Nine

3.2K 125 13
                                    

Jake

I've been hiking before but the hikes I went to with Gage and Harvey are hikes that have passed environmental, safety and all other legal requirements. May expert na hiker sa harap at likod ng tourists. May mga medic, just in case. May trail na susundan. Sa ilan, may red arrows na nakaturo ng direksyon. And most importantly, nobody gets lost.

Idagdag pa yung mga engkanto stories ng Angelina Jolie na ito and boom, I'm a paranoid idiot.

When I heard that creepy noise na parang isang malaking butiking nananakot sa akin, tumaas lahat ng balahibo sa batok ko. Shit, totoo ba talaga 'yung kwento ni AJ? Kinuha na ba siya ng Tikbalang kaya siya biglang nawala?

Tsk. Tsk. Tsk. There it goes again. Hindi na ako nagdalawang-isip. Hinubad ko na ang shirt ko at binaligtad ito saka ko isinuot uli. Sana maalala ni AJ yung advice niya at gawin niya iyon kundi hindi kami magkikita.

Yes, nag-aalala ako para sa kanya. What if hindi na siya ibalik ng Tikbalang? What will I tell her friends? Her family? Yung lalaki kanina sa talyer parang bubugbugin ako when he saw how closely I was standing next to AJ. He's not even her brother.

Speaking of brothers. Alam ko namang I planned on getting revenge for Vivian pero not in this way. Yung hindi mauuwi sa puntong magkakandawala-wala ang mga tao. I'm not that heartless. May puso pa rin naman ako, however misplaced it may be.

Nang makarinig ako ng rustling ng mga dahon when there was no wind, mas naging alerto ako sa paligid ko. Paano kalabanin ang Tikbalang? Holy water? Water lang ang meron ako. Magiging holy ba 'yon kung magdadasal ako habang binubuhos sa halimaw?

Lumapit ako sa bag na iniwan ko at hinila ang water bottle mula sa side pocket nito. Habang nakaluhod ako roon, I felt a presence behind me kaya I uncapped the bottle.

"Anong ginagawa mo?"

I stilled at the question, nakahandang umatake kung kinakailangan. Medyo tumapon pa nga ang tubig sa kamay ko na medyo nanginginig na. What the shit, bakit ang duwag ko?

Pero teka, kelan pa naging kaboses ni AJ ang mga Tikbalang? Is that part of their superpower?

Dahan-dahan akong humarap at tumingala. I gave a sigh of relief nang matapat ang tingin ko sa mukha ni AJ. "Thank God, you're alright!"

She was flushed and I can see how hard she was trying not to smile. Tatanungin ko pa sana siya kung saan siya dinala ng mga masasamang loob pero inunahan niya na akong magsalita. "Anong nangyari sa'yo?"

Agad akong tumayo at hinawakan siya sa magkabilang balikat. I scanned her from head to toe, checking for injuries. Buti naman at walang galos sa katawan niya. At least, not where I can see. "Are you okay? May ginawa ba sila sa'yo?"

"Sino?" takang-taka siya sa tanong ko.

"Yung mga Tikbalang!"

Nagliwanag yung mukha niya. "Ah, sila ba? Wala naman. Binigyan pa nga nila ako ng mangga." Isinukbit niya ang bag na puno ng mangga sa balikat niya at inunahan ako sa paglalakad. "Tara na, Tsekwa. Hindi ka naman nila kukunin, ililigtas kita. Tsk. Tsk. Tsk."

Naiwan naman akong nakanganga. "You-" I really am an idiot! All this time pina-prank lang pala ako ni AJ tapos sobrang panicked na ako kung paano ko siya mahahanap. And to think na isho-shoulder ko yung blame once na malaman ng family niya na nawawala siya. I want to strangle this girl but I settled for a glare instead.

She faced me again, a mischievous smile playing on her lips. Hindi niya pinansin yung glare ko when she patted her stomach. "Tinapay."

"Gutom ka na?" I gathered my bags and followed her, hindi ko inaalis yung naninising tingin ko sa kanya.

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now