Four

4.5K 129 10
                                    

AJ

May humawak sa paa ko at hinila ako palabas ng ilalim ng kotseng inaayos ko. Unang sumalubong sa akin ang liwanag at nang masanay ang mata ko sa sinag ng araw, nagpokus ang atensyon ko kay Kuya Gilbert na nakangisi sa akin. "Na-miss mo ko?"

"Asa." Mabilis kong itinaas ang paa ko na tumama sa binti niya. Pumabor sa akin yung ginawa ko dahil habang abala at gulat siya sa atake ko, tumayo ako at nagtungo sa likod niya. Tapos binatukan ko siya. "Ha! Ilang points na ba ang lamang ko?"

Nagkakamot ng ulo ang pinsan ko nang lumapit sa whiteboard at nagdagdag ng marka sa ilalim ng pangalan ko. "Anim lang. May araw ka rin sa 'kin, AJ. Sasakit yung ulo mo sa sobrang sakit ng konyat ko sa'yo."

"Kapag dumating ang araw na 'yon, huwag mo na akong balaan. Lagi akong handa sa'yo."

Bata pa lang kami, ito na ang lagi naming pustahan ni Kuya Gilbert. Nagsimula noong may pumaradang kotseng pagong sa harap ng talyer. Yung larong ginagawa lang sa tuwing nakakakita ng ganoong sasakyan ay nadala na namin hanggang sa wala nang sasakyang maisangkot sa patagisan naming dalawa. Sa tuwing magkikita na lang kami nagbabatukan pero ngayon madalang na kasi sa Maynila siya nag-aaral ng kolehiyo. Kung nag-aaral din siguro ako ng kolehiyo, mas malaki pa ang lamang ko sa kanya.

Kaya lang hindi ako yung katulad ng mga kuya ko na pinalad na mag-aral sa siyudad. Gustuhin ko man, hindi kaya ng utak ko ang kolehiyo. Elementary at high school pa nga lang ay gusto ko nang sumuko, kolehiyo pa kaya? Sayang, kasi gusto ko ring maging engineer katulad ni Kuya Kiel. Pero kung tutuusin, gusto ko ring maging doktor katulad ni Kuya Migs kaso baka mas mapalala ang pasyente kung ako ang manggagamot kaya 'wag na lang.

Ayan na naman ako, naghahangad ng mga bagay na alam kong hindi ko na makukuha pa. Inggit na inggit ako sa mga taong nakakapag-aral. Kaya nga nakakainis yung mga nagpapabaya. Kung alam lang nila kung gaano sila kaswerte na mabigyan ng ganoong oportunidad.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang nakitang papalabas ng bahay si Kuya Kiel. Natawa ako sa pagdating niya. Dahil nakatalikod si Kuya Gilbert, nakotongan ko agad siya. "Seven!"

Humawak siya sa likod ng ulo niya at humarap sa akin. "Isang beses sa isang araw lang, 'di ba?"

Maliban na lang kung may kotseng pagong at kung may kalbo. Itinuro ko ang kapatid ko.

"Hoy Ezekiel! Bakit ka nagpakalbo? Gago ka talaga!" Hinabol niya si Kuya.

Tumakbo si Kuya papunta sa kotse niya. "Nakita mo ba yung buhok ko kahapon?" Hindi na niya hinintay na sagutin siya. Humarurot na siya ng takbo, iniwanan si Kuya Gilbert na sumisinghot ng alikabok na naiwan.

Nagpapaspas siya sa hangin. "Pwe! May araw din kayong dalawang magkapatid sa 'kin!"

Tinawanan ko lang siya at bumalik sa ilalim ng kotseng inaayos ko. Hindi ko alam kung gaano katagal ako sa ilalim pero nang dumating si Rica sa talyer, doon lang ako uli lumabas.

"Hoy Be, anong oras na? Sabi mo sasamahan kita."

Oo nga pala. May aayusin akong kotse ni Tsekwa. "Anong oras na ba?"

"Six-thirty."

Patay. Nakaligtaan ko ang oras. "Sandali lang, aayusin ko lang ang mga dadalhin."

❈    ❈    ❈

"Kumanan ka," utos ni Rica sabay turo ng direksyon. "Girl, ikaw ha. Pumapayag ka na sa home service. Paano kung yung meaning niya ng home service iba sa meaning mo ng home service? 'Di ba sabi mo pervy yung guy?"

"Nakuha niya ako sa classic car at sa hindi gumaganang makinilya. Ano pa bang mahihiling ko?"

Napansin kong ibinaligtad niya ang hawak na papel at binasa ang nasa likod nito. Napaupo siya ng tuwid at itinapat sa mukha ko ang papel. "Tingnan mo 'to!"

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now