Three

4.2K 126 9
                                    

Jake

The first time I laid eyes on her, alam kong madali lang yung task ko. She looks beautiful and iba yung beauty niya. Yung tipong isang tingin mo pa lang makukuha na kaagad niya ang atensyon mo. Medyo maliit nga lang siya, nasa five-foot-two ang height. I prefer my girls a little bit taller kasi alam ko sa sarili ko na I'm a legs man pero I can always make an exception. Mukhang inosente 'to at hindi makakapatay ng langgam. Mga dalawang araw lang siguro ako magtatagal dito sa probinsya nila to get the job done. 

Pinagmamasdan ko lang siya habang nililinis niya ang kotseng hiniram ko kay Gage. Kailangan ma-impress ko kaagad siya, that's why I borrowed it even though I got a lot of disapproval from him. Pasulyap-sulyap si AJ habang naglilinis at nang makita niyang nakatingin din ako, hindi na niya ako muling sinilip.

Napangiti ako. Madali lang talaga 'to.

I shouldn't have been too cocky. Ayan tuloy, sobrang shocked ako nang makilala ko ang tunay na AJ.

Sobrang layo ng appearance niya sa babaeng tinitingnan ko kanina. For one, she's a head taller than her friend. Nakasuot siya ng baseball cap backwards, malaking t-shirt at jogging pants. May mga streak ng grease sa braso at pisngi niya na mukhang naiwanan kahit na mukhang nagpunas na siya. The only girly thing that I noticed about her-bukod sa dibdib niya na halatang halata ko pa rin kahit na natatakluban ng malaking damit-was her hair. Mahaba na naka-braid sa likod niya. Parang kay Lara Croft sa Tomb Raider.

She has close set eyes, a dainty nose, and lips that are fuller at the top than they are at the bottom. Pero sa mukha niya, ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay yung malaking nunal sa may ibaba ng left cheek niya. Na-emphasize tuloy bottom half ng mukha niya.

Nang matanggal ang surprise sa sistema ko, that's when I realized I was staring. Agad kong naalala yung dapat kong gawin so I pasted a smile that I hope was charming and introduced myself.

Tinitigan niya muna ang kamay ko bago niya tingnan ang kamay niya. Nagdadalawang-isip siguro dahil madumi yung kanya pero she made a face as she made a decision saka niya inabot yung kamay ko to shake it. Nasorpresa na naman ako dahil ang firm ng grip niya. I've had my share of handshakes especially sa larangang kinabibilangan ko at aaminin kong hers can match the handshakes of men who are on top of the food chain.

"Bakit mo tinititigan kaibigan ko?" she asked after letting go of my hand.

Ako naman ay nagulat sa sobrang forward ng pagtatanong niya. "I just thought she was you."

Nagtinginan ang dalawang babae. Nakita kong naguguluhan si AJ.

The other girl cleared her throat. "Ano bang kailangan mo kay AJ, Mr... Jake ba?"

"Yes. Call me Jake."

Tumango lang siya, hindi binibigay sa akin ang pangalan niya.

Hindi ko alam kung anong dapat na sabihin ko para hindi ako magmukhang kahina-hinala.

"Cess, ikaw muna ang bahala rito," sabi ni AJ sa kaibigan. Then she turned to me. "Kung may itatanong ka tungkol sa mga serbisyo ng talyer, si Cess ang kausapin mo. Siya ang manager namin dito. Mauna muna ako dahil may inuutos pa sa akin."

When she started to excuse herself, nagmadali akong mag-isip ng sarili kong excuse para makausap siya without her friend hanging around. Medyo nakalayo na siya when an idea popped into my head.

Sumunod ako at madaling nasara ng mahaba kong strides ang lakad niya. Then I touched her elbow. "Wait."

Tumigil siya at tumingin sa kamay ko na parang pinapatanggal niya sa siko niya. Not the reaction I usually get when I touch a woman.  

"I need someone to fix my car and you came highly recommended kaya sa'yo ako lumapit," pagdadahilan ko.

Ibinalik niya ang tingin sa kotse kong dala. Matagal bago siya sumagot. "Mukha namang maayos yung kotse mo ah."

"Not that car. Nasa bahay yung tinutukoy ko at kailangang maayos ito kasi ireregalo ko sa kaibigan ko."

"Ah. Kung ipapadala mo rito sa talyer, titingnan ko kung anong pwedeng gawin."

"Hindi ko madadala, the engine is not working. Isa pa, it's a classic car. Hangga't pwede, ayaw kong galawin dahil baka mas masira pa."

Tumigil siya sa paglalakad. "Pa'no ko magagawa 'yon kung hindi ko makikita ang problema?"

"Punta ka sa bahay."

"Okay."

This girl did not fail to surprise me the whole time I met her. Inaasahan ko kasing gagawa siya ng excuse para hindi gawin ang trabaho dahil sino ba namang matinong tao ang pupunta sa bahay ng isang stranger? Granted, it's her job, pero kani-kanina lang inaakusahan niya akong tumititig sa kaibigan niya. She was so close to calling me a pervert.

"Saan ka ba nakatira?"

Sinabi ko sa kanya ang address ng bahay nina Gage. "Pwede ko bang makuha ang contact number mo para mai-message kita kung may magbago man."

She wrinkled her nose. "Wala akong cellphone eh."

May mga tao pa palang walang phone sa panahon ngayon? "Okay. Just be there early."

"Pwede bang pakisulat yung address para sigurado?"

Kinuha ko sa bulsa ko ang resibo galing sa pinagbilhan kong drugstore kanina. Buti na lang at laging handa ang pen na nasa bulsa ko. I jutted down the address and gave her the receipt.

"Salamat." She waved the piece of paper in the air at ibinulsa ito. "Kailangan ko na talagang umalis. Kitakits na lang bukas, Jake!"

With nothing more to say, I just nodded. I'm usually smoother than this but I suddenly found out that I was running out of things to say para makausap ko siya nang mas mahaba kaya pinanood ko na lang siya habang naglalakad patungo sa sakayan.

Sanay ako na ako yung tumatapos sa usapan, sa social o maging sa business setting. Conversation flows whenever I want it to. Nakakahanap ako ng mga linyang tatama sa moment and it just goes from there. Yung ibang babae nag-iisip ng mga topic na makakakuha ng atensyon ko for more than a second. Pero itong si AJ parang walang pakialam. Hindi gumagana sa kanya yung konting ngiti at maraming charms na ginagamit ko para makakuha ng atensyon ng iba.

Pumangit ba ako overnight? Is it because I haven't been playing the field for a long time now? Manghihingi na ba ako ng oil dahil mukhang kinakalawang na ata ako?

Para akong naghanda na maglaro ng basketball only to find out na football pala ang labanan. It's a different ball game. At ang dapat na gawin sa sitwasyon? Study the new game, strategize, practice... and then win. Whatever it takes, win.

Hindi ako sumusuko sa ngayon. I'm just turning around to get my bearings. Syempre, paano ako magiging champion kung hindi ko kilala ang kalaban ko? Now that I know what I'll be dealing with, mapapadali ko na ito. The next time I see AJ Guevarra, hindi na ako maiiwang surprised and at a loss for words. The next time I see AJ Guevarra, somebody's going to go home crying because of a broken heart.

I grabbed my phone from my pocket and dialled. After the third ring, sinagot ito.

"Kurt? I have a favor to ask. Pwede mo bang sirain yung makina ng Impala? If possible make the damage unfixable for a week."

Looks like I'll be staying here longer than two days.

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon