Twenty

2.9K 76 14
                                    

AJ

Ako talaga yung tipo ng tao na nagsisisi sa desisyon pagkatapos ko itong ipaalam sa ibang tao. Inaamin ko, hindi ako nagdalawang-isip sa aya ni Jake pero ngayon parang gusto ko nang bawiin.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Alam ko kasing nabibilang na lang ang oras ko kasama si Jake at inaamin kong ayaw ko pang matapos ito. Mahirap ipaliwanag pero nang tinigilan kong labanan kung anong nararamdaman ko para sa kanya, mas lalo kong naibukas ang sarili ko sa posibilidad na masaktan ako. Yung bagay na ayaw kong mangyari sa akin, yung bagay na dahilan kung bakit ganoon ang Itay, ay siya ring bagay na walang pagdadalawang-isip na iniaalay ko kay Jake.

At sobrang natatakot ako roon.

Pero kahit anong pagbabala sa akin ng utak ko, sadyang hindi lang talaga nakikinig ang puso ko.

Sadyang mausisa lang talaga siguro akong tao kasi sa mga panahong may hindi ako maintindihan at gusto ko ng kasagutan, gagawin ko ang lahat para malaman ito. Siguro dahil na rin sa dyslexia ko, ang tanging paraan lang para matuto ako ay ang maranasan ang mga bagay-bagay kaya buong-buo kong hinaharap ang mga katanungan ko.

Ang gusto ko lang naman malaman ngayon ay kung ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig. Kung ilalapit ko sa mga Kuya ko paniguradong pagtatawanan nila ako pero gusto ko ng sagot: Nahuhulog na ba talaga ako kay Jake o dahil sa iba lang siya sa lahat ng mga nakakasalimuha ko kaya manghang-mangha ako sa kanya?

"I still can't believe these are the only clothes you packed," kumento ni Jake pagdating niya sa tabi ko. Nakasukbit sa likod niya ang bag na pinipilit niyang agawin sa akin nang kunin ko ito sa trunk ng kotse niya.

"Dala ko naman na ang lahat ng kailangan ko."

"Babe, you're staying with me for a week. Parang hindi naman ata kasya sa isang linggo yung dala mo." Tila may sumagi sa isip niya dahil dahan-dahang umukit ang isang pilyong ngiti sa labi niya. "Unless you're planning on not wearing anything at all. Which is fine by me. Okay na okay lang talaga."

Nahulaan na ni Jake yung susunod kong gagawin kasi bago pa man kumunekta ang kamao ko sa sikmura niya, nakaiwas na siya at hinawakan ang nakayukom kong palad. "Gago ka talaga."

Tumawa siya at marahang ibinuka ang kamay ko para isingit ang mga daliri niya sa daliri ko. Iniangat niya ang magkayapos naming kamay at hinalikan ang likod ng palad ko. "I know. Pero 'di mo pa rin ako kayang i-resist. You adore me for my assholery."

May punto pa rin siya roon. Iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Nagagawa ko kasing maging ako nang walang panghusga mula sa kanya. Tinatrato niya ako nang kung paano niya tratuhin ang mga kaibigan niya, walang pagpapanggap para mahuli ang loob ko. At tinatrato niya ako na parang isang dyamante na kailangang alagaan at protektahan. Bago sa akin iyong huli kaya ganoon na lamang ang kagustuhan kong mahalungkat pa kung paano ibigay ni Jake ang atensyon niya sa isang taong espesyal para sa kanya.

At iyon ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Espesyal. Patunay na lang rin yung nananatiling pangingilabot sa balat ko nang hinalikan niya ang likod ng palad ko.

Oo, sige na. Kinikilig ako.

"Anong iniisip mo?"

Napapitlag ako kasi ang lapit ng mukha ni Jake sa akin. "H-ha?"

"Nakangiti ka tapos medyo nagba-blush. Anong iniisip mo?" panunukso niya. "Totoo yung hinala ko no? Kung bakit magaang yung bag mo. Aaaw, AJ. Malayo pa yung birthday ko but you're making my wish come true."

Hindi naman ganoon kaliwanag sa paradahan pero para makita niya na namumula ang pisngi ko... minsan hindi dapat minamaliit yung singkit na mata niya. "Manahimik ka nga!"

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon