Thirty-nine

2.2K 66 8
                                    


AJ

"He's finally asleep."

Napatawa ako sa sinabi ni Vivian. Ilang araw din naming hinintay na magising si Jake at 'di namin aakalain na matutuwa kami dahil nakatulog na rin siya.

Napatingin ako sa magkasaklob naming kamay. Ni minsan simula nang madatnan ko siyang gising, hindi niya ako pinaalis sa paningin niya. Kahit pag-ihi ko sabi niya 'wag na daw ako magsara ng pinto. Pinandilatan ko siya nang sambitin niya iyon, akala ko ay nagbibiro pero totoo pala.

Ngayon ko lang nakitang ganito si Jake na parang hindi mapakali. May bakas ng pag-aalala sa mukha niya. Kahit anong paninigurado ko na hindi ako aalis ay parang hindi nakakapagbigay sa kanya ng kumpiyansa. Sabi ng nanay niya marahil na rin sa mga gamot na naibigay sa kanya.

Madami pa kaming dapat pag-usapan ni Jake pero parang nagkaroon kami ng pagkakaunawaan na isantabi muna yung mga nangyari pabor sa kaisipan na magkasama kami ngayon at iyon ang mas importante.

"You should rest, too." Lumingon ako sa sofa kung saan nakaupo si Vivian. "Alam kong mabilis kang mapagod. The fact na nagpapabalik-balik ka these past few days and that my brother did not give you much of a break, you need to sleep it off."

Magiging makasarili ako kung sasabihin kong gusto ko pang manatili gayong alam kong kailangan kong magpahinga para sa baby namin kaya naman nagpaalam na rin ako na babalik na lang.

"AJ," ang pagpigil ni Vivian.

Napahinto ako sa may paanan ng kama ni Jake, naghihintay sa sasabihin niya.

"I'm really glad that you are working things out with my brother." Kahit na sinasabi niyang natutuwa siya ay rinig ko ang bahid ng lungkot sa tono niya.

Alam kong hindi maganda kung paano kami huling nakapag-usap nang puntahan ako ni Vivian sa Batangas. Ramdam ko rin na umiiwas siya sa akin sa tuwing naiiwan kaming dalawa na magkasama sa kwarto. Wala naman akong nararamdamang masamang loob na nanggagaling sa kanya bagkus panay pagsisisi iyon. Gusto kong kausapin si Vivian tungkol dito pero sa tuwing sisimulan ko ay iniiwasan niya ako.

Hindi ko naman masyadong binigyan ng pansin ang pag-iwas niya dahil inaamin kong nang tawagan ko siya para malaman ang kinaroroonan ni Jake, nataranta kaagad ako nang malamang nasa ospital ang kuya niya. Nagkagulo-gulo ang damdamin ko nang mabalitaan, 'di ko alam kung ano ang uunahin ko sa mga emosyon ko.

Alam kong hindi ko na dapat palagpasin ang pagkakataong magkausap kami. Kung may natutunan man ako sa naging karanasan namin ni Jake, iyon ay ang pagbibigay ng second chance. At alam kong iyon ang dapat ko ring ibahagi kay Vivian.

Tinabihan ko siya. "Hindi pa namin napag-uusapan ni Jake pero gusto kitang gawing ninang ng bata. Alam kong papayag rin ang kuya mo sa desisyon ko."

Gumuhit ang sorpresa sa mukha nia. "AJ, I can't. Not after what I did. I do not deserve that."

"Pero deserve ng anak ko na magkaroon ng ninang na gagabay sa kanya at magpapaalala sa kanyang na matutong umako ng responsibilidad, masama man o mabuti. Deserve niya na may taong magtuturo sa kanya kung paano matutong humingi ng tawad nang bukal sa loob. Deserve niya na may taong magbabantay sa kanya at tuturuan siyang maging mabuti, laging masayahin, at higit sa lahat, ay matutong nagmamahal nang walang kapalit at buong-buo. At lahat nang iyon, matututunan niya sa'yo."

Umiiling si Viv at bumubuhos ang luha mula sa mata niya. "No, AJ. Don't be too nice to me. I need you to hate me for what I did to you. Or at least bago ka maging too forgiving, let me make it up to you muna. Let me earn your forgiveness."

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon