Twenty-nine

2.3K 86 34
                                    

AJ

"I'm sorry."

Umiling ako. "Wala ka namang dapat na ihingi ng sorry sa akin."

Napabuntong-hininga si Vivian. "There is. Pagdating ko sa condo ni Kuya kaninang umaga, wala ka doon. And the state that my brother was in, I knew something was wrong. Nalaman ko kay Gage lahat. I demanded him to tell me. Then I found out na ako ang may kasalanan ng lahat nang 'to."

"Hindi ko naiintindihan..."

Tinitigan ako nang matagal ni Viv, yung itsura niya parang hindi mapakali. Doon pa lang alam ko nang hindi ko magugustuhan ano man ang sasabihin niya.

"Remember when I told you all about Gage and... that night... Napansin kasi ni Kuya yung mood ko. That's the thing, AJ. I can't hide anything from him. Pinilit niya akong magsalita, to tell him who made me sad. Hindi niya ako tinantanan. I was scared to tell him that it was his best friend. He would be devastated kapag nalaman niya. So I told him it was Kiel. I played it safe kasi alam kong hindi niya kilala si Kiel in person.

"Kaya lang, my lie hit me right in the face. Nalaman kong nandito siya sa Batangas kaya pumunta ako agad to check on him. But then I saw na sobrang mesmerized sa'yo si Kuya. I did not think any of it. 'Yun pala he used you to get back at Kiel. An eye for an eye... It was the perfect revenge."

"Anong..." Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin. Parang merong giyera sa dibdib ko at naglalaban-laban lahat ng mga emosyon. Akala ko hindi lang ako kayang mahalin ni Jake. Iyon pala... ginamit niya lang ako para sa napakababaw na dahilan.

Akala ko wala nang mas sasakit pa nang ipinamukha niya kay Gage na hindi niya ako kayang mahalin. Pero yung para gamitin niya yung nararamdaman ko para sa kanya upang makapaghiganti kay Kuya? Masakit. Sobrang sakit. Parang namumukadkad yung sakit mula sa dibdib ko patungo sa mga ugat ko.

Napapikit ako. Ayaw ko nang palalimin pa 'yung sakit. Baka 'di na ako makaahon kapag nangyari 'yon.

Kaya pinunan ko ito ng galit.

Napapansin siguro ni Vivian na nagsisimula ko na siyang pagsaraduhan ng tainga. Nagmamadali siyang magpaliwanag. "But you see, my brother loves you. I'm sure of it. Bigyan mo lang siya ng chance—"

"Tama na."

"AJ," pagmamakaawa niya.

"Umalis ka na."

Nakita kong nasaktan siya sa pagtataboy ko sa kanya. Lumapit sa akin si Vivian, akmang hahawakan ako sa magkabilang braso. Napatigil siya nang marinig ang boses ni Kuya Kiel. "Narinig mo ang kapatid ko."

Nilingon ko si Kuya at natagpuan siya sa may pintuan. Base sa tigas ng tindig niya, alam kong narinig niya ang pag-amin ng kasama ko.

"Kiel..."

Lumapit si Kuya kay Vivian at nakita kong napaatras siya sa takot dala na rin ng awra ni Kuya. Sa mga tattoo pa lang na nakapinta sa makisig niyang katawan at sa malaking  peklat niya sa mukha, takot talaga ang una mong mararamdaman sa kanya lalo na kung matapatan ka ng galit nito.

Hindi naman siya sasaktan ng Kuya ko pero kung lalaki si Vivian, malaki yung posibilidad na ma-kamao siya. "Wala kaming ginagawang masama sa inyo ng kapatid ko. Pinakitaan kita ng bait nung kailangan mo. Winelcome ko ang kapatid mo sa bahay namin dahil akala ko magiging mabuti siya kay AJ. Makinig ka sa kapatid ko at umalis ka na. Ayaw kong makita ni AJ na nananakit ako ng babae."

Umiiyak na siya. "Kiel, please."

"'Wag kang mag-alala. Hindi ako maghihiganti sa Kuya mo sa ginawa niya sa kapatid ko. 'Di kami mababaw tulad niya."

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now