ng hininga ni Gage hanggang sikmura ko. Dali-dali akong tumayo at kahit unsteady, tumakbo ako palabas ng kwarto in search for a bathroom.

Hindi ko na napansin yung space na dinaanan ko but I did note that AJ and Harvey were at the kitchen. Napatigil sila sa pag-uusap at napatitig sa akin. As if sensing what I needed, may tinurong pinto si AJ and I went in, straight towards the toilet.

Lahat ng contents ng tiyan ko ay nailabas ko and still I stayed there. Pakiramdam ko meron pa akong ilalabas but I was pretty sure wala na. At base sa dry heaves ko, alam kong sakit na lang sa lalamunan ang natitirang effects.

I swear I'll never drink too much ever again.

Napa-chuckle ako. Ilang beses ko nang ipinangako ito noong college days ko? Akala ko nalampasan ko na ang phase na ito. Hindi pa pala.

"Ayos ka lang?"

I did not look up but I can hear the concern in her voice. Pero syempre sa state ko, I don't want her to see me like this. "Go away."

I swear I felt her roll her eyes at me. "Inumin mo 'to."

Itinapat niya ang isang basong tubig at medicine sa mukha ko. I flushed, closed the toilet seat, and sat on it. Saka ko tahimik na kinuha ang ino-offer niya. Kahit na ang sakit sa ulo ng movement, I looked up at her. And when our eyes met, she blushed.

"Ipinaglaga kita ng kape. Dumiretso ka na lang sa kusina 'pag tapos mo diyan." Nagmamadali akong iniwan ni AJ sa banyo, still processing our exchange.

Mabagal lang ba talaga yung pagproseso ng utak ko or did AJ actually blush?

I decided to set it aside muna. Inintindi ko muna yung sakit ng ulo ko. I took the medicine AJ gave me then washed my face. Nakatulong kahit konti yung malamig na tubig para bumalik ako sa sarili. But only barely. Nag-explore rin ako ng cabinets at naghanap ng mouthwash. Wala sila noon maging spare toothbrush kaya I made do with the toothpaste. Naglagay ako ng toothpaste sa daliri ko saka ko in-apply sa ngipin at nagmumog.

After the routine, I felt almost human.

Almost.

Tumigil muna ako sa may tapat ng pintuan ng banyo bago magpatuloy sa kitchen. Pinagmasdan ko ang surroundings ko-ang bahay nina AJ. Nasa tabi lang ito ng talyer nila but it's the first time I have entered their house. Bungalow type with modest furnishings. Ang tanging flashy lang sa bahay na 'to ay yung flat screen nila.

Napagala yung mata ko sa pintuang nilabasan ko kanina. Hindi ko iyon na-peruse but was that AJ's room? Ano'ng itsura nito? Kung may part man ng bahay na maa-associate ko talaga kay AJ, iyon ang kwarto niya.

Hindi ko namalayan, kusa na palang pinuntahan iyon ng mga paa ko.

Just as I was about to open the door, tinawag niya ako. "Matutulog ka na uli? Mamaya na lang, mananghalian ka muna."

The Perfect RevengeOn viuen les histories. Descobreix ara