Epilogue

2.7K 79 17
                                    

           

AJ

Hawak ni Kuya Migs 'yung baby, titig na titig at hindi makagalaw nang maayos sakaling kailangang mag-ingat sa bawat kilos ng bagong silang na bata. Inilapit niya yung ilong niya sa noo nito at huminga nang malalim. "Ang bango niya." Saka niya hinalikan yung pisngi.

Napangiti si Kuya Migs nang makitang humikab yung baby.

Si Kuya Kiel naman ay nakadapa sa kama, ang dalawang palad ay nakasalo sa kanyang baba habang pinagmamasdan yung bata. Umisod siya papalapit hanggang sa sumandal siya sa bisig ni Kuya Migs at tumitig ding mabuti sa baby. Puno ng paghanga yung mukha niya. "Ang liit niya."

Inilahad ni Kuya Kiel ang hintuturo niya para hawakan nung baby. Agad namang bumilog ang maliit na palad nito sa daliri na 'yon. Gumuhit ang isang malaking ngiti kay Kuya Kiel.

"Gusto mong hawakan?" tanong ni Kuya Migs.

Malugod namang tumango si Kuya Kiel at umayos ng upo sa kama. Tinuruan siya ni Kuya Migs kung paano ang porma ng kamay niya bago nito idiniposito yung bata sa bisig ni Kuya Kiel. Katulad ni Kuya Migs, titig na titig din ang Kuya Kiel doon sa bata nang mahawakan.

"Mata, ilong, bibig, tenga..." Bawat parte ng katawan na banggitin niya ay marahang dumadampi ang hintuturo niya. Inilapit niya yung bibig niya sa tenga nung baby at bumulong, "I love you, baby."

Napa-singhap ako, tumutulo ang luha sa nakita at narinig ko.

Maya-maya pa'y humagulgol na si Kuya Kiel.

Tumawa lahat ng nasa paligid niya.

"Ezekiel, bakit ka umiiyak?" untag ng Itay.

Inangat ni Kuya ang mukha niya. "Kuya na ako."

"That's right," sagot ng Inay na may hawak ng camera. "At ano 'yung binilin ko sa inyong dalawa dati?"

"Aalagaan namin si Ariel, Inay," sabik na sagot ni Kuya Migs.

Narinig kong humihikbi ang Inay hanggang sa gumulo ang imahe sa pinapanood ko at tumapat sa kanya yung camera. Nagpupunas siya ng luha bago lumapit sa aming magkakapatid at isa-isang hinalikan sa noo. Kinuha niya ako mula kay Kuya Kiel saka sumunod ang mga kuya ko sa pagmamasid sa akin, si Kuya Kiel ay nakasandal sa kabila niyang bisig, si Kuya Migs nasa may ulunan ko, 'di napigilang humalik ulit.

Inangat ng Inay ang ulo niya at tumingin sa camera. Tahimik niyang inimbitahan ito na umupo sa tabi niya.

Nilapag naman ng Itay ang camera saka umupo sa likod ng Inay, nakasilip din sa mukha ko. Sa nakatagilid na screen, nakita kong humaplos ang Itay sa bunbunan ko saka humalik sa sentido ng Inay.

Maging ako na nanonood lang ay naramdaman yung pagmamahal na nandoon sa video na 'yon. Patago akong nagpunas ng luha.

"AJ!" Naalis ang tingin namin ni Hannah sa telebisyon nang marinig ang sigaw ni Kuya Kiel.

Nagkatinginan kami ng kasama ko at napatawa. Kakaalis lang kasi ni Cess matapos balutan ng plastik yung bibig ng kubeta namin. Alam niyang bagong gising si Kuya at 'di mapapansin yung plastik kapag upo nito. "Ano?" painosente kong sigaw pabalik.

"Humanda kayong dalawa sa 'kin ni Cess!"

Napalakas ang tawa ko. "Isara mo 'yung pinto ng banyo, umaalingasaw 'yung amoy!"

Lumabas si Kuya Kiel ng banyo, may nakatapis na tuwalya sa bewang. Nakapostura ang kamay niya na parang gusto niyang manakal. "Pasalamat ka kabuwanan mo na kundi mare-wrestling kita nang wala sa oras."

"Hey!" suway ni Jake na kapapasok lang ng pinto bitbit ang isang basket ng prutas.

Nginitian ko ang nobyo ko bilang pasasalamat sa pagdedepensa sa akin bago ko balikan si Kuya. "'Di mo ko re-wrestling-in, Kuya. Love mo 'ko eh."

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now